Nagdecide si Toni na tawagan si Aron at kausapin ng makaalis si Baby Girl sa kwarto..
Aron on the other line...
"Hello.. hmm. Toni"..
"Ano bang gusto mo marinig sakin?"
"Toni kinakabog ako ng dibdib ngayon grabe pero salamat at tinawagan mo ako, gusto ko sana na magkaayos tayo.. alam ko madami akong pagkukulang pero please.. hayaan mo ako bumawi."
"Gasgas na yan e. Ilang beses mo na yan sinabi, Aron. Hanggang ngayon hindi natutupad. Paano mo ako mapapaniwala?"
"Please.. Give me another chance para makabawi sa anak natin. Nangangako ako na hinding hindi ko na kayo iiwan. Magiging palagi lang akong andito pag kailangan ako ni Baby Girl ng ama. Please Toni. Mahal ko ang anak natin at miss na miss na miss ko na sya. Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan at pagkukulang ko."
Hindi na napigilan ni Toni ang luha dahil alam nyang may tampo man si Baby Girl ay miss na miss naman nito ang ama. Parehas silang hindi na nagsalita at tanging hikbi lang ang nangibabaw sa magkabilang linya."Sige papatawarin kita at bibigyan kita ng chance makabawi. Ano ang unang paraan mo para makabawi?"
"Salamat Toni. Sobrang salamat at kung papayagan mo sana ako.. gusto ko makita ang anak natin.. pwede ba akong bumisita sa bahay nyo?"
" Oo naman. Isesend ko na lang sayo ang details at sana this time hindi na kabullshitan yang sinasabi mo. Sige madami pa akong gagawin. Bye na." At hindi na nya inantay ang sagot ni Aron at ibinaba na nya ang linya.
TOK! TOK!
Pumasok si Vince pagkatapos kumatok..
"Mameh, nakausap mo na ba yung Tatay ni Baby Girl?"
"Opo. Masaya ako para sa anak ko." At bigla na ulit syang naluha. "Naiiyak ako kasi alam kong magiging masaya ang anak ko.. alam ko kasi yung pakiramdam ng walang ama at ayokong maranasan yun ng anak ko. Gusto ko buo ang pamilya nya." At patuloy sa pagluha si Toni. Lumapit si Vince at yumakap dito..
"Basta Mameh pag kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang po. " Sabi ni Vince habang hinihimas ang likod ni Toni at maya maya lang ay tumunog ang phone ni Toni sa notification ng message ni Aron..
Aron: Toni, pupunta po ako bukas na bukas din. Pakisend po ng address. Hintayin ko po.
Pagkatapos mabasa ang message ay humarap sya kay Vince..
"Mameh, bakit po?"
"Me favor akong hihingiin sayo, Vicente.."
"Sure po Mameh.. ano po ba yun?"
"I want to surprise my daughter. Papalabasin natin na next week pa dating ang tatay nya kaya kung pwede sana ikaw ang sumundo kay Aron. Contact mo ang ibibigay ko sakanya.." Kinabahan ng kaunti si Toni sa pwedeng maging reaksyon ni Vince.
"Wala pong problema Mameh. Basta para sainyo ni Baby Girl." At nakita naman ni Toni ang sinseridad sa mukha ni Vince.
"Thank you, Vicente." Lumapit sya dito at hinalikan sa pisngi. At hinalikan din nya si Toni sa noo.
Buong gabing hindi nakatulog si Vicente dahil sa totoo lang ay kinakabahan sya sa magiging tagpo nila ni Aron. Ayaw nyang magselos pero hindi kasi maaalis ang katotohanan na sya ang tunay na ama ni Baby Girl. Pero ang tanging hiling nya sa ngayon ay maging maayos ang mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
SAY YOU'LL STAY (Dito lang ako sa tabi mo lagi)
Fiksi PenggemarAng story na ito ay kathang isip ko lamang dahil sa rollercoaster emotions na pinaparamdam sakin ng Team Onince at Toro Fam. Pero syempre ang mga pangyayari ay ibabase ko din mga ganap nila pero iba. Ah basta mahirap iexplain. 😅 Love ko sila sobra...