Dahil biglaang napostponed ang meeting ni Toni, nagmadali talaga sya para makapili agad ng outfit at magpaayos ng buhok sa salon at makasunod agad sa venue ng jowa. Hindi na sya nakapag update dahil sa sasakyan na sya nag make up. Talagang ginandahan nya ang ayos nya ngayon gabi. Siniguro nyang wala nang gaganda pa sakanya sa event na yun. Sakanya lang dapat maglalaway si Vince. Tapos na sya mag make up ng nagchat si Vince at malapit na din sya sa event non.
"Nawala na sa isip kong mag update kay Jowa sa pagmamadali e. Hahahaha."
At ang sumunod ay tawag ni Vince..
"Mahal na mahal talaga ako nitong jowa ko. Di mahintay ang reply ko e." At sinagot nya ang tawag nito. Ngunit hindi pala iyon sinasadya ni Vince dahil narinig nyang may kausap itong babae. At duon nga narinig ni Toni ang buong usapan ni Vince at ng babaeng yon. Fast forward nang makarating sila sa kwarto..
"Break na tayo!" At sabay humagulhol ng iyak si Toni dala na din ito ng kalasingan.
"Jowa naman. Bakit ba? Sabihin mo kasi sa akin. Ano bang nagawa kong mali?" Paiyak na tanong ni Vince.
Ngunit hindi pa din umiimik si Toni at tuloy lang ito sa pag iyak.
"Jowa sabihin mo sakin. Dahil ba may kinausap akong iba? Jowa sya naman yung lumapit sa akin e. Wala naman akong dahilan para lapitan sya. Matagal nang tapos yung sa amin. Please Jowa. Sige na po. Parang awa mo na. Sabihin mo na po sakin."
Wala pa din syang napalang sagot kay Toni.
"Jowa please .."
"Mahal mo pa ba sya?" Tanong ni Toni ng kumalma sya.
"Jowa ano ba namang klaseng tanong yan? Sainyo na ni Baby Girl umiikot ang mundo ko. Pano pa napasok sa isip mo yan?"
"Bakit nagdalwang isip ka?" At namuo na naman ang luha ni Toni. Sa totoo lang ay nag ooverthink sya dahil pakiramdam nya ay hindi agad sinabi ni Vince na may girlfriend na sya dahil gusto nitong magpaliwanag yung girl sa mga nangyari noon sakanila. Alam kasi ni Toni ang buong kwento bilang magtropa talaga sila ni Vince noon kaya naishare na nya ito sakanila.
"Anong nagdalawang isip?" Frustrated na sagot ni Vince.
"Tapos dinala mo pa talaga sya sa part na walang tao. Halatang nadisappoint ka din na nakita mong nandon na agad ako."
"Jowa hindi. Inilayo ko lang sya kasi ayokong may ibang makarinig ng mga sinasabi nya pero that doesn't mean na gusto ko na kami lang kasi may unfinished business kami? Hindi po. Ayoko lang magkaron ng chismis. Ok?"
"E nung dumating ako para kang natigilan ah. Ano? Nabitin ka ba at nadisappoint kasi sapilitang matatapos ang usapan nyong hayop ka!?"
"Look, oo nang dumating ka kinabahan ako kasi alam ko kung pano tumakbo ang isip mo e. Katulad ngayon pero nadisappoint? Bakit ako madidisappoint e hinihintay nga kita e. Pano mo ba nasasabi yan Jowa? Dahil ba nakita mong natigilan ako? Yun ba?"
"Oo! Para kang nakakita ng multo. Kung mahal mo pa sya. Dun ka na! Hindi na ako para ipagsiksikan ang sarili sayo. Dun ka na sa babae mo! Uuwi na ako!" Sa puntong ito ay hindi na umiiyak si Toni kundi puro pagdududa na ang nararamdaman nya. Tumayo sya para pulutin ang dress na nasa sahig pero agad syang napigilan ni Vince. Hindi naman sya nagpumiglas pero masamang masama ang tingin nya dito. Vince cupped her face..
"Jowa, tumingin at makinig ka sakin." Pero hindi sya sinunod ni Toni."Tingnan mo yung labi mo nagkasugat na oh. Hay naku Jowa. Tsk 2x" At saka lang tumingin si Toni sa mata nya dahil alam nyang ayaw nitong nasasaktan sya kaya tiningnan nya kung sincere ang mata nito. "Jowa.. yung dahilan kaya ako natigilan kanina ay hindi dahil bitin ako sa usapan namin.. alam mo kung anong dahilan? Natigilan ako sa ganda mo. Sobrang ganda mo kasi Jowa. Natigilan ako kasi bigla akong sinampal ng katotohanan na ang swerte swerte ko na ako yung nag mamay ari sayo. Yun ang dahilan non Jowa. Marami man ang tumingin at sumubok pumorma sayo wala silang magagawa sa bakod ni Vicente mo." Nakatingin lang sa mata ni Vince si Toni na walang ibang naramdaman kundi sinseridad. Mahal na mahal nya ang taong ito. Hindi na sya umimik dahil naiiyak na naman sya. Masyado syang emosyonal ngayong gabi na nadagdagan pa ng alak kaya naman mas mababaw ang luha nya at ang sunod na nangyari ay naramdaman na ulit nya ang labi ni Vince sakanya, ang labing nagpapaulol sa pagkatao nya. Ang mga kamay na humahaplos at nagbibigay kuryente sa balat nya papunta sa kalamnan nya. Napakasarap maranasang mahalin at magmahal ng taong walang ibang ipinakita kung hindi ang puso nya.
BINABASA MO ANG
SAY YOU'LL STAY (Dito lang ako sa tabi mo lagi)
FanfictionAng story na ito ay kathang isip ko lamang dahil sa rollercoaster emotions na pinaparamdam sakin ng Team Onince at Toro Fam. Pero syempre ang mga pangyayari ay ibabase ko din mga ganap nila pero iba. Ah basta mahirap iexplain. 😅 Love ko sila sobra...