Kabanata 37

3.3K 64 22
                                    

Kanina pa ako tulala nakasalampak sa sahig. Mugto ang mata kakaiyak kanina. Napagod akong dambahin ang pinto upang buksan nila at tinangka ko na rin sirain ang doorknob pero sobrang nahirapan ako. Ngunit nang mag-click ang doorknob at namataan kong may papasok ay agad akong umalis sa pinto.

Namilog ang mata ko nang makita si Alethra. Ano na naman ang kailangan niya at nandito siya? May sumunod na dalawang lalaking naka all black suit sa likuran niya.

“Get her,”utos niya sa dalawa.

Pumasok ang dalawa at lumapit sa akin na ikinabigla ko. “Ano 'to? Anong ibig sabihin nito?!”

“It is just a simple reunion my dear.” Nilakipan niya pa ng tawa. “Because after this. He's all mine.”

Namimilog ang mata nang sundan ko ng tingin ang nakangisi na si Alethra. Hawak ako ng isang tauhan na alam kong hindi ko kayang labanan sa laki. All of their men are tall and bulky. Hindi mga Pinoy at mukhang taga-Russia rin.

Wala na rin akong balak na magpumiglas pa dahil balak ko rin na alamin ang sinasabi ni Alethra. May duda ako sa lahat ng nangyayari ngayon. Patuloy silang naglalakad habang hawak ako. Hanggang sa marating namin ang malaking bulwagan at bumungad sa amin ang itsura doon. Sampung katao ang nakabulagta sa lobby ng mansyon at nakatayo sa gitna si Asmodeus tila naging floor wax ang dugo doon at sa kabilang side kung saan nakaharap sa kaniya ay si Greg. Nakasalampak at humihingal nang mapansin kami ay pareho silang tumingala.

Agad akong tinutukan ng baril ng tauhan nila sa baba ko.

“Don't you dare touch her.” Sa malalim na boses ni Asmodeus.

“I didn't told you to touch her!” Sumabog ang boses ni Greg sa lobby. Akma pang tatayo ngunit napadaing sa sakit at doon ko namalayang may sugat siya sa binti.

Nagtama ang mata namin ni Asmodeus. Kakaibang tigas sa awra ang nakikita ko sa mga mata niya habang hindi halos kumukurap habang nakatitig sa akin. Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa mga nakabulagtang tauhan na sa lobby. Paniguradong siya ang may gawa ng lahat ng iyon. Hindi ko rin akalaing kaya niyang patumbahin ang lahat na iyon na siya lang. Nakalimutan kong anak siya ng isa sa tanyag na mafia. Tila ngayon niya pinaalala ang titulo na mayroon siya.

“Let me do this, Brother. After all, I'm involved in here. I won't let this opportunity slipped away from my hands.” Tumawa si Alethra at tinuro si Asmodeus. “That guy will never be mine though.”

Kumilig ang ulo ni Asmodeus at ngayo'y bumabalatay ang kawalan ng buhay sa mga mata. Purong blangko iyon. Maging ako ay kinilabutan sa nakikita ko sa mukha niya. This psycho.

“So Brother—”

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Alethra. Tumalsik ang dugo niya sa amin at namalayan ko na lang natumba siya at gumulong sa hagdan na kinatatayuan namin. Sunod na natumba ay ang lalaking may hawak sa akin. Sa bilis ng mga pangyayari ay wala akong ibang nagawa kundi ang matulala. Kahit nagkaputokan na ay nanatili akong nanginginig at nakatayo doon. Kung hindi lang sa kamay na humila sa akin ay hindi ako kikilos. Nakasunod ako sa kaniya pero gulat na gulat pa rin ako ilang saglit ay namalayan ko na lang na nakalabas na kami.

Nasa daungan ng mga yacht na kami nang mapasinghap ako dahil binuhat niya ako papasok sa isang speedboat. Nang umandar ang sasakyan ay doon lamang ako tila natauhan. Naka-upo ako sa likuran ng speed boat habang mabilis ang pagpapatakbo niya doon hawak sa kabilang kamay ang manibela habang sa kabila ay baril. Napaawang ang bibig ko nang mapansin na may tumutulong dugo sa  sahig ng sasakyan. Nang sundan ko iyon ng tingin ay napag-alaman kong mula iyon sa braso niya. May tama siya sa braso niya kung saan hawak niya ang baril.

Nanlamig ako habang pinagmamasdan iyon. At parang wala rin siyang walang pakialam sa sugat niyang iyon. Ilang saglit ay biglang gumiwang ang speed boat at napayuko si Asmodeus. May bumaril sa amin at natamaan na naman siya sa braso. Agad akong napalingon sa likod. May nakasunod na speed boat sa amin. Mukhang walang balak na tantanan kaming dalawa.

His Metal Cage - Book 1 (Innocent Lips Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon