"Mabuti naman at dumating ka." Nag bigay naman ng daan si Mari para makapasok si Rob."Mommy mag usap tayo."
"Nakahanda na yung mga gamit mo. Ipapababa ko nalang kina Tatan." At tumalikod na si Toni ng biglang yakapin sya nito sa likod.
"Mommy, please ayusin na natin to. Ayoko nang mag kaaway tayo." Napapikit sya at humarap dito.
"Napag usapan na natin to. Nirerespeto ko naman na yung desisyon mo na lumayo at lumipat. Susuportahan pa kita sa ibang gastusin hanggang kaya mo na. Pero hindi pwedeng mamimili ako sainyo ng Ate ko." At tumulo na naman ang luha nya.
"Pero mas makakapag rebuild kasi tayong dalawa kung tayo lang ang magkasama e. Intindihin mo naman yung side ko."
"Kahit na ano pang dahilan yan Robb, maling mali na papipiliin mo ako. Maling mali. Kung talagang mahal mo hindi mo yun gagawin sakin. Sobra kitang mahal Daddy. Pero hindi sapat na dahilan yun para iwanan ko si Ate." At patuloy na tumulo ang luha nya kasabay din ng luha ni Mari na nasa gilid lang at nakikinig. This time hindi na sya nakialam. Hinayaan nya si Toni na magfigure out ng lahat sa sariling paraan.
Samantala, mula sa loob ay lumabas si Vince..
"Mameh, nakahanda na-" Nabitin naman ang sasabihin ni Vince nang makita na andidito si Robb at unti unting kumunot ang noo nang makita sya nito.
"So I guess, I get it now. Eto ba yung ipapalit mo sakin?" Sabay turo ni Robb kay Vince.
"Daddy pwede ba?! Yung problema natin ay nasa ating dalawa! Ano bang pinagsasasabi mo?!" Naiyak na sa galit si Toni. Nanahimik naman si Robb.
"Osige, ganito nalang. Magsstay ka ba dito o ipipilit mo pa din yang plano mo?" At pinunasan nya ang mga luhang tumulo sa mukha nya. "Ano?"
"Bakit mo tinatanong yan?" Naiirita na ding sagot ni Robb.
"Kasi kung sino ang magsstay, edi sya ang magiging jowa." Sinabi nya yun sa mukha ni Robb. Na lalong nakapag painit ng ulo nito.
"What the f*ck?! This is bullshit, Mommy. " Pero nanatili lang na nakatingin sa mata nya si Toni.
"Alam nyo bahala na kayo basta magsstick pa din ako sa plano ko. I'm outta here.!" At lumabas sya sabay binalibag nya ang gate.
Pagkaalis ni Robb ay lumapit agad si Mari at si Vince naman ay nanatiling nasa may pintuan.
"Kapatid, ano bang pinagsasasabi mo? That is disrespectful sa part nya."
"Alam ko Ate. Sinubukan ko lang naman sya e. Sinubukan ko lang kung ipaglalaban nya ako.. pero mukhang wala na talaga e. Iba na ang plano nya. At sa plano nyang yun, hindi na ako ang priority nya. Option na lang ako." Muli ay nagyakapan ang magkapatid habang lumuluha.
"KNOCK! KNOCK!" Out of the blue, bigla nalang sumisingit si Vicente. Nagkalas ng yakap ang magkapatid at sabay na tumingin kay Vince.
"Anong trip mo, Vicente?" Sabi ni Toni habang nagpapahid ng luha.
"O sige, who's there?" Sinakyan ni Mari si Vince dahil alam nyang gusto lang nya pagaanin ang sitwasyon.
"Chandelier"
"Vicente parang siraulo." Pero nung napatingin sya sa mukha ni Vince, natawa sya pero pinipigilan nya.
"Dali na Mameh, Chandelier nga."
BINABASA MO ANG
SAY YOU'LL STAY (Dito lang ako sa tabi mo lagi)
FanfictionAng story na ito ay kathang isip ko lamang dahil sa rollercoaster emotions na pinaparamdam sakin ng Team Onince at Toro Fam. Pero syempre ang mga pangyayari ay ibabase ko din mga ganap nila pero iba. Ah basta mahirap iexplain. 😅 Love ko sila sobra...