Chapter 24

1.4K 64 27
                                    

   Naging sobrang busy ng buong week ni Toni. Halos hindi na nya makausap si Baby Girl dahil pag uwi nya ay tulog na ito. Pag gigising naman sya ay hindi na nya maaabutan si Baby Girl dahil nasa school na ito. Minsan ay hindi na din sya nakakakain sa tamang oras kahit pa may nakahanda na si Vince na pagkain para sakanya dahil inuuna nya ang matulog. Hanggang sa isang araw ay sumakit ng sobra ang tiyan nya. Isinugod nila ito sa hospital at nalaman na mayroon itong acid kaya madalas sikmurain. Minabuti ng doktor na maconfine muna si Toni para icheck na din kung ano pang dahilan ng pagsakit ng tiyan nito. Mayat maya din kasi itong dumudumi dahil sa sakit ng tiyan.

"Vicente, nagdesisyon ako na si Papi na ang magbabantay kay Toni sa loob. Isa lang daw ang pwedeng bantay e. Mas maganda kung si Papi." Si Mari ay mas gusto si Papi na magbantay kay Toni.

"Ate, bakit ayaw mong ako? Mas maganda nga na ako nalang kasi mas kaya ko si Toni kung kailangan syang buhatin." Gusto talaga ni Vince na sya ang magbantay kay Toni sa loob ng hospital.

"Vince, may mga nurse naman don. Sila na ang bahalang umalalay kay Toni." Sa totoo lang ay tinetest lang ni Mari si Vince kung hahayaan nitong iba ang magbantay kay Toni sa loob.

"Ano? Pano kung lalaki ang aalalay? Ate hindi ako judgemental pero iniingatan ko lang si Toni. Ako nalang ang aalalay sakanya. Kaya ko naman po." Medyo irita na ang boses ni Vicente dahil sa usaping ito.

"O? Bakit parang sinasagot mo ako Vince?" Pang aasar nya kay Vince ng kunwari ay seryoso sya.

"Ate, Hindi. Kasi kanina pa si Toni dun sa kwarto. Naghihintay na sya dun. Wag na tayo magdiskusyon tungkol dito. Gusto kong ako ang magbabantay kay Mameh. Hindi ako mapapakali kung hindi ako, Ate."  Naluluha luha na agad si Vince sa sinabi. Halatang alalang alala to kay Toni.

"Joke lang. It's a prank. Ikaw naman masyadong seryoso." Sabi ni Papi.

"Ate Mari naman. Nakakapag prank pa ng ganto." Tawang tawa naman si Mari sa mukha ni Vince.

"Hahhaha. Oh basta alagaan mo ng ayos ang kapatid ko. Tiwala ako sayo Vicente. Uuwi na kami. Tawag ka lang pag may kailangan ha." At sabay niyakap nito si Vince. "Oh? Kalma na. Aahahhaha." Sabay hinampas nito sa braso si Vince at saka sila umalis.

  Pagkabalik ni Vince sa kwarto ay natutulog ng mahimbing si Toni. Pinagmasdan nito ang mukha ni Toni at awang awa sya dito. Lumapit sya at hinalikan ito sa noo. Pagkasilip nya sa mukha nito ay gising na ito.

"Vicente, saan ka ba galing? Kanina pa kita inaantay e." Pabebeng sabi ni Toni.

"Sorry Mameh. Kinausap ako nina Ate Mari kaya nagtagal. Pahinga ka pa po. Hindi ka nakatulog kagabi ng ayos."

"Sumasakit na naman ang sikmura ko. Hindi kona kaya dumumi." Nanlalambot na sabi ni Toni.

"May diaper ka po Mameh. Dyan kana muna dumumi. Kung dimo pa kaya pumunta ng banyo." At ganon nga ang nangyari. Pinunasan lang din ni Vicente ang puwet nito at pinaltan ito ng diaper. After mapaltan ng diaper ni Toni ay napansin nya na mukhang nahihiya si Vince at medyo namumula ito. Napangiti naman sya dahil duon. Kumuha si Vince ng pagkain bago lumapit sakanya.

"Mameh, kailangan mo po ubusin ito. May gamot po kasi ikaw na iinumin at kailangan pong malamnan ng tyan mo." Nanlalambot man ay sinubukan pa din nyang bumangon kasabay ng alalay ni Vince na maupo sya. Pakiramdam nya ay hindi na din nya kayang magsalita sa nanghihina nyang katawan. Pagkainom nya din ng gamot ay duon na din sya nakatulog dahil sa tapang ng gamot. Matagal nakatulog si Toni at ginigising lang sya ni Vince pag kailangan nya uminom ng gamot at kapag kailangan nyang palitan ng diaper ito. Magdamag gising si Vince para kay Toni at wala din syang naging tulog nung nagdaang gabi dahil din sa nararamdaman ni Toni sa katawan. Nakatulog sya na hawak hawak ang kamay ni Toni kaya pagkagising ni Toni ay bumungad sakanya ang natutulog na si Vicente na hawak ang kamay nya.

SAY YOU'LL STAY (Dito lang ako sa tabi mo lagi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon