Kabanata 29

2.4K 64 7
                                    

"You've made a right decision, Yenah." Masigla ang boses ni Auntie sa kabilang linya. Matapos kong ibalita sa kaniya noong gabing iyon na gusto ko munang pabantayan sa kaniya ang anak ko ay awtomatiko agad siyang sumang-ayon.

"Darating maya-maya ang mga kukuha sa apo ko, be ready." Kanaumagahan nang tumawag ulit siya. Kagabi pa ako naghanda para sa mga dadalhin nilang gamit.

Limang lalaki at ang dating yaya ni Deus ang dumating. Masaya akong malaman na magiging panatag ang anak ko sa byahe dahil sanay na sanay siya sa mga taong maghahatid sa kaniya kay Auntie. Nagsimula ako sa unang araw ko na wala ang anak ko. Nakakalungkot at nakakapanibago na malayo siya sa akin pero isang buwan o dalawa ay baka tapos na ang project na iyon. Susunod na rin agad ako sa anak ko at baka sa pagkakataong iyon ay sunod nang paplanuhin ang paglipad sa ibang bansa.

"A-Akala ko isasama mo ang anak mo?"ani Luela. Iyon ang pangalan niya. Assistant pala siya mismo ni Alethra hindi siya nanggaling sa mga Rojo.

"Na-miss ng lola niya kaya pinadala ko muna,"ani ko na lang.

Sa likuran ni Luela ay natatanaw ko ang sasakyan ni Asmodeus. Palabas ito at mukhang may pupuntahan ngayon. Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang yumuko at tumabi.

Agad akong sumunod kay Luela nang magyaya na itong pumasok upang maumpisahan na. May mga na-contact na akong magiging katulong ko sa project. Dati silang kakilala ni Lola noong nabubuhay pa ito. Gaya ni Lola mga magagaling din sa pagtatanim. Karamihan sa mga na-mention ni Luela na mga halaman ay puros galing sa ibang bansa. Karamihan ay maaring limitado na ang dami at hindi mo na basta-basta mabibili kung saan.

Mukhang gaya ni Asmodeus, mayaman din itong si Alethra. Iyon pala ang mga tepo niya. Kaya lang wala ako no'n. Mayaman si Auntie pero si Auntie lang iyon, hindi ako iyon. Kaya siguro pinaglaruan niya lang ako kasi hindi ako pasado sa taste niya sa babae. Pangmahirap lang kasi ako. Tama lang ito, ganito talaga siguro wala rin naman akong maiambag sa buhay niya kapag ako ang napangasawa niya. May malaki siyang kompanya, panigurado ganoon din si Alethra. Kapag nalugi ang negosyo niya makakatulong ang asawa niya. Hindi sila maghihirap habang-buhay.

Mapait akong napangiti sa sarili. Tama nga iyan, Asmodeus. Hindi nga talaga ako karapat-dapat. Kahit anong gawin mo hindi ko magawang magalit sa'yo. Imbes na magalit, natutuwa pa akong naging matalino ka sa pagpili ng babaeng makakasama mo habang-buhay. Tama lamang na siya ang pinili mo imbes na ako. Masaya akong maayos ang buhay mo ngayon.

Ang akin lang ngayon ay labas ang anak ko sa lahat ng ito. Hindi siya dapat madamay sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Kumuha ako ng isa sa rosas na nasa harden habang nagsasalita si Luela. Marami pang demand ang babae tungkol sa gusto nitong ipagawa. Inamoy ko iyong rosas habang pasaglit-saglit na sinusulyapan si Luela na abala sa pagtuturo ng kung anu-ano sa paligid.

Nagsimula na ang iba matapos ang brief demo ni Luela. Ako naman ay nagsimula na rin sa paglalagay ng mga seedlings sa pot karamihan kasi ay papatubuin pa, import pa galing ibang bansa.

"Yenah, ako na." Si Greg na anak ni Aleng Bebang na kaibigan ni Lola.

Kasama siya sa limang lalaki na kinuha ko. Masiyadong malaki ang harden para kakaunti ang kunin kong tauhan para doon. Kasama naman si Aleng Bebang sa mga nagtatanggal ng mga bulaklakl na pinapatanggal.

"Salamat,"ani kong nakangiti kay Greg.

"Sa pot ka na lang, sabihin mo lang kung may ipapagawa ka lalo na kung mabigat. Tawagin mo agad ako."

Tumango lang ako at bumalik na sa paglalagay ng mga seedlings sa pot. Nilalagyan ko iyon ng kaunting tubig bago ihelira sa iba pang pot. Nagdala pa si Luela ng snack mga bandang alas nuwebe. Tinulungan ko na rin siya na dalhin sa harden ang ibang snack dahil tapos na rin naman na ako sa paglalagay ng seedlings.

His Metal Cage - Book 1 (Innocent Lips Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon