IFILWY 7: Chelsie

120 8 2
                                    

"Ui Chelsie! Okay ka na ba talaga? Nakakainis ka. Hindi ka manlang nagkwento samin." kunwaring nagtatampong sabi ni Larianne.

Hay! Kung bakit ba naman kasi nandito ngayon sa kwarto ko ang tatlong to eh. Ang sarap-sarap ng tulog ko tapos bigla nila akong ginising. Ito naman kasing si Mama at Rits aalis pala tapos nagpapasok pa ng Buwisita, I mean Bisita pala. Panigurado kukulitin na naman ako ng mga to. Kung sa bagay wala kasing pasok bukas dahil sabado.

"Okay na nga ako. Pang-ilang tanong mo na kaya yan. Tsaka ano namang ikukwento ko?" ang kulit naman kasi nitong si Larianne. Kanina pa pa ulit - ulit. Pero meron nga ba akong dapat ikwento? Parang wala naman diba?

"Ay Maang-maangan lang teh? Kamusta naman ang pagkidnap sayo ni Skyler?" pilosopong sagot ni Marifer. Nanlaki naman bigla yung mata ko sa sinabi niya. So alam na pala nila na magkasama kami ni Skyler kahapon? Pero pano? Ni hindi ko nga ikinwento sa kanila. Kasi ayoko ng mapagusapan pa yun eh. Imposible namang si Mama o kaya si Rits yun. Kasi nga ngayon lang sila nagpunta dito. 

"H-huh? Anong kinidnap yung pinagsasasabi niyo?" sabi ko tapos pinilit kong tumawa. "Ano namang meron ako para kidnapin pa ako ng isang mayaman, pinagkakaguluhan at sikat na si Skyler Dwayne Dizon?! Haler?" dugtong ko. Totoo naman diba? Si AJ pa nga may sabi niyan eh. Sana umubra yung palusot ko kahit deep inside na iinis na ako. Laitin ba naman nung manyak na Skyler na yun ang hinaharap ko.

"Tsss. Malay ba namin kung may gusto pala sayo si Skyler? O kaya naman may malaking atraso ka sa kanya. O kaya naman..." huminto siya sa pagsasalita at tumingin kay Larianne na para bang nag-uusap sila sa mata pagkatapos ay bigla silang nagtilian. Tss. Problema nila? Binigyan ko naman sila ng Problema-niyo-look?

"MAY SOMETHING SA INYO NI SKYLER!" sabay nilang sigaw tapos hinampas - hampas nila ako. My Gosh! Yung mga kaibigan mong kinikilig with matching hampas factor pa. Shemay! Sarap sapakin eh.

"PWEDE BA MANAHIMIK KAYONG DALAWA? WALANG SOMETHING SAMIN NI SKYLER AT NEVER MAGKAKAROON! TSAKA SINO BA KASI MAY SABI SA INYO?" ka highblood naman kasi tong dalawang to.

"Highblood much lang teh? Kung makasigaw wagas, parang wala ng bukas." sagot ni Marifer.

"Oo nga! Tsaka yung F4 naman may sabi na KINIDNAP ka daw ni Skyler eh." sarcastic na sabi ni Larianne at talaga pinagdiinan niya pa talaga yung word na KINIDNAP. Nakakainis talaga yung F4 na yun kalalaking tao pero mga dakilang chismoso. Kaasar!

Pero teka. Bakit parang tahimik yata si CJ ngayon? Problema nito? Kanina pa kami nagsisigawan at nagkukulitan dito samantalang siya dito nakaupo lang habang nag sa soundtrip at habang nakatulala. Bakit kaya tahimik siya? Nakakapanibago tuloy. Dati rati naman siya pa yung nangunguna sa kaingayan dito.

"CJ." tawag ko sa kanya habang patuloy sa pagchichismisan yung dalawa. Kaya lang mukhang di niya ako narinig.

"Ui CJ." tawag ko ulit sa kanya sabay kalabit sa braso niya.

This time tumingin siya sakin pero nakita ko naman ang unti-unting pagtulo ng luha niya mula sa dalawang mata niya. Hala! Wala naman akong ginagawang masama ah. 

"Hala! Lagot ka Chelsie! Pinaiyak mo si CJ." sabi ni Larianne. Agad naman akong napalingon sa kanila ni Marifer. Kanina pa ba sila nakatingin? Akala ko pa naman busy sila ni Larianne sa pagchichismisan. Atsaka, ano grade one lang ang peg namin dito? Di ko na lang siya pinansin at hinarap ko na lang ulit si CJ.

"Ui CJ. Bakit ka umiiyak? Anong problema mo?" tanong ko sa kanya. Habang sinusuklay ko ng kamay ko ang buhok niya.

"Eh k-kasi..." sabi niya tapos lalo siyang umiyak. Wala naman akong ginagawang masama ah.

I'm Falling In Love With You[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon