Chapter 25

1.4K 80 32
                                    

  Nang matapos makaempake ang lahat ay pumunta na si Robb sa driver seat at pabibong nagvolunteer na sya na muna ang magdadrive. Nagpaubaya naman si Harvy at sumakay na din sa van.

"Mommy, dito ka naman sa passenger seat. Para naman hindi ako antukin."  Natigilan ang lahat sa sinabi ni Robb dahil si Harvy ay nakaupo na sa tabi nya at magkakatabi na din si Toni Vince at Baby Girl sa isang row ng van.

"Daddy, ayoko. Tutulog ako e. Gusto ko katabi ang anak ko. Sige na po. Tara na. Si Harvy boy na dyan sa unahan." Sabi ni Toni na nakasimangot kasi inaantok na. Kakainom lang din kasi nito ng gamot para sa bacteria sa tyan nya. Pasimple namang ngumiti si Vince.

"Bakit mo po gusto katabi si Mommy? E hindi mo naman po sya jowa?" Biglang imik ni Baby Girl habang nakataas ang kilay kay Robb. Masama pa din ang loob ng bata sa pag iwan ni Robb sakanila dahil alam nya kung gaano nasaktan ang ina nya dito. Nagtawanan naman ang iba sa inasta ng bata.

"Anak, bad yan po. Di ka po pwede umasta ng ganyan sa mas matanda sayo." Saway ni Mari kay Baby Girl na bahagyang natatawa din.

"Sorry po, Tito Robb." Nagpakumbaba naman agad ang bata.

"Tito? Pwede mo pa din naman ako tawaging Daddy ah?"  Habol pa ni Robb.

"No. Tito lang po." Mariing sabi ng bata. At nagtawanan ulit ang lahat. Nakitawa na lang din si Robb.

"Tama na yan, Anak. " At niyakap nito ang napipikon nyang anak. "Wag mo na kasing asarin to, Daddy. Kaya lalo kayong di magkasundo." Tumawa naman si Robb sabay nagsorry na sa bata at patuloy na ulit na nagdrive. Maya maya ay nakatulog na si Toni at ginawa nitong unan ang legs ni Vince. Samantala si Baby Girl naman ay tulog sa kilikili ni Vince sa kabilang side.

    Nakarating sila sa resort at agad nang nagpunta sa kani kanilang room. At ang magkakasama sa ibabang room ay sina Vince, Toni, Baby Girl, Mikay at Bhe. Sa taas naman ay si Mari, Audie, Tatay Elon, Venus at mga anak nila. Sa kabilang bldg naman naandon ang isa pang kwarto at duon naman sina Tatan, Papi, Harvy at Robb. Maya maya ay kumatok si Robb sa kwarto nina Toni..

"Mommy.. May food kayo dito? Gutom na ako eh." At napatingin si Robb sa paligid. "Wow. Ang daya nyo ang ganda ng kwarto nyo. Dito nalang ako. Palit kami ni Bhe."

"Ay! Desisyon sya oh?" Sabi ni Bhe.

"Hindi pwede. Kailangan ko si Bhe dito. At saka ang ganda nga ng kwarto nyo. Kayo nga ang pinakaluwag sa totoo lang." 

"E mommy, gusto kita kasama. Palit na lang kami ni Vince." Sa puntong iyon kasi ay wala si Vince at kasama si Baby Girl na maglibot sa resort. Napatingin naman sakanya ng masama si Toni.

"Mas kailangan ko si Vince dito. At saka alam mo namang hindi pa komportable sayo ang anak ko."

"Hahahhaha. Nag jojoke lang naman ako Mommy. Masyado kang seryoso. Oo na. Alam kong si Vince na ang mas mahalaga." Nagtampo tampohan pa si Robb.

"Daddy, pare parehas kayong mahalaga sa akin. Bat ba nangungulit ka? Pagod yung tao e." Nagsisimula nang mapikon si Toni.

"Hahaahaha. Tamo naiinis kana naman sa akin. Oo na. Dun na ako pero dito ako lagi tatambay."

"Walang problema. Basta matulog kana. Inaantok na ako." Tumawa naman muna si Robb ng mapang asar bago tuluyang umalis.

   Samantala, si Vicente at Baby Girl naman ay naglilibot sa paligid. Pumunta sila sa bandang dagat.

SAY YOU'LL STAY (Dito lang ako sa tabi mo lagi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon