Chapter 26: Maricris and Chelsie

54 3 3
                                    

Maricris's POV


Ano ba yan. Nakakainis naman yung mga kaklase ko dun. Ang iingay nang mga tao dun sa room. Kaya ito ako ngayon naglalakad lakad na lang dito sa campus. Matagal tagal na din kasi akong hindi nakakapaglibot dito eh.


"Hi Maricirs. Napadaan ka yata dito?" bati sakin ni Skyler. 


"None of your business." sagot ko sa kanya tapos nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad. 

Lumapit naman siya sakin agad.


"Uy Maricris. Wait lang. Galit ka ba sakin?" tanong niya sakin tapos hinawakan niya ako sa braso.


"Pwede ba Skyler  bitawan mo nga ako. Hindi ako galit. " inis kong sabi sa kanya. Hindi naman ako galit sa kanya.


"Hindi daw galit eh bakit hindi mo ako pinapansin?" tanong niya pa ulit. Ang kulit naman nitong lalaking to. 


"Wala!" pasigaw kong sagot sa kanya. 


"Wala, pero galit ka?! Bakit ka nga galit sakin?" tanong niya ulit habang nakahawak siya sa braso ko.


"Pwede ba Skyler! Hindi nga ako galit sayo. Kaya bitawan mo na ako!" sabi ko sa kanya tapos pinipilit kong bawiin yung braso ko. Hindi ko din alam kung bakit ako naiinis sa kanya.


Hindi niya pa rin ako binibitawan. Pinipilit ko pa rin maalis yung pagkakahawak niya sa braso ko kaya lang bigla naman niya akong niyakap.


"Ano bang ginagawa mo Skyler? Bitawan mo nga ako." inis kong sabi sa kanya habang nagpupumilit akong makawala sa pagkakayakap niya sakin.


"Hindi! Hindi kita bibitawan hanggat di mo sinasabi sakin kung bakit ka nagagalit sakin." sabi niya pa tapos mas lalo niya pang hinigpitan yung pagkakayakap sakin.


Lord, please help naman po. Ano bang gagawin ko dito sa lalaking to? Nakakainis na.


"Chelsie?!" gulat kong sabi. Agad namang napabitaw sakin si Skyler.


"Ui, nandito pala kayo. Sorry ah. Di ko sinasadyang putulin yung

paglalambingan niyo. Sige ituloy niyo na ulit. Aalis na ako." sabi ni Chelsie tapos naglakad siya ng mabilis palayo samin.


"Chelsie wait!" sigaw naman ni Skyler tapos hinabol niya si Chelsie.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kasaanan ni Skyler yun. Bakit ba kasi ang landi niya? Mahal niya si Chelsie tapos sinasabi niya din sakin na mahal niya ako?! Anong kalokohan naman yun diba? Kaya nga ako naiinis sa kanya kasi feeling ko nagkakagusto na ako sa kanya. Hindi ako galit sa kanya. Sinisimulan ko lang baliwalain ang nararamdaman ko kasi alam ko namang ako din ang masasaktan sa huli. Kaya habang maaga pa at hindi pa huli ang lahat iniiwasan ko na siya. At sa ibang bagay ko na lang binibigay ang atensyon ko. 


Makauwi na nga lang. Tutal pwede na namang lumabas eh.


I'm Falling In Love With You[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon