IFILWY 21: Marifer

51 5 3
                                    

Marifer's POV

Nagdadrive ako ngayon papunta sa bahay nila Larianne dahil hahanapin namin nila Cj si Chelsie. Nawawala kasi siya eh. Hindi nga namin alam kung saan ba yun nagpunta eh. Kinabahan nga ako ng sobra nung tumawag si CJ kanina eh.

FLASHBACK

Hay naku naman! Kakahiga ko pa lang sa kama tapos my tumatawag na agad sakin? Sino naman kaya tong panget na to? Istorbo eh.

Kinuha ko yung cellphone ko na kakapatong ko pa lang sa desk malapit sa kama ko.

[CJ calling...]

Si CJ lang naman pala. Akala ko kung sino na.

*Swipe*

"Hello! Napatawag ka?" bungad ko agad sa kanya pagkasagot ko.

[Alam mo ba kung nasaan si Chelsie?] sa tono ng boses niya halata mong nagaalala siya na kinakabahan.

"Huh?Hindi eh. Bakit?" Bakit naman niya sakin hahanapin si Chelsie?

[Nawawala kasi si Chelsie. Kanina ko pa siya hinanap sa school kaya lang wala na siya dun kaya umuwi na ako. Sabi din kasi nung mga classmates natin ikaw daw yung huling kasama ni Chelsie sa room. Kaya baka sinabi niya sayo kung saan siya pupunta.] paliwanag sakin ni CJ. OMO! Nawawala daw si Chelsie. San naman kaya nagpunta yung babaeng yun? Baka naman kung napano na siya.

"Oo ako nga yung huling kasama niya sa room kaya lang wala naman siyang nabanggit sakin kung saan siya pupunta eh. Pero ang natatandaan ko magbabalik siya nung mga gamit niya sa locker niya. Yun lang pero pagkatapos nun di ko na alam. " balik ko namang paliwanag sa kanya. Pero imposible naman kasing mawala si Chelsie nang ganun ganun na lang. Dahil nagpapaalam yun saming tatlo nila Larianne, CJ at Ako kung aalis siya mag-isa.

[Pero san naman kaya nagpunta yung babaeng yun? Naku talagang masasabunutan ko siya kapag nakita ko siya. Lalo na kung umalis siya tapos di siya nagpaalam satin. Di ba niya alam na nagaalala na tayo dito?] kung kanina. Nagaalala na kinakabahan. Ngayon naman naiiyak na nagaalala na medyo galit.

"Hintayin mo ko diyan sa inyo susunduin ko lang si Larianne para hanapin natin si Chelsie."

[Sige! Bilisan niyo lang ah.] paalala niya sakin tapos inend call ko na at naglakad na ako papuntang kotse ko.

End of Flashback

Nang makarating na ako sa bahay nila Larianne agad ko siyang tinawag para makapunta na kami agad kay CJ. Buti na lang nasabihan na siya ni CJ kaya pagdating ko ready na siya at aalis na lang kami.

"Di mo ba talaga alam kung nasaan si Chelsie? Wala ba talaga siyang sinabi sayo?" tanong niyo agad sakin pagkaupo niya sa sasakyan.

"Wala nga eh! Kung meron eh di sana sinabi ko na agad sa inyo." mukhang napaisip naman siya sinabi ko. Tahimik lang kaming dalawa sa byahe hanggang sa makarating kami sa bahay nila CJ.

"Tinawagan niyo na ba lahat ng classmate natin?" Bungad na tanong agad ni CJ samin pagkababa namin sa sasakyan.

"Hindi pa. Wala na kasi akong number nung iba nating classmates eh." paliwanag ko sa kanya.

"Ikaw Larianne?" baling na tanong ni CJ kay Larianne.

"Ito tinatawagan ko na." sagot naman ni Larianne habang may dinadial siya sa cellphone niya. Teka sino naman kaya yung tinatawagan niya?

I'm Falling In Love With You[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon