Magkakaroon na ng liwanag ang buhay ko kahit sa isang saglit lang. Iyon ang hinihintay ko at pinapangakong iingatan. Higit pa sa buhay ko.
.....
"Dahan-dahan lang na'tin, huh." Mabagal ang pag-aalis ng benda. Maingat dahil napaka maselan ng mga bagay-bagay na nangyayari.
Nararamdaman ko ang mga tingin niya. Bawat saglit ay panay ang lunok ko. Prente lang akong naka-upo sa single chair, kinakabahan at tila hinahalukay ang kalamnan. Halos hindi ako gumagalaw o kahit nga yata ang paghinga. Hindi na ako makapaghintay.
"Malapit na po tayo."
Kinagat ko ang labi.
Hanggang sa maramdaman kong nawala na lahat ng benda at tanging dalawang tela na lang ang naiwan na siyang nakatakip sa dalawang mata. Napalunok ako.
Dahan-dahan ang pag-alis niya noon.
At kahit nakapikit ako ay tila nararamdaman ko na ang liwanag.
"Sige, Ma'am paki-open na po ng mata. Dahan-dahan lang."
Sa namimigat na talukap ay unti-unting nagliliwanag ang lahat. Maliwanag ngunit malabo pa pero kalaunan ay unti-unting nagiging klaro.
Ang unang bumungad sa'kin ay ang lalaking nasa harapan ko na siyang tingin ko ay ang assistant nurse. At umusog siya ng kunti kaya sumunod sa paningin ko ang lalaking naka de kwatro na naka-upo sa medyo distansyang sofa. Medyo masakit pa sa paningin ang malayo dahil sa tingin ko ay nag-a-adjust pa ang mga mata ko pero naaninag ko siya.
Isang matangkad na lalaking nakasuot ng itim na t-shirt at kupasing maong. Prente lang itong naka-upo doon at tila walang balak na lumapit para mas maging klaro ang mukha niya.
"Pwede niyong ipahinga po muna iyan, Ma'am. Dahil nag-a-adjust pa po ang mata niyo maaring sasakit pa iyan."
Kaya pinili ko na lang na makinig at humiga sa kama. Sa huling beses ay sinulyapan ko siya ulit bago ko ipinikit ang mga mata.
Dalawang buwan na ang nakalipas noong maalala kong sumailalim ako sa eye transplant. Mabilis ang recovery at mabilis ang mga naging proseso. Kaya nga tila panaginip lang ang lahat ng nangyayari ngayon. Nakakatuwa na kahit nakapikit ako ay naaninag ko ang liwanag sa likod ng mga talukap ko. Ganito pala ang pakiramdam.
Ngunit hindi ko na ulit naramdaman ang presensya ni Asmodeus pagkatapos ng lahat. Siya ang gusto kong makita, dahil balak kong magpasalamat sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan namin. Hindi ko iyon kinalimutan, nakabaon pa rin sa puso ko ang mga bangungot na dinulot niya. Mahirap makalimutan iyon.
Mabilis na dumaan ang dalawang buwan. Ngunit sa loob ng dalawang buwan ay tila kay bilis din ng mga bagay-bagay na dumaan sa buhay ko. Maraming dumating at may mga umalis. Maliban sa assistant ay nandiyan ang isang tutor na nagtuturo sa'kin. Home study na ako at kapag natapos ko ito ay maari na ako sa college. Napakalaking oportunidad ito. At si Asmodeus ang dahilan ng lahat ng ito.
Kasama ang dalawang bodyguard, nakakalabas na ako. Sinusuyod ang buong syudad, alam na ang bawat sulok nito. 'Di tulad ng dati... isang mangmang at nakakukulong sa kadiliman na isang Yenah. Na buong buhay niya ay nakaasa lang sa kaniyang Lola at walang sariling desisyon.
May mga nagbago, malaking pagbabago, dahil ngayon si Asmodeus ang parati kong hinahanap. Dati ay ayoko siyang umaaligid sa'kin—kinatatakotan, pero ngayon hindi ko maintindihan ang lahat.
.....
"Two thousand na lang po, Ma'am." Isang lalaking may hawak na batang babae ang lumapit.
"E, ito po?" Tinuro ko naman ang isa pang bulaklak.
BINABASA MO ANG
His Metal Cage - Book 1 (Innocent Lips Series)
Fiksi UmumYenah Arabella a girl with a disability. She can hear, can talk but can't see. Laking probinsya, lumaki kasama ang matandang itinuring niya nang ina. Siya ang naging pasanin ng kaniyang abuwela dahil sa kaniyang kapansanan. Until her grandmother di...