Chapter 6

1.8K 29 8
                                    

     NATUTULOG ng mahimbing si Toni ng 3am ng madaling araw at nagising ito dahil may yumakap sakanya at humalik sa leeg nya. Bumulong din ito ng I love you at kumabog ang dibdib nya dahil alam nya kung sino ito, si Robb.

"May balak ka palang umuwi?" Miss nya ito pero hindi pa din maalis ang sama ng loob nya sa ginawa nitong pag iwan sa kanya.
"Sorry na ,Mommy. Hindi mo ba ako namiss? Flowers for you and pizza."  Sabay hinatak sya nito patayo at ibinigay ang flowers at 2 box ng pizza. "Favorite mo to Mommy diba? Ako ba hindi mo na favorite? I missed you." At nagsad face sya.

Tinanggap naman nya ang flowers at alam nyang napatawad agad nya ito pero hindi pa din maaalis sakanya ang sumama ang loob. Gusto nya manumbat gusto nya itong sigawan pero di nya magawa dahil alam nyang masaya yung puso nya na umuwi na ito sakanya at ligtas ito. Hindi na sya nagsalita at niyakap nya si Robb.

"Hindi ka na galit sa akin Mommy? Bati na ba tayo?" Nainis sya sa tanong nito dahil parang tinuturing lang nitong mababaw ang mga nangyari pero pinalampas na lang nya yon.

"Ikaw lang naman ang kayang tumiis sakin, Daddy." Sabay para syang maluluha.

"Hindi po sa ganon. Hinayaan lang kita na lumamig. Palagi ka kasing mainit sa akin. Pero babawi ako sayo ."  Sabay hinalikan sya sa labi. Then after non, kumain na sila ng pizza. At muli ay binigay ni Robb ang oras sakanya na lagi nyang hinahanap. Sa sandaling yon ay wala siyang ibang iniisip kundi silang dalawa lang.

  Sumikat na ang araw at nanatili silang magkayakap sa kama ni Robb. Maya maya ay may kumatok sa kwarto, napapiglas si Toni at kumalas sa pagkakayakap kay Rob. Nagtaka naman ang isa sa inasta nito.

"Bakit? Anong problema?" Naiiritang tonong sambit nito.

"Kasi Daddy may papasok e."

"Ano naman kung makita tayong magkayakap sa kama?" Hindi naman nakaimik si Toni.

Iritableng tumayo si Rob at lalo syang nairita nang narinig nyang nagsalita ang nasa kabilang side ng pinto.

"Mameh, pabukas po. Bakit po nakalock to? Ready na po ang breakfast." Agad nang nag init ang tainga nya dahil may nararamdaman syang hindi maganda. Binuksan nya ang pinto at nahalata din nya ang pagkabigla sa mukha ni Vince.

"K-kuya Robb. Umuwi ka na pala."

"Oo! Bakit? Ayaw mo pa ba? Tuwang tuwa ka bang pagsilbihan ang asawa ko?"  Lumapit agad si Toni kay Robb at Vince.

"Daddy , Vicente.. dito tayo mag usap sa loob. Saraduhan nyo ang pinto." Sumunod naman ang dalawa at kabado din si Vince.

"Vicente?!" Mas lalong nadagdagan ang galit ni Robb at tinulak nito ng bahagya si Vince.

"Kuya Robb, please, ayoko ng gulo."

"Ayaw mo pala ng gulo e bakit ginugulo mo ang isip ng asawa ko? ASAWA KO TO. BAKA NAKAKALIMUTAN MO?!" Inemphasize nya yung mga huling salita nya.

"Daddy, ano ba?! Kumalma ka nga! Walang kaming masamang ginagawa ni Vince!"

"Walanghya ka, Vince. Bantay salakay ka! Ano? Tinuring kitang kapatid!"

"Kuya Robb, wala naman talaga akong ginawang masama e. Hindi ako lumampas sa limitasyon ko. Iniwanan mo sya ng matagal at pinili ko din na magstay sa tabi nya kasi kailangan nya ng lalaking poprotekta sakanya pero wala ka e. Ayoko lang na maramdaman nya na mag isa sya. At hindi ako nagbantay salakay, sana naintindihan mo kung gano natrauma si Toni sa nangyari. Sana nakita mo kung gaano syang natakot nong panahong yon para hindi mo pinili na iwanan sya." Para namang natauhan si Robb dahil alam nyang nagkulang sya kay Toni.

SAY YOU'LL STAY (Dito lang ako sa tabi mo lagi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon