Marami akong gustong itanong lalo na kung paano siya nagkaroon ng mayamang kakilala. Naalala ko kasi dati ay kasa-kasama na siya ng kaibigan ni Lola. Dati pa alam kong naghihirap din talaga sila sa buhay kaya hindi ko akalaing magiging ganito ang buhay niya sa nagdaang mga taon.
Pinagmasdan ko ang unahan at hinihintay na lamang na lumubog nang tuluyan ang haring araw. Sa ganda ng mga nakikita ko sa paligid iniisip kong sa ganoong paraan ay makakalimutan ko saglit ang mga nangyari sa pagitan namin ni Asmodeus. Pero hindi. Akupado niya pa rin ang utak ko. Hanggang dito ba naman?
Ilang saglit ay sumulpot na kamay na may hawak na juice in can. Sumalubong ang mukha ni Greg nang tumingala ako.
"Salamat."
Wala siyang ibang sinabi at umupo malapit sa akin. Bitbit niya sa kabila ang beer in can.
"Anong dahilan ng biglaan mong desisyon? Siya ba?"
Napakurap-kurap ako at hindi inakalang iyon agad ang magiging topic niya. Pero si Asmodeus ba ang tinutukoy niya? Mas lalong nagsalubong ang kilay ko, wala naman siyang alam sa namamagitan sa amin ng lalaking iyon. Pero bakit pakiramdam ko parang mayroon nga siyang alam?
"S-Sino ba ang tinutukoy mo?” Nilakipan ko iyon ng alanganing tawa.
"Alam mo kung sino ang tinutukoy ko, Yenah." At tumungga siya ng inumin habang nanatiling nakatingin sa unahan. "Kahit hindi mo sabihin nakikita naman sa mga kilos mo. Pero ayos lang kung 'di mo aminin."
Napalunok ako at bahagyang napaawang ang bibig. Talagang alam niya? Dahil lang sa kilos ko? Ganoon ba kahalata?
"Kahit naging sekreto ang pangyayari sa bahay ng mga Rojo, may iilan na nakakaalam sa mga pangyayari sa loob niyon. At lalo na ang tungkol sa nangyari sa iyo." Gumalaw ang panga niya at bakas ang iritasyon sa mga mata nang balingan ako.
May alam siya? Papaano?
Bakit ko nga ba hindi agad napansin ang kalamigan sa mga mata ni Greg kanina noong makarating kami. Simula noong marating namin ang lugar na ito ay iba na ang mga kilos niya.
"Greg—”
“Kaya lang hindi ko alam ang punto mo kung bakit hinahayaan mo pa rin na lumapit sa'yo ang taong iyon.” Nandoon pa rin ang iritasyon sa mga mata niya nang balingan ako. "Tinakot ka na naman ba niya?”
Hindi ako makapagsalita.
"Marami akong nalaman tungkol sa'yo. At nagsisi ako na sana hindi na lang ako umalis. At sana noong mabalitaan kong namatay ang Lola mo ay umuwi agad ako.” Tumangga siya ng inumin at napansin ko ang pagkuyom niya ng kamao. “Magkababata tayo kaya't alam ko kung ano ka noong malaya ka pa. Dahil noong bumalik ako, huli na ang lahat.”
Inilapag niya ang inumin sa buhangin.
"Siya ang ama ng anak mo, 'di ba? Tinatakot ka ba niya?”
Tulala ako ilang saglit at kalaunan ay naalala ang mga sinabi ni Asmodeus noong gabing iyon. Ayaw niya akong paalisin.
"Sila na ni Alethra, kaya't ano pa ang ginagawa mo ngayon?”
Gusto kong magsalita. Gustong-gusto kong depensahan ang sarili mula sa mga salita niya. Pero kalaunan naisip kong baka nga tama siya. Bakit pa nga ba ako nandito? Dahil lang nangako si Asmodeus ay kakapit na agad ako kahit wala namang kasiguraduhan ang lahat. Kaya nga nandito ako dahil maging ako hindi ko na rin maintindihan ang sarili.
"Nagugulohan ka lang, isipin mong mabuti ang lahat. Pwede mo akong hingan ng tulong kapag handa ka nang lumimot.” At tumayo siya.
.....
BINABASA MO ANG
His Metal Cage - Book 1 (Innocent Lips Series)
Fiksi UmumYenah Arabella a girl with a disability. She can hear, can talk but can't see. Laking probinsya, lumaki kasama ang matandang itinuring niya nang ina. Siya ang naging pasanin ng kaniyang abuwela dahil sa kaniyang kapansanan. Until her grandmother di...