7 months na ang nakakalipas ay nakapag ayos na kami para sa wedding namin ni sandro.
Nagbago nga lang ang ugali nya nung nakaraang tatlong buwan.
Hindi na sya nakaka-uwi sa tamang oras.
Hindi nya na ako sinasaluhan kapag kakain, Mapa umaga, tanghali, hapon at gabi.
Minsan hindi na sya nakaka-uwi sa bahay.
Kahit linggo na wala syang pasok, wala syang time para sa akin.
He always says that he loves me, but I don't feel it.
I don't feel the love.
Pakiramdam ko ako nalang yung nagmamahal sa relasyon naming dalawa.
Ako nalang yung lumalaban sa relasyon namin.
Ako nalang yung nagpapahaba ng pasensya sa relasyon namin.
Papansinin nya lang ako kapag inaakit ko sya.
Minsan nga inaambangan nya ako kapag pagod sya galing sa trabaho.
Pero wala akong ginagawa sakanya.
Sa una lang talaga masaya.
-
6:30 na ng gabiNandito ako sa loob ng sasakyan ko na naka park sa capitol.
Bumaba na ako at nagsimulang maglakad papasok.
Lahat sila ay binati ako ng magandang gabi.
Syempre binati ko rin sila pabalik.
"Si Cong. Sandro nyo?" Tanong ko
"Nasa office nya po ma'am" tugon ni ate princess
"Ah ok salamat po ate" saad ko sabay tab ng braso nya
Ngumisi naman sya sa akin.
Umakyat na ako para pumunta sa office ni sandro.
Hindi na ako kumatok, binuksan ko na agad.
Pag bukas ko ay bumungad sa akin si sandro na may kahalikan na babae.
Napatayo naman silang dalawa sa gulat.
Sandro's eyes widened when he saw me.
Nakatingin lang ako sakanilang dalawa.
Nanghihina na ako sa nakikita ko ngayon.
May kahalikan si sandro sa office nya.
"O-oh hi ma'am cassandra, ano pong kailangan nyo?" Tanong ng babaeng kahalikan ni sandro
Tumingin ako sakanya at umiling habang naka ngisi.
Kaya kong mag pigil ng luha.
Kaya kong itago ang emosyon ko.
Kaya nga ako naging sikat na artista eh.
"Wala, sorry sa abala" sagot ko isasara ko na sana yung pinto ng biglang nagsalita yung babae
"Ma'am, wait lang, pa picture ako" saad nya
Tumango naman ako.
"Sure" sagot ko
Lumapit sya sa akin, hawak ang cellphone nya.
Nakatingin lang ako kay sandro na kanina pa nakatingin sa akin.
Bakas sa muka nya ang pagkagulat.
Mukang ninenerbyos sya.
"Yannn, thank you ma'am" saad ng babae nya
"Kayo ba ni sir sandro?" Tanong ko habang diretyo ang tingin ko kay sandro
"Ahhm yes po" sagot nya
"Gaano na kayo katagal?" Tanong ko
"3 months na po kami, bakit ma'am?" tanong nya
3 months, 3 months nya na akong niloloko.
"Alam mo bang may fiance na si sandro? At malapit na ang kasal nila?" Tanong ko
Nagulat naman sya
"S-sino po?" Tanong nya
Tinignan ko sya at ngumisi
Inangat ko ang isa kong kamay na may diamond ring na binigay sa akin ni sandro nung nag proposed sya sa akin.
Proposed na dapat hindi ko nalang tinangap.
"Isang milyonaryong babae at tinitingala na artista na pwede kang ipahiya sa social media at kasuhan ngayon" matapang kong sagot
Nag iba ang facial expression ko ng sumagot ako sakanya.
Ito ang babaeng ni sandro?
Bakit parang bumaba na standards nya?
Eh mukang ingrown ko nga lang to.
Bwiset.
"Ngayon alam mo na, na kabet kalang nya. Lalandiin mo pa kaya sya?" Tanong ko
Sinisigurado kong tatlo lang kaming nakakarinig.
Ayaw kong mag pahiya ng tao.
Lumabas sya sa office ni sandro at tumakbo palabas ng capitol.
Kaming dalawa nalang ang natira dito ni sandro sa loob ng opisina nya.
Nakatingin lang ako sakanya.
Hindi sya gumagalaw sa kinatatayuan nya, simula kanina hanggang ngayon.
Hindi ako umiiyak o nag luluha.
Galit lang ako nararamdaman ko ngayon.
Galit lang.
Ito pala yung dahilan kung bakit sya nag bago.
Dahil lang nakatikin sya ng Ibang putahe.
Putangina.
Naloko na naman ako.
Lapitin ba talaga ako ng mga manloloko?
Naglakad ako palabas ng opisina nya at bumaba na.
Ayaw ko na makita ang pag mumuka nya.
Napaka gago!
"Mahal" sigaw nya sabay hawak sa braso ko
"Sandro ano ba? Bitawan mo nga ako, ayaw kong gumawa ng eksena dito" mahina kong saad habang tinatangal ang kamay nya sa braso ko
"Please, makinig ka sa akin" saad nya
Binigyan ko sya ng sampal sa muka.
Malutong at malakas ang sampal ko, kaya alam kong pinagtitinginan na kami ng mga empleyado dito.
"Wala akong time makinig sa katulad mong manloloko, sandro. Kaya pwede ba? Bitawan mo ako" Mahina kong saad
Umiiyak na sya ngayon habang paulit-ulit na umiiling.
"Mahal, please?"
"Sandro, bitawan mo nako"
"Mahal, mahal, please?"
"What's going on here?" Tanong ni matthew
"Matt, please help me. Ayaw akong bitawan ni sandro, ayaw kong gumawa ng gulo dito" saad ko
Hinawakan nya ang kamay ni sandro na nakahawak sa braso ko.
"Sandro, wag dito, ang daming nakatingin sainyo" saad ni matt sakanya
Nang binitawan nya ang braso ko ay agad akong tumakbo palabas ng capitol.
Sumakay ako sa sasakyan.
Si mama.....
Si mama ang kailangan ko ngayon.
YOU ARE READING
You're Still The One (Sandro Marcos FF)
FanfictionAre you still the one for me my love?