1

3.2K 54 22
                                    

Naglalakad ako papunta sa malaking abandonadong bahay, gabi na din kaya masyado ng madilim.

Mabuti nalang may flash light akong dala kaya nag lakad na ako papasok sa loob.

Pag pasok ko ay may naririnig akong nanghihinang mga sigaw, kaya naman binuksan ko na ang mga ilaw.

Bumungad sa aking ang dalawang nakaupo na babae at lalaki. Parehas  nakatali ang kanilang mga kamay at paa, nakapiring din ang kanilang mga mata at naka busal ang mga bibig.

Kaya naman ng nakita ko sila ay agad ko silang nilapitan at tinangal ang busal sakanilang bibig.

"Miss me?" Tanong ko sakanila habang nakahiti

"Sino yan?kung sino ka man palayain mo na kami!!" Sigaw ng babae habang umiiyak

"Hulaan mo muna kung sino ako" saad ko

"Wag mo na kaming paglaruan! Pakawalan mo nalang kami!!" Sigaw ng katabi nyang lalaki habang galit na galit

"Wag paglaruan? PERO PINAGLARUAN NYO AKONG DALAWA! SINAKTAN NYO AKO!! TAPOS NGAYON SASABIHIN MO WAG KO KAYONG PAGLARUAN?!?!" Sigaw ko

"Ca-Cassandra? Babe ikaw ba yan?" Tanong ng lalaki sa akin

Hindi ako sumagot sa tanong nya dahil nag lakad ako papunta sakanila. 

Tinangal ko ang piring nila at binigyan sila nang malulutong na sampal.

Kitang-kita ko ang pagkagulat nila ng nakita nila ako.

Mga walang hiya sinaktan nyo ako pwes mas sasaktan ko kayo.

"Babe? Babe mo yang muka mo! Pag katapos mo akong lokohin ng paulit ulit, may lakas ka pa ng loob na tawagin akong babe hah!! Ang kapal naman ng muka mo DERICK!" Sigaw ko

"Babe please pakawalan mo na kami......babawi ako sayo puputulin ko na ang kung ano mang  meron samin ni charie. Babe please namamakaawa ako sayo" saad ni derick habang umiiyak

"Kahit anong pagmamakaawa pa ang gawin mo, hinding-hindi kita mapapatawad!! Walang hiya ka! Binigyan na kita ng 2nd,3rd, at 4th chance derick! PERO ANONG GINAWA MO? LALO MO LANG AKONG SINAKTAN NG PAULIT ULIT! BAKIT? SAAN BA AKO NAG KULANG? SABIHIN MO!!"

"Wa-wala, wala kang kulang lahat meron ka----"

I cut his words.

"Meron? Lahat? EH BAKIT MO AKO PINAGPAPALIT? BAKIT MO AKO SINASAKTAN? BAKIT MO AKO NILOLOKO!?"

"Tssss hindi ka naman nya minahal talaga kaya nga pinagpapalit ka nya eh" saad ni charie

Agad ko itong sinampal ng paulit-ulit at sinabunutan.

Walang hiyang babae to, napaka landi.

HIGAD!

"ARAY TAMA NA NASASAKTAN NA AKO" sigaw ni charie

"BAGAY LANG YAN SAYONG BRUHA KA HIGAD KA TALAGA SANA PALA NUNG UNA PALANG HINDI NA KITA PINAGKATIWALAAN!"

"Cassandra tama na nasasaktan na sya" sabi ni derick

"Ayy SORRY HAH! KUNG NASASAKTAN SYA, BUTI KA PA MAY PAKE SAKANYA NUNG NASAKTAN SYA, EH AKO? WALA DIBA? KASI PUTANGINA NYONG DALAWA MGA MAKATI KAYO!!" Sabi ko

"Cassandra please tama na, wag na natin tong pahabain" sabi ni derick

"Cassandra itigil mo na to nanghihina na ako please lang" sabi ni charie

"Tama, itigil ko na to......hindi ko na pahahabain, pagod na ako" saad ko

Nakatingin silang wala sa akin, nakakayamot yung muka nila. Leche!

"Oh anong tinitingin tingin nyo dyan?
Tanong ko sa dalawa

"Papakawalan mo na kami, diba?" Tanong ni charie sa akin

"Huh? Pinagsasabi mo?" Tanong ko

Kinuha ko ang aking baril sa loob ng bag ko.

Kitang-kita sa dalawa ang kaba at takot, umiiyak na din sila at kinukimbinsi akong wag ituloy ang binabalak ko.

Pero ayaw ko na, kung sinasaktan lang ako ng dalawang ito ay mas mabuting mamatay nalang sila.

Kinasa at tinutok ko na ang baril ko kay charie.

Uunahin ko na sya, sya din naman ang dahilan kung bakit paulit-ulit akong niloloko ng lalaking to eh.

"Any last words dear?" Malambing kong tanong

"Ple-please c-cassandra wag mo na ituloy yan, tama na. Sorry kung nasaktan kita, sorry kung inagaw ko si derick sayo, sorry kung niloko ka nya dahil sa akin. Cassy nagmamakaawa ako sayo" saad ni charie habang umiiyak

Hindi na ako nag patumpik tumpik pa at tinutok ko na sa ulo nya ang baril na hawak ko.

Nang bigla akong nakarinig ng malakas na sigaw.

"AND CUT" sigaw ni direc

Narinig kong nag palakpakan ang mga staff dito.

"God job, Cassy! ang galing-galing mo talaga" saad ni direc

"Nako! direc thankyou po" pasasalamat ko

Pumunta ako kila charie at derick at sinalubing sila ng yakap.

"Charie, derick may masakit ba sainyo? napalakas ata yung sampal ko" sabi ko

"Ano ka ba cassy, its fine. Ang galing-galing mo talaga kanina, kaya idol kita eh " Saad ni charie sabay kindat at yakap sa akin

"Oo nga, cass. Ok lang yon, sanay na akong masampal" saad ni derick

Ewan ko talaga dito sa dalawang to, Parang mga manhid eh.

Niyakap ko nalang din si derick at nag sorry na din hehe.

Nag paalam na ako sa dalawa.  Sinalubong naman ako ng maganda kong manager at maganda kong p.a.

Niyakap nila akong dalawa.

Sobrang pagod talaga ako ngayon.

"Oh mukang pagod na pagod na ang maganda kong alaga hah" saad ni ate grace ang aking manager

"Oo nga, halika na at ba-byahe pa tayo doon ka nalang matulog sa sasakyan"
Saad ni ate ching ang aking p.a

"Halika na mga ate inaantok na talaga ako, gusto ko na matulog" pabebe kong saad sakanila

Well sakanila lang naman ako pabebe eh, kasi binibaby nila ako.

You're Still The One (Sandro Marcos FF)Where stories live. Discover now