IFILWY 12: Larianne and Eldrin James

102 9 7
                                    

Larianne's POV

Hooo! Akala ko katapusan na namin kanina. Akala ko makukuha na talaga ng mga unggoy na yun anv sexy body ko. Kinilabutan nga ako nung hinaplos pa yung buhok ko eh.Pero teka nga. Nasan ba ako?

"Oh Babe! Gising ka na pala?" what the! Sana pala hindi na lang ako nagising at siya lang din naman pala ang bubungad sakin.

"Hindi tulog pa ako!" sarkastikong sabi ko sa kanya tapos umarte ako na kunwaring natutulog.

"Tatayo ka ba dyan o tatayo ka dyan? Babe!" pabulong niyang sabi sakin. Teka nga bakit parang ang lapit naman yata niya. Dahan dahan ko namang idinilat ang mga mata ko at nagulat ako ng makita ko ang mukha ni h na sobrang lapit sakin. Siguro mga 3 inches. Agad ko naman siyang tinulak.

"Lumayo ka nga sakin!" sabi ko sa kanya tapos agad akong napabangon sa kama. Bwisit naman kasi tong lalaking to eh.

"Nasan na yung mga kaibigan ko? Tsaka bakit ka ba nandito?" nakakapagtaka lang naman kasi. Ang huli kong natatandaan ay may mga lalaking mukhang unggoy ang gustong kumidnapped samin.

I heard him chuckle for a second.

"What's funny?" mataray kong tanong sa kanya.

"Because you ask why I am here." sagot niya habang natatawa tawa pa rin.

"And so? What's the matter with that?" nauubos na ang pasensya ko sa kanya.

"I supposed to ask you that question." ano nangyari? Bakit bigla na lang siya naging seryoso. Lakas din pala ng sapak ng lalaking to eh.

"Bakit naman, ikaw dapat ang magtatanong nun sakin?"

"Syempre bahay kaya namin to. Pero pwede rin namang maging may-ari ka ng bahay na to kung gusto mo." sa tono ng boses niya para siyang nang aakit. Tapos naglakad siya palapit sakin kaya naman napaupo ako sa kama.

"Teka anong. G-gawin mo?" tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin siyang lumalapit sakin tapos napahiga na ako sa kama at napapikit.

"P-please wag muna ngayon. M-masyado pa akong b-bata." sabi ko sa kanya habang nakapikit at nakayakap sa sarili. Akala ko kung ano na yung sunod niyang gagawin. Pero narining ko na  lang siya na tumatawa na nang malakas kaya naman automatic akong napaupo at napadilat.

" P-please wag muna ngayon. M-masyado pa akong b-bata." panggagaya niya sa tono ng pananalita ko kanina. Nakakahiya tuloy. Pakiramdam ko nagiinit na ang pisngi ko sa sobrang pula.

"E-ewan ko sayo! Dyan ka na nga!" sigaw ko sa kanya sabay walkout palabas ng kwarto niya. Abnormal talaga yung EJ nayun. Lakas mangtrip. Kapag ako nakaganti sa kanya. Naku! Humanda talaga siya sakin.

Teka san nga ba ako pupunta? Ah alam ko na. Sa dining area o kaya sa kusina. Kakain na lang ako. Masyado kasi akong na istress dun sa EJ na yun eh. Pero masyadong malaki ang bahay nila para makita ko agad yung dining area o kaya yung kitchen. Ang daming pinto. Saan naman ako papasok nito? Nakakalito. Bahala na!  Iisa isahin ko na lang.

Bukas lang ako ng bukas ng mga pinto. Siguro nakakaanim na bukas na ako pero sa kasamaang palad hindi ko pa rin nakikita yung dining area o kaya kitchen nila. Pano ba naman kasi ang dami nilang kung ano anong kwarto. My library, music room, computer room,  at kung ano anu pa. Dinaig pa yata nito ang school. Kulang na lang gawin nilang classrooms yung ibang room.

"Pagod ka na bang maglibot Babe?"

"Ayyy! Kabayong palaka." sabi ko sabay napahawak ako sa may dibdib ko. Buti na lang wala akong sakit sa puso dahil kung meron malamang inatake na ako dito.

"Maka kabayong palaka ka naman babe." bulong niya sakin habang niyayakap ako patalikod. Teka, may sakit ba tong si EJ? O baka naman may sumapi sa kanyang masamang espiritu.

I'm Falling In Love With You[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon