Upang kahit papaano ay mapasaya ko ang taong nagbigay ng pag-asa sa buhay ko ay pumayag ako sa offer niya. To be his official sister. Isa na akong Havier ngayon... kapatid niya. Pinagpatuloy ko ang pag-aaral—home study.
Habang lumalaki ang tiyan ko ay nararamdaman ko na rin ang mga galaw ng anak ko. Ang sipa at mga kilos niya sa loob ng sinapupunan ko. Tila pinaparamdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa—na nandiyan siya.
Seven months na siya ngayon at hindi na ako makapaghintay na malaman ang gender niya. At sa napakabilis na panahon ay ganoon din kabilis dumating ang babaeng magpapatibok sa puso ni Armando. Si Lavigne.
Kung may mas nakakakilala kay Lavigne ay si Armando iyon. At nandito ako ngayon upang makilala ang babaeng ilang buwan niya nang nakarelasyon.
Umaga ang meet-up, hindi pwedeng gabi kami mag-meet dahil bawal sa akin. Kasama ko si Kuya Armando at magkasama kaming pupunta sa isang coffe shop kung saan niya sinabing meeting place namin ng kaniyang girlfriend. Mabilis nagdaan ang ilang buwan, ganoon siguro talaga. Kapag wala kang iniisip at masaya ka ay hindi mo halos namamalayan ang oras at araw.
Gaya ng hindi ko namamalayang ilang buwan na akong malaya at malayo mula sa teretoryo ni Asmodeus. At iniisip ko rin ang mga naiwan sa bahay noong mawala ako. Matagal ko nang pinagdarasal na sana maayos lang ang kalagayan nila ngayon. Sana walang ginawa si Asmodeus sa kanila. Dahil baka hindi ko mapatawad ang sarili ko kapag nangyari iyon.
"Nandito na tayo."
Nilingon ko si Kuya at biglang nawaglit ang iniisip. Ngumiti ako at sumunod sa kaniya sa pagbaba.
Inalalayan niya ako hanggang sa nakababa na ako nang tuloyan. Sapo ko ang tiyan nang makalabas na.
"Nasa loob na siya,"aniyang nakangiti pa. Tila tuwang-tuwa nga talaga siya.
Natutuwa rin ako para sa kaniya. Mukhang seryosong seryoso siya dito. Ilang buwan ko na siyang napapansin na katawagan ito. Nagpapalitan sila ng matatamis na 'I Love You' at tawanan magdamagan.
Tumango ako sa kaniya at hindi nawala sa labi ko ang ngiti.
Maganda ang lugar na napili ni Kuya. Magaan sa paningin ang mga halaman sa paligid at puros glasswall ang nakapaligid. Kukunti ang tao at maluwag sa loob. Namamangha pa ako sa interior design nito.
"Dito tayo,"anyaya niya na iginiya pa ako.
Sa dulo ng mga cubicle type na upuan ay natagpuan namin ang babaeng simpleng nakaupo doon. Napakaganda nito at matangkad noong nakatayo na ito. Napanganga ako sa ganda ng mukha niya. Napakaganda niya talaga na masasabi kong baka hindi talaga ito tao o baka dyosa. Balingkinitan at may kurba. Papasa itong international model.
"Hello, you must be Yenah. Am I right?" Nakangiting bungad niya. Kahit ang pananalita ay may accent.
Nakanganga pa rin ako kung hindi lang ako kinalabit ni Kuya.
"Hello raw." Natatawa niyang puna.
"H-Hello... rin." Wala sa sarili kong sabi.
"Nagandahan siguro,"pabirong sabi ni Kuya. Nahiya ako dahil doon.
"Well,"tipid niyang sabi at bahagyang tumawa. Sanay na sigurong makatanggap ng papuri.
Madalas si Kuya ang nagsasabi ng mga tungkol sa mga pinagdaanan nila. Mga dates nila at kahit saang lugar sila nakapunta. Marami siyang naikwento samantalang tahimik at ngumingiti minsan si Lavigne. Sumasang-ayon lang din ito madalas sa mga sinasabi ni Kuya.
Wala akong pag-aalinlangan sa katauhan ni Lavigne. Wala rin naman akong masiyadong alam sa pagbasa sa ugali ng tao. Masasabi ko nang ayos na siya para kay Kuya base sa nakikita ko sa kaniya ngayon. Ang importante lang naman dito ay nagmamahalan sila sa isa't-isa. At nakikita kong napaka-proud ni Kuya sa nobya niya. At sa gayon ay proud na rin ako para sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
His Metal Cage - Book 1 (Innocent Lips Series)
Ficção GeralYenah Arabella a girl with a disability. She can hear, can talk but can't see. Laking probinsya, lumaki kasama ang matandang itinuring niya nang ina. Siya ang naging pasanin ng kaniyang abuwela dahil sa kaniyang kapansanan. Until her grandmother di...