IFILWY 22: CJ and NJ

66 4 6
                                    

CJ's POV

"Huh? Nasabi ko ba yun?" pagmamaang maangan ko. Naku patay ako kay Chelsie. Di ko napigilan yung bibig ko. Pano ba naman kasi sa dami dami ng pwedeng tumulong kay Chelsie bakit si Skyler na epal pa yung naisip nila. Totoo naman yung sinabi ko kanina diba? Wala naman talagang ibang alam gawin si Skyler kundi paiyakin at inisin si Chelsie.

"Oo! Kakasabi mo nga lang eh." sarkastikong sagot naman ni Larianne.

"Teka! Tapatin mo nga kami CJ. Meron ba kaming hindi nalalaman tungkol kay Chelsie?" medyo pagalit na tanong ni Marifer. Naku lagot na! Sasabihin ko na ba sa kanila? Pero maririnig kasi ni NJ eh. Baka nakakahiya. Bestfriend pa naman niya yun.

"Don't worry! I won't tell him! Spit it out CJ." sa tono ng pananalita ni NJ halata mong inis na rin siya. Teka kasalanan ko ba? Eh si Chelsie naman kaya yung may ayaw ipasabi. Hindi ako.

"Ano kasi eh. Ganito kasi yun. Ano kasi..."

"SABIHIN MO NA NG DIRETSO!" sabay sabay nilang sigaw.

"PalaginalangkasingpinatitripanniSkylersiChelsie. PalaginalangniyangsinasabinamahalniyasiChelsiekahitnatriptriplangyunkayaayunsiChelsienamanmukhangbumibigaynasapangtitripniSkyler. KayasiyaumiiyakkasifeelingniyadawnaiinlovenadawsiyakaySkyleratyunnamandawangayawniyangmangyaridahilalamnamanniyangtriplangdawyunkayapaniguradongiiyaklangdawsiyasahuli. PerokasiangkulittalaganitongsiSkylereh. Palasfjgaskgtruiwgbjfgvagiw" di ko na natapos pa yung sasabihin ko dahil bigla na lang tinakpan ni Marifer yung bibig ko.

Tumingin naman ako sa kanilang tatlo tapos binigyan sila ng 'Anong-problema-niyo-look'?

"BAKA NAMAN GUSTO MONG AYUSIN AT BAGALAN." sabay sabay na naman nilang sigaw. Na pa pout na lang ako. Bakit ba lagi na lang silang sumisigaw? Pwede naman nila sabihin ng maayos eh. Maiintindihan ko naman eh. Hindi yung sisigawan pa nila ako.

"Ang sabi ko kasi. Diba palagi na lang pinagtitripan ni Skyler si Chelsie? Palagi na lang niyang sinasabi na mahal niya si Chelsie, pero ang totoo nang titrip lang siya?" tanong ko sa kanila. Tumango naman si Marifer at Larianne bilang pagsagot. Samantalang si NJ napapaisip pa.

"Sabi kasi sakin ni Chelsie. Feeling niya daw na iinlove na siya kay Skyler. Kahit alam niya daw na trip lang yun di daw niya maiwasan. Ewan ko ba dun sa babaeng yun ang gulo nga niya eh. Palagi ko namang sinasabi sa kanya na "Pinakilig ka lang, di ka minahal!" pero wala eh. Habang tumatagal daw. Pakiramdam niya mas lumalalim lang daw." paliwanag ko sa kanila. Literal namang napanganga si Marifer at Larianne. Samantalang si NJ naman nagmamadaling naglakad paalis.

"Oy Nj san ka pupunta?" pasigaw ko sa kanya bago siya tuluyang makalayo samin. Pero di niya ako pinansin. Tuloy tuloy pa rin siya sa paglakad.

"San pupunta yun?" tanong ko sa dalawang nakanganga dito sa harap ko. Hindi naman nila ako sinagot dahil mukhang pinapasok pa lang nila sa mga utak nila lahat ng sinabi ko. Kaya naman pumasok na lang ako sa loob para makita ang kalagayan ni Chelsie.

Napahawak ako sa bibig ko nang makita ko ang itsura ni Chelsie. Teka, bakit puro pasa siya? May mga sugat pa siya. Sabi ni NJ ayus lang si Chelsie pero bakit ganito puro sugat yung katawan ng kaibigan ko. Puro pasa pa siya. Mapapatay ko talaga kung sino mang hayop ang may gawa nito sa kanya. Napakawalang hiya niya. Napakasama niya. Wala siyang puso. 

Naramdaman ko na namang may pumapatak na tubig sa kamay ko. 

Di ko manlang namalayan na umiiyak na pala ako. Dahan dahan naman akong lumapit sa higaan ni Chelsie at umupo sa upuan  na malapit doon.

"Chelsie! Sorry! Kung sinamahan lang sana kita kanina kung saan ka man nagpunta eh di sana hindi nangyari sayo to." bulong ko sa kanya habang patuloy pa rin akong naiiyak. 

I'm Falling In Love With You[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon