Chapter 31: Chelsie

40 3 8
                                    

Chelsie's POV

Ayoko ng pumasok. Ayoko ng mag-aral. Ayoko na ding makita si Skyler. Hindi ko alam. Simula kagabi hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa kakaisip sa mga walang kwentang sinabi niya. Hindi na alam kung anong gagawin ko. Paniniwalaan ko pa ba siya?

Kung kayo? Ano sa palagay niyo? Paniniwalaan ko ba si Skyler? O inuuto niya lang ako?

"Hoy babae! Tatayo ka na ba dyan sa higaan o tatayo ka na?" para namang may pamimilian ako. Ang aga-aga naman akong inisin ni CJ.

"Ito na nga po eh. Tatayo na!" sarkastikong sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman diba? Nasa bahay namin siya pero kung pasunudin niya ako parang siya yung may-ari dito.

Nakitulog lang naman kasi siya dito sa bahay namin. Ewan ko ba dito sa babaeng to. May bahay naman sila pero mas trip daw niyang makitulog sa ibang bahay.

"Dalian mo kumilos Chelsie. Baka malate tayo." Wow! Bakit parang nagmamadali yata siya ngayon?

Binigyan ko naman siya ng nakakalokong ngiti.

"itigil mo nga yang pagmumukha mo. Hindi ko nagugustuhan yang iniisip mo ah."

"Hahahaha, bakit masama na bang ngumiti ngayon?" hindi naman siguro diba?

"Oo! Masamang masama! At panigurado akong sasamain ka din sakin kapag hindi ka tumigil. Kung ano man yang ka abnormalan na iniisip mo." tingnan mo tong babaeng to. Ang sama ng ugali.

"Okay fine." sagot ko bilang pagsuko tapos nagsimula na akong maglakad palabas ng kwarto.

"Excited ka lang makita si ZJ kaya madaling - madali ka pumasok eh."

"Hoy! Pabulong bulong ka pa diyan rinig na rinig naman. Nakakahiya sayo ah." mas binilisan ko yung pagklakad ko nung pagkasabi niya nun.

Ay narinig pala niya ako? Hahahaha sa bagay sinasadya ko naman talagang marinig niya.

***

"Hala! Naiwan ko yung panyo ko." inis kong reklamo kanila Marifer.

Nandito na kami sa school ngayon. Ewan ko pero wala kaming teacher. Lagi na lang wala. Sayang lang yung ibabayad namin dito kung wala naman kaming natututunan diba? At kailangan ko din yung panyo ko dahil sinisipon lang naman ako. Kapag minamalas nga naman ako diba? Bakit ba ako biglang nagkasipon? Nakakaasar!

"Sinong tangang nakaiwan?" Aba! Talagang ako pa yung tanga ngayon?

"Sino kaya sating dalawa yung atat na atat makita si Ziel John Perez?" natahimik naman si Cj sa sinabi ko. Oh ano ka ngayon? Hahahaha.

"Weh? Totoo?" tanong naman ni Larianne.

"Oo/Hindi" sabay pa kaming nagsalita ni CJ.

"Hahahaha. Naku CJ. Hindi mo naman kailangang ipagkaila. Tayong 4 lang naman ang makakaalam eh." ngiting ngiting sabi ko sa kanya. Wala lang. Gusto ko lang siya pagtripan.

"Ewan ko naman sayo Chelsie. Bakit ko naman gugustuhing makita yun? Eh siya naman yung may gusto sakin. Hindi naman ako diba?" aba nagtaray pa ang gaga.

"Sus! Kunwari pa eh. Sige na. Wag na mahiyang magsabi. Kaibigan mo kami." Yan. Hahaha tinutulungan na ako nila Marifer.

"Leche! Tigilan niyo ako ah. Wag niyong hintaying masapak ko pa kayo ng tig-iisa." pananakot naman niya samin. Hahahaha nagsisimula na siyang kiligin.

"Okay lang. Atleast napaamin ka namin na gusto mo talagang makita si ZJ." sabi naman ni Larianne. Tapos sabay sabay kaming nag-apir at nagtawanan.

"OO NA SIGE NA! PANALO NA KAYONG MGA HAYOP KAYO!" sigaw niya samin tapos nagwalk out siya. Hahabulin ko sana kaya lang pinigilan ako nila Marifer.

I'm Falling In Love With You[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon