"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Pamilya. Yun lang ang tingin ko sakanya noon pero bakit nagbabago? Bakit nag iiba ang tingin ko sakanya?"Lubos ang pagkalito ni Toni dahil hindi nya namalayan ang pagkahulog ng loob nya sa kasama sa bahay at katrabaho na si Vince. Tinuring nya itong kapamilya. At isa pang issue dito ay kasama din nila sa bahay ang ka live in partner nyang si Daddy Robb.
"Problema nga yan bespren. Di din naman kita masisisi kasi sya yung andyan palagi para sa ating lahat na andidito. Lalo na sa girls, lagi syang nakaalalay. Lalo sayo dahil ikaw ang leader namin. Pinaprioritize ka nya lagi pati na din kay Baby Girl na lagi nyang pinapasaya." Sabi ni Papi na malimit nyang sabihan ng problema at sikreto. Kagrupo nya din ito sa trabaho at kasama sa bahay.
"Hindi nga pwede yun, Papi. Kapag nagpatuoy to, masasaktan ko si Daddy pati na din ang anak ko. Tinuring na nyang tunay na ama si Daddy e. Kailangan mastop to. Pero paano? Unfair naman na layuan ko si Vince. But don't worry. I'll figure this out on my own. Strong ako. Kaya ko to. Naniniwala ako na si Daddy lang. Sya lang ang nasa puso ko." Kumbinsidong sinabi ni Toni sa sarili nya.
"Go, Bespren! Basta ako support lang." Sabi ni Papi.
"HOOY, mga bakla! Anong chika?" Nagulat silang dalawa ng biglang pumasok si Vince sa loob ng kwarto. Habang nag aastang bakla. "Hanap na kayo ng mga jusawa nyo mga marites. Aba. Kainin ko sila tingnan nyo." Sabay tawa ni Vince at Papi. Pero ang mukha ni Toni hindi maipinta.
"Bakit ba kasi di ka marunong kumatok?! May narinig ka ba sa pinagusapan namin?!" Tanong ni Toni na iritable ang mukha. Nagulat naman si Papi at Vince sa inasta nya.
"Ay, wala po. Sorry po, Mommy. Nakalimutan ko kumatok muna. Pero wag ka naman magalit agad. Bakit po ba mainit ulo mo? Pero di ko na talaga uulitin. Promise po." Medyo kinabahan si Vince sa mood ni Toni. May rule kasi sila na laging kakatok muna bago magbukas ng pinto lalo na sa kwarto nila ni Daddy Robb. Speechless naman si Papi at nakaobserve lang sa reaksyon ni Toni.
"Oo, sorry din Vince.. medyo nastress lang ako." Narealize din ni Toni na sumobra ang reaksyon nya kaya kumalma din agad sya nung magsorry si Vince.
"Bakit po, Mommy? Baka makatulong po ako." Sabi ni Vince na may worried na mukha. Napatingin si Toni sa mukha ni Vince at namove na naman sya nung makita ang pagaalala sa mukha nito, nung makabawi sya ay lumingon sya kay Papi na may kinikilig ang expression ng mukha. Napahilamos sya ng mukha sabay lumabas ng kwarto at bumaba.
"Hala, sorry talaga. Nahyper na naman ako, diko naisip na kumatok muna, gagi!" Sabi ni Vince kay Papi.
"Lagot ka talaga, Vince. Lagot ka." Sabay tawa ni Papi. Tinapik nya balikat ni Vince sabay sumunod na din kay Toni.
"Luuhh, bat ako na naman?" Takang taka ang mukha ni Vince sabay sumunod na din sa dalawa pababa ng bahay.
Natapos ang buong araw na sayaw at linis ang ginawa nila. Mga dancers kasi sila pero dahil pandemic, wala silang project kaya naisip ni Toni na kupkupin muna sila dahil mayroon naman syang kinikita sa mga small business nya. Gusto din nya makatulong sa mga ito. Ngayong pandemic, kasama nila ni Daddy Robb at Baby Girl sa bahay sina Vince, Papi, Harvy, Mikay, Bhe pati na din ang kapatid nyang si Tatan, Ate Mari at partner nitong si Audie.
BINABASA MO ANG
SAY YOU'LL STAY (Dito lang ako sa tabi mo lagi)
FanfictionAng story na ito ay kathang isip ko lamang dahil sa rollercoaster emotions na pinaparamdam sakin ng Team Onince at Toro Fam. Pero syempre ang mga pangyayari ay ibabase ko din mga ganap nila pero iba. Ah basta mahirap iexplain. 😅 Love ko sila sobra...