Chapter 29

1.4K 43 10
                                    

   Malapit nang sumapit ang final exams ni Baby Girl kaya naman minabuti ni Mari na tutukan sya ng pagtuturo. At duon sila magistay sa bahay ni mari na malapit sa school ni Baby Girl para di na sila babyahe. Hindi din kasi matutukan nina Toni dahil busy sila na asikasuhin ang business at mga clients nila. Kali kaliwang meeting. At ganoon din naman si Vince. Sinisiguro nya din na masasamahan nya si Toni kung sakaling gagabihin ito galing sa meeting. Pero this time, gagabihin si Vince dahil ang appointment ay sa malayo kaya minabuti nalang ni Toni na magpasundo kay Tatan. Sa pagod ay nakatulog si Toni kaya naman nung pag uwi nila..

"Te, andito na tayo. At mukhang may bisita ka."  Sabi ni Tatan na malamig ang tono.

"Mmm.. gabing gabi na. Sino ba yun?" Mumukat mukat pa si Toni pero paglabas nya ng kotse ay si Rob pala ito. At bakas sa mukha nito ang kalungkutan..

"Mommy, wag ka mag alala. Gusto ko lang kausapin ka. Wala ako balak manggulo."

"Hmm.. sige. Mag usap tayo. Saan ba? Sa sasakyan mo na?"  Tanong ni Toni.

"Ate, bakit don?" Pagtutol ni Tatan pero tinaasan lang sya ng kilay ni Toni.

"Okay basta dito lang ako sa may gate." Sambit ni Tatan at saka na bumalik ang tingin ni Toni kay Robb. Inilahad ni Robb ang kamay nya kay Toni na animoy aalalayan sya sa pagpunta ng sasakyan pero tiningnan lang ni Toni ang kamay nya kaya ibinaba din nito yun. Kitang kita sa mukha ni Robb ang kaunting pagkapahiya ng hindi nito inabot ang kamay nya. Umuna sya sa sasakyan at sumunod naman si Toni.

"Ano bang papag usapan? Magsosorry kana naman? Alam mo namang kahit dimo pa ginagawa, napatawad na kita." Sabi ni Toni

"Mommy, oo. Sorry. Sorry dahil kahit nakakabastos na ako ng ibang tao ipinaglalaban pa din kita."

"Wala ka naman dapat ipaglaban e. Kasi matagal na tayong natalong dalawa. Tapos na yung laban kaya non sense nang ipaglaban. Kung iyan ang papagusapan natin, umuwi kana lang kasi wala naman papatunguhan."

"Mommy, wait lang. Ang init naman ng ulo mo e."

"Bagong gising lang. Sobrang pagod ako today e." At paglingon ni Toni kay Robb ay umiiyak na ito.

"O? Bat bigla kang umiiyak?"  Tumingin sakanya si Robb at saka iniabot ang maliit na kahon sakanya. Tiningnan lang ito ni Toni. Ayaw nyang tanggapin kasi nalilito na din sya sa kung anong pakay nito kaya nagsisimula nang uminit ang ulo nya.

"Oh? Yung mukha mo naman Mommy. Umiinit agad ulo mo? Tanggapin mo muna at tingnan. Gusto ko lang na mapasayo to. Ito yung simbolo ng pag suko ko sa atin." At saka lalong tumulo ang luha ni Robb. At habang tinitingnan nya ito ay nagiging malungkot din ang puso nya. Naiiyak din sya dahil minsan nya ding inalagaan ang taong ito na ngayon ay lubos na nasasaktan dahil sakanya. Inabot nya ang maliit na kahon at duon nya nakita ang laman nito. Automatic din na tumulo ang luha nya.

"Yung promise ring na binigay mo sakin dati. Bat nasa yo pa to?" 

"Itinago ko nung isinauli mo sakin. Importante yan sakin e. Kaya gusto ko ikeep mo kahit para nalang sa pinagsamahan natin. Hindi ginto yan pero pinagipunan ko yan noon, mabigyan lang kita ng ganyan noon." At duon na nangibabaw ang hikbi ni Robb. Punong puno ng pagsisisi. Punong puno ng panghihinayang. Habang si Toni ay patuloy din ang daloy ng luha. Nalulungkot sa kinahantungan ng relasyon nila.

"Mommy, sorry. Sorry kung di ko natupad lahat ng pangako ko sayo. Hindi ko natupad yung pangako na ako yung bahala sa pamilya natin. Sobrang nag sisisi ako sa mga kasalanan ko sayo at sobrang nasasaktan ako dahil imposible nang maging akin ka ulit. Kaya ibinabalik ko sayo yan. Para maalala mo na.. at some point in our relationship, naging maayos  at responsable akong partner sayo at ama kay Baby Girl."  Sumasang ayon lang si Toni sa sinasabi nya.

SAY YOU'LL STAY (Dito lang ako sa tabi mo lagi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon