Chapter 33: Chelsie, NJ

24 3 6
                                    

"Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba ang tanga mo? Bakit ba ang engot mo? Bakit ba sa isang kagaya mo pa ako nagkagusto? Bakit nga ba sayo pa?" Sunod sunod na sabi niya na dahilan ulit para mapatigil ako at mapalingon sa kanya.

Teka! Anong sabi niya?

"Anong sabi mo?" Baka kasi nagkamali ako ng rinig.

"Hindi ko alam kung tanga ka ba. O nagtatanga-tangahan! Mahal kita Chelsie! Dating dati pa!"

*Nga-nga*

Akalain niyo yun? Isang Alejandro Jefferson Abalos? Ang lalaking walang ibang ginawa kundi sirain ang araw ko, ang lalaking palaging nangbubwisit sakin. Ang lalaking ubod ng yabang. Ang lalaking epal sa buhay ko.

"Seryoso ka ba?" Yan na lang nasabi ko. Hindi kasi ako makapaniwala.

"Mukha ba akong nagbibiro?!" Galit na tanong niya.

"Hehe! Sabi ko nga eh. Pero teka. Bakit ako? Bakit hindi si Marifer? O kaya si Lariane? Pwede rin namang si CJ na lang?" Hindi ko siya pinagtutulakan sa iba ah. Tinatanong ko lang.

"Hindi mo ba narinig sinabi ko kanina? Hindi ko nga alam kung bakit ikaw diba? Hindi ko alam kung bakit sayo pa? Kung bakit sayo pa na maraming nagkakagusto?" Ang OA naman nito. Makamarami ah.

"Ikaw nga lang umamin sakin na gusto mo ko tapos sasabihin mo marami." eh totoo naman eh. Siya lang talaga yung naglakas loob.

"Anong tawag mo kay Skyler at NJ? Hindi ba more than one is many? 3 kami." Napataas naman yung kilay ko sa sinabi niya.

Expected ko ng babanggitin niya si Skyler pero si NJ? No way! Bakit naman ako magugustuhan nun?

"Sus! Trip lang naman ako ni Skyler eh. Tsaka anong sinasabi mong si NJ?" Baka mamaya nagiimbento to ah.

"Hindi mo alam?" Naningkit naman yung mata ko sa sinabi niya. Sino kayang mas tanga saming dalawa?

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Walang ganang sabi ko.

"Kung sa bagay. Sa sobrang manhid mo nga pala pano mo mahahalata. Wala akong karapatang sabihin yun sayo si NJ ang tanungin mo." Walang gana niyang sabi. Walang karapatan pero sinabi na niya. Ano to lokohan?

"Hoy! Hindi ako manhid. Sadyang hindi ko lang inakala na may gusto ka pala sakin." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Baka kasi sabihin niya feel na feel ko naman.

"Tss, anong akala mo sakin? Hindi nagkakagusto?"

"Akala ko kasi pusong bato ka." pabulong lang pero sinasadya kong iparinig sa kanya.

"Tsss, alam ko namang hindi mo ako magugustuhan dahil si Skyler na ang mahal mo." tapos nagsimula na siyang maglakad habang nakalagay sa bulsa yung kamay niya.

Bakit ba mas marunong pa siya sakin?

"At sinong may sabi sayong mahal ko Skyler?" mataray kong tanong sa kanya tapos nagsimula na rin akong maglakad para sumunod sa kanya. Ewan ko din kung bakit basta kusa na lang akong sumunod sa kanya.

Nag smirk na naman siya bago magsalita.

"Hindi mo siya mahal pero hinalikan ka niya at wala kang ginawa." Napatigil naman ako sa sinabi niya. Samantalang siya tuloy tuloy lang sa paglalakad.

Don't tell me nakita niya yung nangyari kahapon? Pero paano? Hindi ko naman siya nakita dun?

"Hoy! Teka nga lang!" tapos hinawakan ko siya sa braso para mataigil siya.

"Ikaw kalalaki mong tao pero chismoso ka." dugtong ko.

"Hindi ako chismoso. Kasalanan ko bang sa public place pa kayo naghalikan?" aba sumosobra na talaga tong lalaking to ah. Ang rude niya magsalita.

I'm Falling In Love With You[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon