Chapter 20

2.1K 52 40
                                    

   Madaming beses na kailangan ni Toni magpunta kay Biggie para bisitahin sya. Mayroon kasi itong sakit sa puso at tanging transplant lang ang lunas. Mabuti naman at may schedule na itong operasyon at malaki ang chance na makasurvive ito.

Samantala, habang nag aayos si Vince, Toni at Papi ng mga bagong biling gamit ni Toni ay biglang tumunog ang phone ni Toni at nakita ni Vince na tumatawag si Robb dito. Hanggang ngayon ay Daddy pa din ang nakasave sa contact nito. Nagseselos sya pero minabuti nyang wag na ito pagtuunan ng pansin. Sinagot yun ni Toni..

"Mommy, punta ka ba kina Biggie ngayon? Gusto ko pag nagpunta ako dun ay andon ka e. Di tayo palagi nagpapang abot e." -Rob

"Baka bukas na kami kasi busy ako ngayong araw e. Welcome ka naman dun sakanila ah. Anytime pwede ka magpunta." Sagot naman ni Toni.

"Ayoko Mommy na wala ka dun. Gusto kita maabutan diba? Miss na kita e."

"Arte mo, Daddy. Hahahhaaha. Sige na. Babye na muna. Kita nalang tayo bukas. Miss you byee." At ibinaba naman na nya yung phone. Nahalata ni Toni na nag iba ang mood ni Vicente at palaging ganto si Vicente pag nakakausap nya si Robb.

"Mameh, baba lang po ako saglit."

"Lumapit ka muna dito."

"Bakit po?"

"Gusto ko lang sabihin sayo na yung pag uusap namin ni Robb ay para lang sa pakikipagayos ng lahat walang ibang ibig sabihin. Alam ko hindi ka nagtatanong pero gusto ko sya linawin sayo. Ayoko lang mayroon kang isipin na hindi naman totoo. Duon lang tayo sa totoo." Naappreciate naman ni Vince na ginawa to ni Toni dahil kailangan nya talaga yun. Di nya napigil ang sarili at yumakap sya dito.

"Thank you, Mameh. I love you." Niyakap din naman sya ni Toni pabalik.

"Sabi ko na nga ba e. Nag ooverthink ka e."
At pagkatapos ay tiningnan nya ang mukha nito.

"Mameh, natatakot kasi ako e. Baka mawala ka sa kin. Saksi kasi ako kung gaano mo sya minahal ng sobra. Natatakot ako na baka mamaya.. "

"Vicente.. hindi na ako para bumalik sa kanya. Tapos na kami e. At tanga ba ako para bumalik sa taong nanggago sakin?Napatawad ko sya pero nakatatak na sakin mga reasons bakit kami maghiwalay. Isa pa sabi mo ayaw moko mawala sayo?"

"Yes po, Mameh. "

"Edi magtanong ka na. Haahahhahah. Joke lang Vicente." Pero ngumiti lang din si Vince.

"Wag ka na malungkot. Alam ko nagseselos ka palagi e. Yang mukhang yan oh." Pero kahit ganon ang sinabi ni Toni ay patuloy pa din syang nagseselos everytime kausap nito si Robb. Idagdag pa na ayaw sya isama ni Toni kapag magkikita sila ni Robb.

      Isang hapon naisipan nila Tatan mag inom kaya sumali na din si Vince sa kanila.

   "Yawbits, bakit ang tahimik mo ata? Ahhhh. Wala kasi si Ate. Tapos kasama pa si Robb. Hahaahaha" Sabi ni Tatan na may halong pang aasar.

"Baka mamaya sila na ulit. Hahahhahah." Napatingin naman ng masama si Vince sa sinabi ni Harvy.

"Joke lang. Ikaw naman. Hindi na mabiro hahahahaha. Hindi na yun babalik dun. Never ko pa nakita si Toni na bumalik sa ex." Sabi ni Harvy sabay tapik sa balikat ni Vince.

"Ayaw ako kasama ni Mameh kapag andyan si Kuya Robb. Napapaisip ako pag ganon kasi. Tsk."  Napahilamos sa mukha si Vince dahil sa naiisip.

SAY YOU'LL STAY (Dito lang ako sa tabi mo lagi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon