Chapter 34: Skyler, EJ, Larianne

27 3 23
                                    

Skyler's POV

Point of view ng gwapong si Skyler Dwayne Dizon.

Na miss niyo ba ako mga my loves ko?

Sa wakas nagka POV na ulit. Si Ms. Author kasi eh. Ang laki ng naging galit dun sa lalaking minamahal niya tapos pati ako nadamay.

°mukhang gusto mo ulit matanggalan ng POV mr. Dizon?°

Sabi ko nga balik sa kwento eh.

Ito na nga. Hinahanap ko si Chelsie Eunice Dale. Kailangan ko siyang makita ngayon. Kanina ko pa kasi siya hindi nakikita. Pakiramdam ko mamamatay na ako. Ganun talaga pag in love. Nagiging corny. Kaya pagpasensyahan niyo na ako.

"Chelsie!" Sa wakas nakita ko na rin siya. Kanina ko pa nilibot tong buong university eh.

Bumalik naman siya sa katinuan. Tulala kasi siya kanina eh.

Dinedma niya lang ako atsaka siya nagsimulang maglakad palayo sakin.

"Chelsie. Kakahanap ko lang sayo tapos iiwan mo na ako agad?" Napagod ako tapos ganto lang? Iiwan niya lang din pala ako. Sayang naman yung effort ko.

"Sinabi ko bang hanapin mo ko?" Mataray na tanong niya sakin.

Kung sa bagay may point nga naman siya.

"Kahit na. Diba sinabi ko naman sayong hindi ako titigil hangga't hindi ko napapatunayang mahal na talaga kita." Nakatalikod siya sakin pero hawak ko siya sa braso. Mahirap na baka bigla akong layasan nito. May pagkasiraulo pa naman to.

"Oh tapos?" Mataray niyang tanong.

"Anong oh tapos? Sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo." Tapos hinila ko na siya at nagsimula na kaming naglakad.

Ilang hakbang palang nung bigla siyang tumigil.

"Teka nga! Sino ba may sabi sayong sasama ako?" Napakataray talaga nitong babaeng to.

"Ako." Kalmadong sagot ko tsaka siya ulit sinimulang hilahin.

Kagaya ng kanina. Ilang hakbang palang pero tumigil siya ulit kaya naman napatigil din ako.

"Ano na namang problema mo?" Tanong ko sa kanya.

Imbis na sagutin niya ako binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti.

"ARAY!!"

Hindi porket lalaki ako. Wala na akong karapatang sumigaw dahil sa sakit.

Walang hiyang babae yun. May lahing aso. Kagatin daw ba ako sa braso. Kung hindi siraulo.

Tapos tinakbuhan pa ako. Humanda talaga sakin yun kapag nakita ko siya.

"Larianne, sorry sa lahat ng nagawa ko sayo. Ang totoo niyan... Ang panget."

Napasilip naman ako dun sa nagsasalita.

Hmmm, mukhang nagpapractice ng speech para mamaya.

"Larianne, mahal kita. Matagal ko ng gustong sabihin kaya lang natatakot ako... Hindi! Ang pangit pa rin."

Pft. Ang engot naman nitong umamin.

Hindi naman ako interesado sa buhay ng iba. Kaya umalis na lang ako dun at pinagpatuloy ang paghahanap kay chelsie.

Buti talaga at hindi nagdugo yung kagat niya sakin. Malay ko ba kung may rabbies yung babaeng yun.

"Skyler. Pwede ba tayong mag-usap?" Napalingon naman ako sa nagsalita.

"Tungkol saan?" Sagot ko tapos inilagay ko sa bulsa ko ang dalawa kong kamay.

"Kay Chelsie." Kalmado niyang sabi.

I'm Falling In Love With You[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon