Pagpasok ng bahay ay katahimikan lang ang namagitan kina Toni at Vince. Nauuna si Toni sakanya kaya nakaalalay lang sya sa likod nito. Pero biglang tumigil si Toni at humarap sakanyang umiiyak..
"Vicente.. I'm sorry. ." Sumubsob si Toni sa sariling palad dahil hindi nya maitago ang mga luhang gustong lumabas sa mata nya. Lumapit naman si Vince at niyakap sya.
"I'm sorry kasi nababastos ka ng ganito dahil sa akin. Sorry kung tinuring kang basura ng taong yon na walang pakialam kundi ang sarili nyang nararamdaman. Sorry kung ikaw nalang ng ikaw ang nasasaktan. Kung ikaw nalang palagi ang tinatrato nilang ganito." Pilit nyang pinatatahan ang sarili pero hindi nya magawa.
"Mameh, tama na po. Kahit ituring mo pa akong hotdog sa ref okay lang po. Basta ikaw ang kakain, yieee. Hahahaha. Joke lang Mameh. Pinapatawa lang kita." Pero deep inside ay sobrang natotouch si Vince at gusto na din nyang umiyak.
"Napakabait mo.. Deserve ba talaga kita? Pero wag ka mag alala dahil hindi na ako papayag tratuhin ka pa ulit ng ganyan. Hindi na ako papayag na magselos ka. Na masaktan ka dahil sakanya. Kahit di pa tayo, I'll choose to prioritize your feelings over his. Sana lang maintindihan mo na kaya naman lagi kong iniintindi sya ay dahil naguiguilty din ako sa mga nagawa ko kasi sinaktan ko din sya. Pero kung di mo na kayang kumapit, tatanggapin ko kung bibitaw kana sakin. Kasi kung yun ang makakapagpasaya sayo, yun ang mas pipiliin ko." Tuloy tuloy ang luha ni Toni kaya pinunasan yun ni Vince.
"Shhh na, Mameh. Hindi po yun mangyayari, okay? Hanggang dulo akong mananatili sayo. Papanindigan ko ang pangako ko sainyo ni Baby Girl. Mahal na mahal ko po kayo. Kayo ang buhay ko. Okay? Tandaan mo yan Mameh ko. Tahan kana po." At saka nya niyakap ng mahigpit si Toni. Yumakap naman pabalik si Toni sakanya.
After non ay pinatulog na nya si Toni. Nang makatulog ito ay tumambay sya sa garahe at nag iisip ng malalim. Biglang may bote ng beer na bumungad sa mukha nya at ito ay dala ni Tatan."Ang lalim naman ng iniisip mo. I-beer mo yan." Inabot nya ang beer at saka tumabi ito sa kanya. "Anong meron, Yawbits?"
"Pinag iisipan ko to ng mabuti. Kinakabahan kasi ako e." Tumingin si Tatan dito at nakita nyang seryoso ang mukha nito. "Gusto ko kasing gawan ng surprise si Mameh. Gusto ko nang tanongin si Mameh kung pwede na ba maging kami." Nanlaki ang mata ni Tatan.
"Kinginamo! Totoo ba? Hooowmaaygaash! Hahahhahaha. Tulungan kita!" Napatayo si Tatan sa excitement.
"Wag ka namang maingay! Secret muna. Saka ko ilalatag ang plano kapag-"
"Napagplanuhan na. Hahahahha" pagsingit naman ni Tatan.
"Gago ka talaga e. Hahahaha."
Halos di sila nakatulog sa pagbbrainstorm kung ano ang best surprise para sa best woman sa buhay ni Vince. Kinabukasan ay antok sya at mas inuna nyang matulog muna kahit gising na si Toni. Nang hapong iyon ay sinadya din nyang di pansinin si Toni para makaalis sya ng di nito nalalaman. Doon na din nila pinagbalakan ni Tatan na maghanap ng venue para sa surprise. Naubos ang oras nila sa paghahanap pero wala pa ding mapiling lugar si Vince.
"Hindi ko alam.kung bakit pero hindi ko mafeel yung mga lugar. Maganda sila oo pero walang thrill. Gusto ko extraordinary. Gusto ko yung hindi talaga mapapansin ni Mameh kahit na nasa venue na sya."
"Hmmmm.. yan pala ang gusto mo ah." At biglang nag ning ning ang mata ni Tatan. "OMG! Yawbits! May naisip akong maganda!" At duon na nila nilatag ang plano.
BINABASA MO ANG
SAY YOU'LL STAY (Dito lang ako sa tabi mo lagi)
FanfictionAng story na ito ay kathang isip ko lamang dahil sa rollercoaster emotions na pinaparamdam sakin ng Team Onince at Toro Fam. Pero syempre ang mga pangyayari ay ibabase ko din mga ganap nila pero iba. Ah basta mahirap iexplain. 😅 Love ko sila sobra...