IFILWY 4: Skyler

147 12 2
                                    

Hay! Kung bakit ba naman kasi wala ng ibang paraan para mapaniwala ko si Mama na hindi talaga ako nakipagaway. Ayan tuloy! No choice ako kung hindi gawin yung idea ni NJ.

Flashback

"May naisip na kong plano tol." sabi niya sakin tapos lumapit siya sakin at bumulong.

"Ano? Nagpapatawa ka ba?" gulat kong sabi sa kanya.

"Depende sayo kung matatawa ka!" pilosopong sagot niya.

*TOK!

"Aray! Nakakadalawa ka na ah."  reklamo niya habang nagkakamot ng ulo.

Pano kasi binatukan ko siya ulit. Dahil napakatinong kausap.

"Wala ka na bang ibang naisip?" tanong ko sa kanya.

"Sa palagay mo ba kung may iba pa akong naisip yun ang sasabihin ko sayo?" pilosopong sagot niya ulit.

Kahit kailan talaga napakasuplado nitong si NJ. Babatukan ko sana ulit siya kaya lang mabilis siyang nakaiwas. Pero teka kailangan ko ba talagang gawin yun? Hayy! Kung bakit ba naman kasi ako sinuntok nung babaeng yun eh.

"Sa palagay mo sasama sakin yun si Chelsie? Sa palagay mo ba papayag siya na ipaliwanag lahat kay mama ang totoong nangyari para lang maligtas ako. Diba ikaw na nga mismo nagsabi na hindi maniniwala si Mama kapag sinabi kong babae ang may gawa nitong pasa sa mukha ko?"

"Oo nga pero kung magdadala ka mismo ng ebidensya at personal niyong maipapaliwanag kay tita ivy ang tunay na nangyari for sure. Wala kang parusa." sabi ni NJ.

end of flashback

Kaya ito ako ngayon. Hinahanap si Chelsie para maisama pauwi.

Ayun! Pero bakit kasama niya yung pretty 3g's. Anong ginagawa nila?

"Ang kapal talaga nang mukha mo para sagutin ako at para suntukin si Prince Skyler sa mukha. Ikaw pa lang ang nangahas na kalabanin kami pati na rin si Skyler. Sino ka ba sa inaakala mo?" rinig kong sabi nung pinaka leader nila na si Ven tapos sumugod siya palapit kay  Chelsie at balak niyang samapalin.

Nakita ko namang pumikit si Chelsie kaya lumapit ako agad para pigilan si Ven. Ano bang nasa isip nang babaeng yun at nakuha niya pang pumikit? Nababaliw na ba siya? Bakit hindi niya nilabas yung pagiging amazona niya?

"Ako lang pwedeng mambully sa kanya. Naiintindihan niyo ba?" pasigaw kong tanong sa kanila. Hindi naman ako galit. Tinatakot ko lang sila. At the same time iniinis ko na rin si Chelsie.

"But Skyler. Balak ka lang naming iganti sa kanya. Tingnan mo yung ginawa niya sayo." pangangatwiran nung Ven. 

Hindi naman sa pagmamayabang pero ang totoo niyan. Isa sila sa mga fan girls ko dito sa WU kaya ganyan sila kung ipagtanggol ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Eh sa pogi ako eh. Pero hindi ko sila inutusang gawin yun.

"Hindi ko kailangan ang tulong niyo. Kaya pwede ba? Leave her alone. Ako lang ang pwedeng manakit at mambwisit sa kanya." sigaw ko kay Ven. Pansin ko namang natatakot na yung dalawa niyang kasama. At nakita ko namang naglalakad na palayo si Chelsie. Ayus tong babaeng to ah. Matapos ko siyang ipagtanggol iiwan niya lang ako ng basta basta.

"Hoy Chelsie! San ka pupunta?" sigaw ko sa kanya. Pero hindi man lang niya ako pinansin. Hay! Kung hindi ko lang talaga siya kailangan. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya habang naglalakad siya ng mabilis. Grabe! May sa kabayo ba siya? Nakita ko namang kinuha niya yung cellphone niya sa bag niya.

 [Hello] rinig kong sagot nung kausap niya sa kabilang linya. Wag kayong magtaka kung bakit naririnig ko kasi naka loudspeaker.

"Ma! Nandyan na po ba si Rits?" tanong niya. So mama niya pala yung kausap niya atsaka sino si Rits? Kapatid niya?

I'm Falling In Love With You[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon