IFILWY 17: Chelsie

123 9 0
                                    

"Teka! Wag mo sabihing may gusto ka na rin kay Skyler?" gulat na gulat na tanong sakin ni CJ. May gusto na nga ba ako sa kanya? Aba malay ko ba sa love. Hindi ko masasabing gusto ko siya pero hindi ko rin masasabing wala akong gusto sa kanya. Ewan ko. Naguguluhan ako. Alam kong hindi tama na magustuhan ko siya dahil alam ko na ang kalalabasan kapag nangyari yun. 

"Pano ba malalaman kung gusto mo na ang isang tao?" tanong ko kay CJ habang inaayos ko na ang sarili ko. Ako mismo naaawa na sa sarili ko eh. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko iniiyakan yung abnormal na yun eh.

"Simple lang. Una, naiinis ka kapag may kasama siyang iba. Pangalawa, palagi mo siyang iniisip. Pangatlo, palagi mo siyang hinahanap. Pang-apat, nag-aalala ka kapag tahimik siya. Panglima, kinikilig ka sa mga ginagawa niya para sayo. Pang-anim, ang saya saya mo kapag nakausap mo siya. Pang-pito, makita mo lang siya buo na ang araw mo. Pangwalo, naiinis ka kapag nakikita mo siyang masaya kasama ang iba. Pang-siyam, naiinis ka kapag hindi ka niya kinakausap. At ang pinaka huli sa lahat ay kinakabahan ka kapag papalapit na siya para kausapin ka. Yung pakiramdam mo tatalon na palabas yung puso mo." Talaga? Ganun pala yun? Buti na lang at hindi ko pa nararamdaman lahat yan. Yung iba siguro oo. Naramdaman ko na! Lalo na yung panghuli. Pero gusto ko na nga ba siya?

...

...

...

...

"Chelsie!" natauhan ako sa pagtawag ni CJ ng pangalan ko. 

"Oh?" tanong ko sa kanya tapos inirapan niya ako. Ano na naman bang kasalanan ko?

"Anong Oh? Kanina pa kita tinatawag di mo manlang ako pinapansin." sabi niya tapos nag pout siya. Lumapit ako sa kanya tapos pinisil ko siya sa pisngi. 

"Aray ko! Mashaket!" sigaw niya habang pilit na tinatanggal yung kamay ko sa pisngi niya.

"Ang cute mo kasi eh." sabi ko sa kanya tapos nag peace sign ako.

"Hay naku! Wag mo ibahin ang usapan. Sagutin mo na lang yung tanong ko sayo. Inlove ka na ba sa kanya?" tanong niya sakin habang hinihilot hilot yung pisngi niya. Medyo napalakas yata yung pagkakapisil ko. Namumula kasi eh.

"H-hindi pa ah!" sagot ko sa kanya tapos tumayo ako sa kama ko.

"Ano? hindi pa? Ibig sabihin balak mo pa? Baliw ka na ba?" sa tono ng pananalita niya halata mong inis na siya. Hala! Ang tanga ko naman kasi eh. Bakit ba yun yung sinagot ko. Hindi muna kao nagsalita. Naglakad na lang ako papunta sa terrace ng kwarto ko. Teka! Si Skyler yun ah.

"Hoy! Ano na? Balak mo ba talagang mainlove sa kanya?" ulit na tanong ni CJ habang naglalakad papunta sa terrace. Si Skyler nga ba yung naglalakad na yun? Eh sino naman yung kasama niyang babae?

"Sino ba kasing tinitingnan mo dyan?" sabi ni CJ tapos sisilip na sana siya kaya lang pinigilan ko.

"W-wala! Tara na sa loob. Malamok na dito." palusot ko tapos hinatak na siya papasok sa loob.

"Bakit ka ba nang hahatak? Atsaka anong malamok? 3:13pm pa lang kaya. Pano mo nasabing malamok na nga aber? Tsaka ano bang tinatago mo dito?" sabi niya tapos bumalik ulit siya dun sa terrace. Hay! Ang kulit talaga ng babaeng to kahit kailan. Hinayaan ko na lang siya na makita yung abnormal na yun. Bumalik na lang ulit ako sa kama tapos kinuha ko yung cellphone ko. Makapag COC na nga lang. Baka talo na ako eh.

Wala pang ilang minuto bumalik na ulit si CJ sa loob at umupo siya sa tabi ko tapos tahimik lang akong pinapanood. Wow naman! Himala yata to. Si CJ Granfiel. Naupo sa tabi ko habang pinapanood akong maglaro ng COC? Sa pagkakaalam ko ayaw niya sa larong to.

"Problema mo?" Tanong ko sa kanya tapos tiningnan ko siya ng para bang hindi ako makapaniwala sa kinikilos niya.

"Wala! Purkit ba umupo sa tabi mo? At nanood kung pano maglaro ng Clash of clans my problema agad? Di ba pwedeng gusto lang talaga makinood."

I'm Falling In Love With You[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon