IFILWY 6: CJ

172 12 5
                                    

"Nasan na kaya si Chelsie. Ang tagal naman niya." reklamo ni Mari.

"Oo nga eh. Dapat kanina pa yun nandito." sagot naman ni Yanyan. 

Sa katanuyan Marifer Samson at Larianne Andreda talaga ang tunay nilang pangalan mas gusto daw kasi nilang tinatawag sila sa Nickname kaya Mari at Yanyan lang ang tawag namin sa kanila ni Chelsie. Pero kami lang ni Chsue ang pwedeng tumawag sa kanya nun.

"Hindi papasok yun." walang ganang sagot ko sa kanila. Dinaanan ko kasi si Chelsie kanina sa bahay nila para sana sabay kami. Kaya lang sabi ni Tita Cheska. Kailangan daw muna ni Chelsie magsleeping beauty mode.

"Huh? Bakit naman?" gulat na tanong ni Mari. Hindi ko pa nga pala nasabi sa kanila.

"Kailangan daw niyang magsleeping beauty mode sabi ni tita Cheska." sabi ko sa kanila. May sasabihin pa sana si Marifer ng biglang sumingit sa usapan namin si EJ.

"Talaga? Hindi papasok si Chelsie?" nakangiti niyang tanong samin. Ano namang nakakatuwa kung hindi papasok si Chelsie?

"Ang laki talaga ng tenga mo no?" mataray na tanong ni Larianne.

Hahaha. May kanya-kanya kasi kaming kinaiinisan. Kung si Chelsie inis kay AJ at malamang pati na rin kay Skyler. Ako inis kay ZJ. Si Larianne naman inis kay EJ at si Marifer inis kay RJ. Malalaman niyo rin kung bakit.

"Sungit mo naman babe! Umagang umaga." sabi niya kay Larianne na para bang nanglalambing. Hahaha.

"Shut up! Don't you ever dare to call me Babe again. Cause I'm not your Babe!" inis niyang sigaw kay EJ.

"Tsss. Pare-parehas talaga kayo! Ang susungit niyo." reklamo niya samin.

"HINDI KAMI MASUNGIT. SADYANG HINDI LANG TALAGA TAYO CLOSE."  sabay-sabay naming sigaw sa kaniya. Ka highblood naman kasi talaga. Buti nga at tahimik lang si ZJ at hindi niya pa naiisipan na buwisitin ako.

"Okay! Kalma lang." sagot niya.

"Ano kayang ginawa ni Skyler dun kay Chelsie at bakit hindi siya nakapasok?" singit ni AJ na pansin kong kanina pa tahimik. Kung sa bagay wala naman kasi si Bes. Kaya wala siyang aasarin. Tsaka anong sinasabi niyang ginawa ni Skyler kay Chelsie?

"Anong sinasabi mo AJ? Bakit? May kinalaman ba si Skyler sa nangyari kay Chelsie kung bakit siya absent ngayon?" tanong ko. Tsaka pansin ko nga rin na wala si Skyler. Pero nandito yung bestfriend niyang si NJ. Gusto ko sanang tanungin. Kaya lang >///< nahihiya ako ihh.

"Hahaha! Hindi niyo ba alam?" tanong naman ni RJ habang nakangiti.

"Hindi alam? Ang alin?" ano ba kasing sinasabi nila?

"Kinidnap kasi ni Skyler si Chelsie kahapon." sagot ni AJ.

"ANO? KINIDNAP NI SKYLER SI CHELSIE?" sabay-sabay na sigaw naming tatlo. Bahagya namang napatingin samin yung mga kaklase namin lalo na si Margarette. Ang younger evil sister ni Rich. For sure magsusumbong na naman yun.

"Wag nga kayong sumigaw." saway samin ni ZJ. Bakit ba ang sungit niya ngayon? Meron ba siya?

"Pano nangyari yun? Bakit naman kikidnapin ni Skyler si Chelsie?" nagtatakang tanong ni Marifer. Oo nga naman kasi. Ano namang mapapala ni Skyler dun sa bestfriend kong yun.

"Aba malay namin. Bakit hindi si Skyler ang tanungin mo? O kaya naman ayun." sagot ni RJ sabay turo kay NJ na tahimik lang na nakaupo sa upuan niya habang may nakasalpak na earphone sa tenga. Pansin ko namang nainis si Marifer. Uh-oh!

"Paki mo ba? Di naman kita kinakausap ah! Bakit papansin ka?" mataray niyang tanong kay RJ. Tss. Sabi na eh.

"Eh bakit? Wala ka namang binanggit na pangalan ah. Pasalamat ka pa nga at sinagot kita." sagot ulit ni RJ. Parang kaming baliw dito nila yanyan, ako, Ej, Zj, at Aj. Tingin kay RJ. Tingin kay Marifer. Tingin ulit kay RJ. Tapos tingin ulit kay Marifer.

I'm Falling In Love With You[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon