TANGHALI na nang magising si Toni. May pagkain nang nakahanda para sakanya at ipineprepare na ito ni Vince sakanya pero hanggang ngayon ay wala pa din syang gana kumain.
"Toni, kumain ka na. Tanghalian na oh. Ako mismo magsusubo sayo tingnan mo." Iritable na ang boses ni Vince. Kaya naman naalarma si Toni at umayos ng upo sa kama.
"Eto na po. Kakain na nga po."
Sinasabi nya yun habang nagbebaby talk at nakasad face. Kinuha nya ang kutsara at sumandok sya ng pang isang subo.
"1st bite ko na oh. Ba't gagalit ka pa din?"
Patuloy ang pagbebaby talk nya nang makita si Vince na nakasimangot. Inayos naman ni Vince ang mukha nya.
"Ngiti na ikaw.. ngiti. Vicente!" At ngumiti ito ng peke. Yung ngiting may sama ng loob.
"HAHAHAHA. Ba't ganyan ngiti mo? sira ulo HAHAHAHAH"
At tawang tawa naman si Toni sa itsura nito.Napatulala si Vince na nakikita nyang tumatawa si Toni.
"Ayan. Napatawa din kita. Ang ganda mo lalo Toni kapag tumatawa ka ng ganyan. Promise." Casual nyang sinabi ito pero kinilig pa din si Toni at namula ang pisngi nya. Napansin naman ito ni Vince.
"Oh, Mommy? Bakit ka namumula? Hahahahhaha Ako lang to. Relax. Hahahah hindi. Joke lang po."
At nanatili yung ngiti nya dahil ganon pala talaga ang epekto nya kay Toni.
"Salamat sa pagpapasaya sakin palagi. Kahit noon pa, lagi mo lang ako pinapasaya. Masaya ako na naging part ka ng pamilya ko. Salamat Vicente."
Naluha na naman sya at madali din nyang pinunasan iyun. Nanatili lang si Vince sa pwesto habang pinagmamasdan sya.
"Ewan ko ba kung bakit nagiging mahina ako nitong mga nagdaang araw. Alam ko strong akong babae e. Pero lately, lagi na lang akong umiiyak."
Lumapit sya kay Toni at umupo sa sahig sa may bandang paanan nya. At nanatili lang sya duon hanggang matapos kumain si Toni. Gusto lang nyang iparamdam kay Toni na andyan lang sya lagi para sa kanya.
After nyang kumain ay inihatid na sya ni Vince sa kwarto nya. At doon nya hinarap ang nagmamaktol na si Robb.
"Saan ka galing? Bakit wala ka sa tabi ko magdamag?" Si Robb na iritable ang boses.
"Napapansin mo pa din pala pag wala ako sa tabi mo? Hinahanap mo pa din pala ako?" Malamig ang tono ni Toni.
"Ano?! Nagloloko kana ba? Magkasama ba kayo ni Vince? Nagpunta ako sa kwarto nila kanina and guess what? Wala din sya dun! Magdamag din syang wala sabi ni Harvy! Hindi ako tanga Toni. Uulitin ko, saan kayo galing?!" Mataas na ang boses nito kaya alam nya na galit ito. Pero wala syang nararamdamang takot dahil namumuo sa dibdib nya ang inis sa mga sinasabi nito sakanya.
"Daddy, hindi mo man lang ba tatanungin muna ako kung ano nangyari sakin? Nakita mo na wala ako sa tabi mo pero hindi mo man lang ba ako hinanap muna nung nakita mo na wala ako? Bago ka magduda ng ganyan sa akin. Ganto na ba talaga tayo ngayon?" Naiiyak na sya pero pinipigilan nya ito. Hindi nakaimik si Robb dahil nakita nya ang lungkot mula sa mata nito kaya kumalma na sya.
"Kasi.. umamin ka kahapon lang sa kin na m-may feelings ka tapos biglang mawawala kayo ng sabay m-magdamag. Anong gusto mong isipin ko?" Napapakamot sa ulo si Robb habang nakatingin sa ngayon ay naluluhang si Toni.
"Ano ba kasing nangyari?"
BINABASA MO ANG
SAY YOU'LL STAY (Dito lang ako sa tabi mo lagi)
FanfictionAng story na ito ay kathang isip ko lamang dahil sa rollercoaster emotions na pinaparamdam sakin ng Team Onince at Toro Fam. Pero syempre ang mga pangyayari ay ibabase ko din mga ganap nila pero iba. Ah basta mahirap iexplain. 😅 Love ko sila sobra...