Naging masaya ang gabing iyon para sa dalawa. Pero pagkatapos noon ay parehas na ulit sila naging busy. At mas naging madalas na wala si Robb sa tabi ni Toni. Kahit nasa bahay lang ay puro sasakyan pa din ang tinitingnan nito sa phone. Kaya hinayaan nalang ni Toni naisip nya atleast hindi nambababae. Loyal pa din sa kanya. Naisip nya mag linis ng kwarto at tinawag nya si Mikay at Papi para tulungan sya. Pero pagdating nilang dalawa ay kasunod na nila si Vince at gusto din tumulong sakanila."Oh? Dalawa lang tinawag ko ah. Bat naging tatlo kayo?" Natatawang sabi ni Toni.
"Kasama po ako sa service bale 1k po lahat per hour, Miss Toni." Sabi ni Vince sabay tawa nilang apat.
"Kapal ng mukha mo, Vince. Ang mahal ng rate mo ah." Sabi ni Toni habang nakataas ang kilay.
"Mahal na talaga yan, bespren. Hahahahaha" Napalingon naman si Toni at kumunot ang noo dahil alam nyang may ibig sabihin si Papi sa sinabi. Natawa naman si Papi sa reaksyon nya.
"Hindi.. joke lang. Syempre gusto ko lang makatulong sayo, Toni. Ano bang uunahin? Asan ang walis? Ang basahan? Itaas na ang kama. Pagpagan ang comforter. Walisin na dalii! Toni! Papi! Mikkaaaaay!" Sabay kunwaring nagpupunas ng dingding. Nalabas na naman ang kulit ni Vince. Kaya nagtawanan silang lahat.
"Nako si Vince. Nahyper na naman yan. Kumilos na tayo guys no?" Si Mikay
"Si Vince kasi ang daldal e." Sabi ni Papi. At naglinis na nga silang lahat ng kwarto. Pag katapos non ay tumambay sila sa kwarto nina Papi at Mikay at naisipan nilang mag inom. Si Toni na din nagyaya dahil naiistress na din sya sa mga intindihin nya sa buhay. Habang umiinom sila ay syempre si Vince pa din ang bangka sa pagpapatawa. At dahil dun gumaganda ang mood ni Toni.. di na din nya napansin na nalalasing na sya.
Mahigit 2hrs na silang nainom pero wala man lang chat or text si Robb. Hindi man lang sya hinahanap. Napailing nalang sya at nagpatuloy na uminom. Napatingin sya kay Vince at naisip nya na ang sarap siguro mahalin ng gantong klaseng lalaki. Masayahin at mapagmahal sa tao sa paligid nya. At bigla na din syang kinilig sa sariling iniisip hindi na nya maawat yung nararamdaman nya lalo ngayong me alak na dumadaloy sa dugo nya. Napalingon sya kay Papi at nakita na seryoso ang mukha nito. Mukhang badtrip. Kaaway siguro sa chat ang asawa. Si Mikay naman ay tawang tawang nanonood ng tiktok videos nila, lasing na din. Tumingin sya kay Vince at nagulat sya na nakatingin na ito sakanya. Sabay ngumiti ito at may mukha na nagtatanong ng bakit. Hindi nya alam kung anong pumasok sa isip nya pero parang pakiramdam nya sasabog sya. Hindi sya sanay ng hindi sinasabi ang totoong nararamdaman nya.
"Vince, gusto kitang kausapin. Punta tayo dun sa balcony." Si Toni na seryoso ang mukha. Kinabahan naman si Vince kasi naisip nya na baka me nagawa syang mali. Ganon kasi si Toni kapag gusto sila pagsabihan. Kalimitan me nagawa kang mali.
"Lagot ka, Vince. Pasaway ka ah! Hahahaahah" Sabi ni Mikay kay Vince sabay higa sa kama. Natawa naman si Toni dahil sa mukha ni Vince na halatang kinakabahan.
Pagdating nila sa balcony, hindi na sya nagdalawang isip pa. Siguro dahil na din sa alak kaya mas malakas ang loob nya.. pero gustong gusto nyang gawin to ngayon.
"Ano yun, Toni?" Sa kanilang apat ay sya lang ang hindi pa lasing.
"Uhhhmmm.. M-may tumatakbo sa isip ko Vince e. Uhhh.. Hindi ko alam kung totoo ba to o ano pero kasi... habang tumatagal kasi.. ikaw.. nagiging Vicente ka sa paningin ko.." Tumingin sya sa mata ni Vince na mukhang litong lito sa narinig.
"A-ano po? Hindi ko m-ma gets? Anong sinasabi mo dyan, Toni?" Litong sabi ni Vince sabay sandal ng paupo sa railing. Nanlambot ang tuhod nya at kinabahan sya ng todo. Sa totoo lang ay hindi sya tanga, alam nya ang ibig sabihin ni Toni pero itinatanggi yun ng sarili nyang utak dahil hindi nya naisip na posible at alam nya kung gaano kamahal ni Toni si Robb.
BINABASA MO ANG
SAY YOU'LL STAY (Dito lang ako sa tabi mo lagi)
FanfictionAng story na ito ay kathang isip ko lamang dahil sa rollercoaster emotions na pinaparamdam sakin ng Team Onince at Toro Fam. Pero syempre ang mga pangyayari ay ibabase ko din mga ganap nila pero iba. Ah basta mahirap iexplain. 😅 Love ko sila sobra...