Nang makapasok na kami sa capitol ay nandito na ako sa hagdanan para umakyat sa office ni sandro.
"Oh bat nakasunod ka pa teh?" Tanong ko
"Baka madulas ka, ako pa may kasalanan nyan" saad ni matt
"Wag na, dun kana kaya ko naman eh" saad ko
"Are you sure? Cassy kapag ikaw nako! Yari ako kay mama hah" saad nya
"Hindi nga kaya ko naman maglakad alis na shupi" saad ko
"K fine" saad nya sabay baba sa hagdan
Nang makaakyat ako ay pumunta na ako sa office ni sandro at kumatok.
"Sino yan?" Tanong nya
Binuksan ko na yung pinto hindi naman naka lock eh.
"Mahal" sigaw nya
Tumayo sya sa upuan at naglakad palapit sa akin.
Niyakap nya ako at hinalikan ang noo ko.
Ang baho ni sandro.
I just patted his back.
Hahalikan nya sana ang labi ko pero umilag ako.
"Hey bakit?"
"Ang baho mo" saad ko
"Hah?" Nagtataka nyang tanong habang inaamoy ang polo nya
"Sabi ko ang baho mo" pag-ulit ko
"Hindi naman ah" saad nya
"Sandro, sobrang baho ng pabango mo, ang tapang" saad ko
"Mag palit ka nga ang baho ng damit mo" dagdag ko
Bakas sa muka nya ang pagtataka.
"O-oh ok, wait lang" saad nya
Pumasok sya sa cr para mag-palit ng damit, kaya umupo muna ako dito sa sofa.
"Mahal, ok na" saad nya
Lumapit sya sa akin at pinaamoy ang damit nya.
Buti naman hindi na ganon yung amoy katulad kanina.
Ang baho eh, nakakasuka.
Umupo sya sa tabi ko at kinuha ang paa ko para ipatong sa hita nya.
Nakatingin sya sa akin habang nakangisi.
Ang cute naman nito, manloloko nga lang.
Nevermind.
"Anong muka yan, sandro?" Tanong ko
"Gwapo" saad nya
Leche to.
"Cheater kamo" saad ko nawala naman ang ngisi sa muka nya
"Mahal naman" saad nya sabay nguso nya sa akin
"Charot! Alam mo? Pumapangit ka na"
"Hmmp! Pinaglilihian mo lang ako eh"
"Hoy! Kapal mo hah! Nakakayamot nga yang muka mo eh"
"Ako? Hindi kaya! Ang cute ko nga daw eh"
"Leche! Sino nag sabi nyan? Yung kabet mo?" Tanong ko
"Mahallllllll hindi po, yung mga fans ko kasi yon" saad nya
"Ayy! Oo nga pala, ano tawagan nyo ng kabet mo?" Tanong ko
Yun yung trip ko eh.
Tinarayan nya lang ako.
"Enough na po, mahal" saad nya sabay halik sa pisnge ko
Sa totoo lang, hindi pa talaga kami ok ni sandro.
Sadyang na co-control nya ako kapag nag lalambing sya.
"Ay mahal, bakit napadalaw ka pala?" Tanong nya
"Chine-check ko lang kung nandito kabet mo" sagot ko sumimangot naman sya
"Choss! So ito na nga, aalis kasi ako" saad ko
"Oh saan? Anong oras ka uuwi? Sino kasama mo?" Tanong nya
"Sandro hindi, hindi lang yon basta alis. Titira na kasi ako sa america, ayaw kong ma stress dito" saad ko
Kumunot naman ang noo nya at sumalubong ang dalawa nyang kilay.
Mga ilang minuto syang nakatingin sa akin, namumuo narin ang luha sa mga mata nya.
Tinitignan ko lang sya, naawa ako. Shutaaaaaaaa!
Paulit-ulit syang tumango, senyales na pumapayag sya.
Niyakap nya ako at isiniksik ang muka nya sa leeg ko.
Naramdaman ko ang basa na nanggagaling sa muka nya.
Suddenly I heard him sobbing.
He's crying na pala.
"Bakit kailangan mo akong iwan? Kaya ko namang mag-bago, mahal" saad nya habang umiiyak
"I know I hurt you, hindi ko naman na uulitin yon, mahal ko" dagdag nya
Niyakap ko sya at hinimas ang buhok nya.
"Is this the beginning of your revenge on me? Mahal, gusto kitang alagaan. Please, Let me. Lalaki pa lalo yang tiyan mo, tapos wala ako sa tabi mo" saad nya habang umiiyak
"Shhhhh sandro, hindi lang naman to para sa akin eh, para rin to sa mga anak ko" saad ko
"Anak natin, mahal. Anak ko rin yang triplets, saakin sila unang nanggaling bago sumabog sayo" saad nya sabay himas nya sa tiyan ko
Siraulo to ah.
Umiiyak tapos kung ano-ano lumalabas sa bibig.
Pinalo ko nang malakas ang pwetan nya, abot ko naman eh.
"Sandro, hindi ako gumaganti sayo. Ayaw ko lang ma stress, nakakasama para sa mga anak natin yon" saad ko
"Paano yung kasal natin? Paano kita ma aalagaan? Paano mo ako makakasama kapag manganganak ka na? Paano-"
"Shhhhh.....isipin mo nalang para to sa mga anak natin, mas makakabuti to para sa mga anak natin, sandro" saad ko
Umiiyak sya habang niyayakap ako ng mahigpit.
"Kailan ka aalis?" Tanong nya
"Mamayang gabi na yung flight ko" saad ko hinarap nya naman ako
"What!? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Tanong nya
"Ano......para hindi ka na makaangal" sagot ko
Hinawakan ko ang muka nya at pinunasan ang luha sa pisnge nya.
Iyakin.
"Anong oras flight mo?" Tanong nya
"9:00 p.m. daw sabi ni ate grace" sagot ko
"I love you, mahal ko" saad nya habang hinihimas ang muka ko
Ngumisi lang ako sakanya.
Hindi ko pa kayang sabihin ngayon sakanya na mahal ko rin sya.
Masakit parin eh.
Sariwa pa yung sakit na ginawa nya sa akin.
Ngumisi sya ng mapait sa akin habang hinihimas ang pisnge ko.
Lumapit sya sa muka ko at hinalikan ang pisnge ko.
I feel sorry for him.
Niyakap nya ako at isiniksik ang muka sa leeg ko.
"Miss ko na yung I love you more mo mahal ko" bulong nya
YOU ARE READING
You're Still The One (Sandro Marcos FF)
FanfictionAre you still the one for me my love?