Chapter 27: CJ

44 3 1
                                    

"Bukod kay Skyler meron pang ibang nagmamahal sayo ng mas totoo." walang ganang sagot ko. Sabay sabay napatitig sakin ang tatlo. At bakas na bakas sa mukha nila ang pagtataka. Lalo na si Chelsie. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Sasabihin ko na ba? Aaminin ko na ba sa kanya? Ako ba dapat magsabi nito? May karapatan ba ako?

"So balik tayo sa usapan. Sino ba talaga yung tinutukoy mo?" tanong naman ni Marifer.

"Ako ba talaga dapat magsabi? Bilin niya kasi sakin wag ko munang sasabihin sayo eh. Siya na daw bahala magsabi. Hahahahaha! Ang tanga ko nga eh. Pumayag pa akong tulungan ko siya na mapalapit sayo kahit na alam kong masasaktan lang ako." sagot ko sa kanila. Pinipilit kong tumawa pero wala eh. Wala pa ring silbi. Ang hirap palang magpanggap na masaya kahit ang totoo naman ay sobrang nasasaktan ka na.

"Sino ba kasi yung tinutukoy mo? Kilala ba namin siya?" tanong ulit ni Marifer. Sasabihin ko na ba? Pero nagpromise kasi ako sa kanya na hindi ko sasabihin eh.

"Basta. Kayo ng bahalang tumuklas. Nangako kasi ako sa kanya na di ko ipagsasabi sa iba eh. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ayokong sirain yung tiwala na binigay niya sakin." sagot ko sa kanila tapos pinilit kong ngumiti kahit sobrang nasasaktan na ako.

Nanahimik na rin sa wakas si Marifer sa kakatanong. Pero halata pa rin sa mukha niya ang sobrang pagtataka na para bang gustong gusto niya talaga malaman kung sino yun. Si Larianne naman mukhang pilit na iniisip kung sino yung tinutukoy ko. Samantalang si Chelsie nakatulala sa malayo.

"Hoy!" tapos nagsnap ako sa harap ng mukha ni Chelsie.

"H-huh?" sabi niya na para bang wala siya sa sarili niya.

"Hindi mo pa rin kinukwento samin kung ano ba talagang dahilan bakit ka umiiyak. Ano ba talagang nangyari?" mahinahon kong sabi sa kanya.

"A-ano kasi eh. Nakita ko si Skyler na nakayakap kay Maricris kanina." halos ibulong niya lang sa sarili niya yung sinabi niya pero narinig ko naman. Alam kong sobra siyang nasasaktan ngayon.

"Eh bakit naman nakayakap si Skyler kay Maricris? Ano daw bang meron?" dugtong na tanong naman ni Larianne. Muli na namang tumulo ang luha sa mga mata ni Chelsie.

"Hindi ko nga rin alam eh. Magpapaliwanag sana siya, kaya lang hindi ko napigilan yung sarili ko. Nasuntok ko siya ulit sa mukha sa sobrang galit." sabi niya samin habang umiiyak. Nasuntok naman pala niya. Eh bakit siya umiiyak? Dapat nga matuwa siya kasi nakaganti siya kahit papaano eh. Nailabas niya yung sama ng loob niya kay Skyler kahit papano.

"Eh bakit ka pa umiiyak diyan kung nasuntok mo naman pala siya?" tanong naman ni Marifer. Good question marifer.

"Yun na nga eh. Nasaktan ko siya. Alam kong may mali din ako kasi hindi ko muna pinakinggan yung paliwanag niya. Pinauna ko kasi yung galit ko eh. Hindi ko naman gustong suntukin siya kaya lang di ko talaga napigilan yung sarili ko eh. Alam niyo naman siguro ?" tumigil na siya sa pagsasalita at mas lalo pang umiyak.

"Ang baliw mo din noh? Isipin mo na lang. Mas masakit kaya kapag feelings ang sinaktan kesa sa physical na sakit. Dahil sa physical mabalis lang gagaling yun pero kapag sa feeling na matagal. It takes time to heal a wounded heart. Lagi mong tatandaan yan huh!" pangaral sa kanya ni Marifer. May point din naman si Marifer. Tama siya. It takes time to heal a wounded heart. Lalo na kung yung taong pinakamamahal mo pa ang nakasakit sayo. Wala kang ibang magagawa kung hindi ang patawarin siya kapag nagsorry siya kasi iisipin mo ayaw mo siyang mawala sayo. Ang unfair nga eh. Pano kung hindi pala yun yung nasa isip nung isa? Eh lagi mo na lang ibaba ang pride mo para sa kanya? Hay! Buhay nga naman.

"Nagkausap na ba kayo ulit?" tanong naman ni Larianne. Umiling lang si Chelsie bilang pagsagot.

"Ano ka ba Chelsie?! Kailangan niyong makapag-usap. Wait lang itetext ko siya." sabi ni Larianne kukunin na sana niya yung cellphone niya pero pinigilan siya ni Marifer.

I'm Falling In Love With You[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon