Nakasakay na kami sa sasakyan, pupunta kaming Ilocos norte ngayon.
Nagpapagawa kasi ako ng bahay doon and finally tapos na ito.
"Oh matulog ka muna dyan, mahaba pa ang byahe natin" saad ni ate grace
"Sigeh ate kumain na ba kayo?" Tanong ko sakanila
"Yes! Nung kumakain ka kanina with Charie and Derick kumain nadin kami non, kaya ikaw matulog na" saad ni ate grace
Si ate grace at si ate ching lang ang kasama ko papuntang Ilocos norte.
Hindi ko na sinama ang mga bodyguards ko pinag day off ko muna sila, para naman makasama nila ang kanilang mga pamilya.
Halos araw-araw nila akong kasama baka mag-sawa sila sa muka ko, choss!
Pagising ko ay binuksan ko ang cellphone ko 4:00 a.m. na. Madaling na pala, ang haba ng byahe namin.
Nakahinto ang van namin, bumibili pala si ate ching ng food namin kaya naman nag picture picture muna ako.
Ang ganda ng langit, hindi ma-araw hindi rin madilim kasi nga madaling araw palang.
Sana ganto nalang lagi hindi yung sobrang init nakakasunog ng balat juice colored!
"Oh gising ka na pala, nagugutom ka na ba?" Tanong ni ate ching sa akin na galing sa labas at may hawak-hawak na pagkain
"Hindi pa ate, nag pi-picture lang ako" saad ko
"Ah ok, sabihin mo sakin kapag gutom ka na ah" Saad ni ate ching
"Okie! By the way, malapit na ba tayo?" Tanong ko
"Yes! 30 minutes nalang malapit na tayo sa bahay, kaya kumain ka na or matulog ka muna" saad ni ate ching
Hindi na ako sumagot.
Pinaandar na ni ate ching ang van namin, nakatingin lang ako sa bintana at pinipicturan ang ganda ng probinsya dito sa Ilocos norte.
Nakita ko naman si ate grace na natutulog habang naka nganga, kaya naman pinicturan ko ito.
Humalakhak naman ako.
Umiiral na naman ang kagaguhan ko eh.
Mukang pagod na pagod si ate grace kaka drive kanina kaya nag palit sila ni ate ching.
Gusto ko nga ding mag drive kaso baka maligaw pa kami.
After 30 minutes nandito na kami sa bahay.
Binaba na ni ate ching ang mga bagahe namin, kaya ginising ko si ate grace para bumaba na din.
Bumaba na ako at tinulungan si ate ching.
"Hayy nakakamiss talaga dito" saad ko
"True mammeyyy! Sobrang nakakamiss talaga, thankyou cass" saad ni ate ching
"Ay bakit ate?" Tanong ko
"Thankyou kasi kinuha mo akong p.a mo. Nagbago yung buhay ko dahil sayo cassy, nakapag pagawa ako ng bahay ko, nakabili na din ako ng sasakyan ko, napagamot ko din si nanay dahil sayo. Thankyou" sabi ni ate ching habang naluluha na ang kanyang mga mata
Niyakap ko naman sya.
"Ate ano ka ba ako dapat ang mag thankyou sainyo ni ate grace kasi lagi nyo akong sinasamahan kahit na hindi oras ng trabaho nyo. Kayo nadin tumayo bilang mama at ate ko" saad ko
"Oh anong meron dito? Wala kayong sinabi sakin na may magpakailanman ngayon hah" saad ni ate grace
"Tse panget mo talaga"
"Heh! Mana ako sainyo eh" saad ni ate grace
"Halika na, ipasok na natin yung mga bagahe sa bahay at makapag pahinga na" saad ni ate grace
Kinuha na namin yung mga bagahe at pumasok na sa bahay.
Nang makapasok na kami sa bahay ay pumasok na kami sa kanya-kanya naming room.
Ako lang ata ang nakatulog sa amin ng maayos.
Humiga ako sa kama at pumikit ng biglang may tumawag saakin.
[Call]
"Hello? Who is this?"
"Oh miss cassandra?" Tanong ng lalaki
Familiar yung boses nya hah.
"Yes, ako nga, do I know you sir?"
"Cassandra ako to si matthew nakalimutan mo agad ako?"
"Ohhh sir matthew! Sorry kakauwi ko lang kasi dito sa Ilocos ang haba ng biyahe namin"
"Ay sorry na istorbo pa ata kita, sige mag pahinga ka muna, mamaya nalang ako tatawag"
"No, it's ok. Ano bang kailangan mo? May maitutulong ba ako?" Tanong ko
"Ahm pwede ka ba bukas sa coffee shop para makapag usap tayo ng maayos?"
"Sigeh sir walang problema anong oras po ba?"
"Yon mga 8:00 a.m. siguro"
"Ok sir 8:00 a.m. tommorow noted"
"Thankyou miss cassanda bye"
"You're welcome sir bye po"
Binaba ko na ang tawag at umiglip nalang muna ako para makapagpahinga pa ng maayos.
Need ko ng beauty rest para di ako magmukang multo.
After 1 hour ay nagising ako sa tawa ng dalawa kong ate.
Hindi man lang kumatok, deretyo pasok nalang sila. Juice colored!!
"Hmm...ate ang ingay nyo"
"Gumising ka na dyan at kakain na tayo nagluto ako ng buttered shrimp" saad ni ate ching
"Ayaw mo sigeh ka uubusin ko yon" saad ni ate grace kaya tumayo ako at bumaba para umupo sa lamesa
"Oh kala ko ayaw mo kumain" saad ni ate grace
"Wala kaya akong sinabi hah"
Kumakain kami ngayon.
"Ahm mga ate remember kinwento ko sainyo si sir matthew?" Tanong ko
"Yung nag chat sayo nung nakaraan?" Tanong ni ate grace
"Matthew? Yun ba yung tatakbo bilang governor?" Tanong ni ate ching
"Oo, pero hindi ko alam na tatakbo sya bilang governor hehe ito na nga kasi tumawag sya kanina, inaya nya ako mag coffee may pag uusapan daw kami"
"Hoiii ikaw hah luma-love life ka na dalaga ka na talaga" saad ni ate ching
"Hindi pwede yon tangek. Seryoso kasi yung tono nya kanina tungkol don sa may paguusapan kami" saad ko
"Ahhh so aalis ka?" Tanong ni ate grace
"Yes tommorow 8:00 a.m." saad ko tumango naman sila habang sumusubo ng pagkain
"Ok edi ihahatid ka namin tapos gagala muna kami. Call mo nalang ako if mag papasundo ka na" saad ni ate grace tumango nalang ako at inubos ang pagkain ko
Pagkatapos naming kumain ay nag siligo na kami at natulog na.
YOU ARE READING
You're Still The One (Sandro Marcos FF)
FanfictionAre you still the one for me my love?