Chapter 9

1.7K 20 4
                                    

Namangha man sya sa ganda ng babaeng ito, naisip pa din nya na mas maganda si Toni kaysa dito. Ewan ba nya kung bakit pero di nya maiwasan magkumpara sa lahat si Toni. Sa mata kasi nya sya na ang pinakamaganda.

"I'm sorry. I appreciate the invite but I want to be alone. Pero thank you pa din sa invite." At pagkatapos non ay tumayo na sya at lalayo na sana.

"Grabe ka naman sa akin, Kuya." Nagulat sya at napalingon ulit sa babae.

"Ha?" Litong tanong nya dahil di nya ito magets.

"Abutin mo man lang sana yung kamay ko! Nangangalay na oh." Sabay tumingin sa kamay nyang naghihintay pa din sa ere. Litong inabot ni Vince ang kamay nya at nakipagshakehands naman ito.

"Ayan. Good boy. " At hahawakan nya sana ang balbas ni Vince pero natabig nya ng marahan ang kamay nito kaya nagulat din ang babae.

"Ay sorry. Di kasi ako sanay na me nahawak sa akin na babae." At mula sa nabiglang mukha ay bigla nalang ito tumawa.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Loko ka din e no. Hahahahaha. O basta ako si Trisha. Wag mo isipin na may gusto ako sayo ha. Nakikita ko lang talaga na lagi kang mag isa. Baka kasi mamaya you need someone to talk to. E andyan naman kami ng mga friends ko. Kaya ininvite kita." At tumango naman si Vince sa sinabi nito.

"Osige. Mauuna na ako. Ngayon na din kasi ang uwi ko." Hindi nya malaman kung bakit pero may kung anong nagsisiksik sa utak nyang itanong dito.. "But can I get your number instead?" Natawa naman ulit yung babae.

"Ikaw ah. Miss mo na agad ako. Pero no problem. Mukha ka naman mabait e." Sabay kinuha nya ang phone nya sa bulsa at binigay sakanya. "Idial mo nalang ang number mo at tawagan mo gamit tong phone ko. Dahil ayaw mo magpakilala ilalagay ko dyan weirdo. Char lang. Hahahahha. Ano nga bang name mo?"

"Vince" at tipid syang ngumiti. After non ay nagdial na sya ng number nya at nagpaalam na dito. Pagbalik nya sa room nya ay may message si Mari.

"Kailan ka uuwi? May gulong nangyari sa bahay. Kailangan natin mag meeting." -Mari

"Mageempake na ko Ate. Siguro nakauwi na ako bago dumilim. Dyan na ba ako sainyo dederecho?" - Vince

"Oo, please. Kailangan ko ng partipasyon ng lahat ng may malasakit kay Toni. -Mari

Nag alala naman sya dahil alam nyang may problema kapag si Mari ang nahingi ng meeting.

"Okay Ate. Kikilos na ako para mas maaga makauwi." - Vince

"Sige ingat ka Vince. - Mari

At pagkatapos non ay nagmadali na syang kumilos.

Ilang oras din ang inabot ng byahe kaya madilim na ng makarating sya sa bahay nina Toni. Pagdating nya ay naabutan nya si Harvy sa labas..

"Asan si Ate Mari?"

"Nasa kwarto na. Nakapagmeeting na kami kanina kasi di na makapagantay ang girls dumirecho kana lang daw sa kwarto ni Ate para mainform ka din." Napapailing na sabi ni Harvy. Lalo syang nag alala dahil seryoso ang mukha nito at mukhang dismayado. Pagpasok nya sa kwarto ay nakita nya si Baby Girl na nagtitiktokk kasama si Papi at Mikay kaya hindi na nya inistorbo ang mga ito at dumirecho na sa kwarto ni Mari. Kumatok muna sya..

"Pasok" Tugon naman ni Mari. Dali dali syang pumasok at lumapit agad dito.

"Ate, anong nangyaring gulo? Nasaan si Toni?" Alalang tanong nya dito.

SAY YOU'LL STAY (Dito lang ako sa tabi mo lagi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon