Chapter 29: ZJ, Larianne, AJ, RJ and EJ

42 3 2
                                    

ZJ's POV

Ang ganda talaga ni CJ lalo na kapag nakangiti siya. Para siyang anghel.

"HOY ZJ!"

"Aray ko naman! Bakit ba kayo naninigaw diyan?" inis na tanong ko sa kanila habang kumakamot sa ulo. Tama bang sigawan nila ako kahit napakalapit ko lang naman sa kanila?

"Hahahaha! Buti na lang hindi nakakatunaw ang pagtitig noh?" biglang banat ni RJ.

"Oo nga eh. Dahil kung nakakatunaw yun. Malamang kanina pa lusaw si CJ." pagsang ayon naman ni EJ.

Narinig ko namang tumawa ng mahina si CJ. At ramdam ko rin yung pamumula nung mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan.

"Ahm, magpapahangin lang muna ako sa labas." paalam ko sa kanila tapos tumakbo ako palabas.

Narinig ko namang nagtawanan sila. Siraulo talaga yung dalawang yun. Wala na namang magawang matino.

***

Larianne's POV

"Teka lang. Matanong ko lang. Bakit nga pala biglang umalis yun si AJ? San daw siya pupunta? Ni hindi manlang nagsabi satin." sabay sabay naman silang napatingin sakin. Na para bang napaisip din sa sinabi ko.

"Hindi niyo pa ba alam?" tanong samin ni RJ.

"Magtatanong ba si Larianne kung may alam kami?" banat naman ni Marifer. Sabi na eh. Mamimilosopo na naman tong babaeng to eh.

"Di pa ba obvious?" singit naman ni EJ.

"ANG ALIN?!" sabay sabay naming sigaw nila CJ at Marifer. Ka highblood naman tong mga lalaking to. Pabitin pa. Ayaw nalang sabihin ng diretso.

"Ok ok! Chill lang kayo." sabi ni EJ habang nakataas yung dalawang kamay na parang sumusuko na siya.

"AJ likes Chelsie." seryosong sabi ni RJ.

"Tanga!" sabi naman ni EJ sabay batok kay RJ.

"Aray ko! Para san ba yun? Hayop ka talaga!" galit na singhal ni EJ kay RJ habang kumakamot pa ng ulo.

"Eh ang bobo mo naman kasi. May pa 'AJ likes chelsie' ka pang nalalaman diyan kahit ang totoo naman AJ LOVES CHELSIE! Ang bobo mo pre!" pffffft. Nakakatawa yung panggagaya niya sa boses ni RJ. Para siyang bakla. Hahahaha!

"Seriously? Mahal nga ni AJ si Chelsie?" ulit naman ni Marifer. Hindi rin bingi ang isang to.

"Kakasabi lang ah. Kailangan pa bang ulit ulitin? Yung totoo, bingi ka ba o bingi ka?" pfffft, ano naman kayang pagpipilian dun. Kahit kailan talaga tong si RJ parang si Chelsie. Abnormal!

"EJ? Kailan pa niya mahal si Chelsie? Tsaka bakit ngayon lang namin nalaman?" sabi ni Marifer habang nakatingin kay EJ. Para bang pinapahiwatig niya na manahinik si RJ kasi hindi naman siya ang tinatanong. Wala namang nagawa si RJ kundi ang manahimik na lang.

"Matagal na! Pero alam niyo kasi dapat siguro si AJ talaga magkwento. Hindi kami. Dahil for sure magagalit yun samin." may point nga naman tong si babe.

Teka. Ano bang pinagsasasabi mong babe jan larianne? Nababaliw ka na ba?

Hay! Nasan na ba kasi si Chelsie?

***

AJ's POV

San ko ba sisimulang hanapin si Chelsie? Hindi ko na alam yung gagawin ko. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Baka mamaya kung ano na nangyaring masama sa kanya. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pagnagkataon.

Alam ko na. Dun ako pupunta sa bahay nila Venus. Baka alam niya kung nasaan si Chelsie. Siya lang naman lagi nagbabalak na gumawa ng masama kay Chelsie eh.

I'm Falling In Love With You[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon