“My Yenah...”
Dahil sa boses na iyon ay napabalikwas ako ng bangon. Agad kong nabungaran ang silid na hindi ako pamilyar. White and gray ang kulay, malawak at mukhang kumpleto rin sa gamit.
"Good morning." Isang magsiglang boses ang nagpagulat na naman sa'kin.
Isang lalaking may dalang tray at may laman na pagkain. Nagsalubong ang kilay ko nang makilala kung sino. Iyong lalaki sa bilihan.
"B-Bakit nandito ako? N-Nasaan tayo?"
Gaya ni Asmodeus sasaktan niya rin ba ako? Kaya niya ba ako dinala dito para saktan? Napatingin ako sa mga daliri kong nagsimula na namang manginig. Nag-uunahan din sa pagtambol ang dibdib ko.
"Calm down, Yenah. Calm down please." Inangat niya pa ang isang kamay para lang senyasan akong 'wag mag panic.
Hawak niya sa kabilang kamay ang tray na may pagkain.
"Nagdala lang ako ng pagkain. I am worried, kagabi ka pa hindi nakakain. And I'm sorry about that."
Tumingin ako sa paligid. Naguguluhan at nandoon pa rin ang takot.
Matagal bago niya ako nakumbinsi. Pero kalaunan ay umupo ako ulit sa kama at kinain ang pagkain na dala niya. Kalaunan nahiya ako nang mamalayan na mabilis ang mga pagsubo ko.
"Just go on. It's okay,"aniya na nakangiti pa rin.
Nagtataka na nagpatuloy ako. Ang nakita ko sa mga mata niya ay napakalayo sa nakikita ko sa mga mata ni Asmodeus. Napakalayo nila sa isa't-isa.
Napasinghap ako nang hawakan niya ang kamay ko. Agad ko iyong binawi at binigyan siya ng nagtatakang tingin.
"I... I'm sorry. I've just want to put this on your hand."
Nilabas niya ang kulay pula na rosas.
"It is the best rose from my garden, Yenah."
Mukhang nailang pa siya dahil sa nangyari. Akmang itatago niya na iyon pero pinigilan ko. Kahit papaano ay malapit talaga sa puso ko ang mga bulaklak.
"P-Pwede bang akin na lang?"nahihiyang tanong ko.
Saglit na umawang ang labi niya pero abot tainga naman ang ngiti kalaunan.
"S-Sure. Para sa'yo naman talaga 'yan."
Agad kong dinala sa ilong ang bulaklak at sinamyo iyon. Kahit kailan napakabango pa rin talaga ng rosas. Hindi ko paborito ito pero gustong-gusto ko ang amoy niya simula noong may makapagbigay nito sa akin. At naalala ko na naman si Archie.
Nagustuhan ko ang rosas dahil sa kaniya. Dahil ito ang madalas niyang binibigay sa akin.
"Hindi ka pa rin nagbabago."
Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya at biglang naalala ko ang sitwasyon ko ngayon.
"P-Pwede na ba akong umuwi?"ani ko.
Tinitigan niya ako. Napansin ko ang paglunok niya. Mariin siyang pumikit at yumuko saglit na tila kinakalma ang sarili bago bumaling ulit sa'kin.
"Can you give me a little time to explain this? I promise, after this you can freely decide where you want to go."
Saglit akong natigilan at napaisip sa sinabi niya pero kalaunan ay tumango ako.
"Sige."
.....
Binigyan ko siya ng oras na gaya ng hinihingi niya. At sinong mag-aakala na iyong kakaunting oras na iyon ang magbabago ng buhay ko? Dahil ang lahat ng narinig ko mula sa kaniya ang dahilan ng tila pagkakawala ko sa posas na siyang gawa ni Asmodeus.
BINABASA MO ANG
His Metal Cage - Book 1 (Innocent Lips Series)
Ficção GeralYenah Arabella a girl with a disability. She can hear, can talk but can't see. Laking probinsya, lumaki kasama ang matandang itinuring niya nang ina. Siya ang naging pasanin ng kaniyang abuwela dahil sa kaniyang kapansanan. Until her grandmother di...