Narito na ako sa labas ng gate ng eskwelahan napatingin ako sa paligid ng biglang dumilim makulimlim ang kalangitan uulan siguro,Napabuntong hininga nalang ako at inayos ang gulo kong buhok Hindi pa Kasi ako nakakasuklay dahil sa pagmamadali.
" Ms. Carbon aba'y ano pa ang tinutunganga mo dyan,pumasok kana,late ka nanaman " sulpot ni manong guard sa harap ko.
" Hehehe.. manong guard ikaw pala yan, akala ko Kung sinong multo " saad ko at pekeng tumawa bigla bigla nalang Kasing sumusulpot Kung saan.
" At sinong multo? Ako? Aba gusto mo atang Hindi kita papasukin? " Nako.. kahit kailan talaga Hindi mabiro itong si manong guard.
" Joke lang manong guard " saad ko, naglakad Ito palapit sa gate upang pagbuksan ako kaya Naman naglakad na rin ako upang pumasok ngunit pinigilan ako ni manong guard.
" Hep Hep hep! Asan I.D mo? " Pigil nya saakin habang nakataas Ang kilay, kinuha ko ang I.D ko sa bag at ipinakita sa kanya.
" Pumasok kana " matapos nyang Makita na mayroon akong Ang I.D ay pinapasok na nya ako, napangiti Naman ako at dali daling pumasok.
" Thank you manong guard! Btw good morning po! " Sigaw ko, tumango lang ito saakin at sininyasan nya akong umalis na.
Mabilis Kong tinahak Ang building Kong saan naroon Ang classroom ko ngunit napatigil ako sa paglalakad ng may bumagsak na isang bagay sa ulo ko, kaya nagtataka ko itong kinapa pero agad nanlaki Ang mata ko ng makapa ko ang basa at malagkit na nakadikit sa buhok ko kaya Dali Dali ko itong inalis.
Nakita ko Ang basag na Shell ng itlog, yes itlog Ang bagay na bumagsak sa ulo ko, tumingala ako sa itaas at Nakita ko Ang mga estudyante nakadungaw sa bintana habang may kanya - kanya silang mga hawak na itlog.
Aba! Mga tarantado to ah...
" Hoy! Sino ang naglaglag ng itlog saakin? " Inis Kong sigaw sa kanila.
" Ako " Maarteng Sabi ng isang babae na kulang nalang maging coloring book na Ang mukha.
" Gago kaba?! Kung batuhin kaya kita ng itlog sa mukha? Para namang magmukha kang tao, para kana Kasing clown dahil sa kapal ng make up mo sa mukha " sigaw ko,nanggigirigil ako sa clown nato mukang nainis Ito sa sinabi ko kaya kumuha sya ulit ng itlog.
" Anong sabi mong babae ka? " Tanong nya habang may panggigigil sa kanyang boses.
" Ansabi ko muka kang clown Ano happy kana? " Pangaasar ko sa kanya.
" You b-tch! Arrggh! Naiinis na ako sayo! Ang kapal ng mukha mong pumasok pa! Matapos mong pahiyain si baby Aviel ko " inis nyang sigaw saakin, natahimik ako dahil sinabi nya.
" Ano Hindi ka nakapagsalita?Kasi papansin ka Kay baby Aviel ko! Attention seeker, malandi ka! " Sigaw nya ulit at binato ako ng itlog kaya sinangga ko Ang braso ko para Hindi matamaan Ang mukha ko.
" Batuhin nyo ng itlog Ang babaeng yan, nararapat Lang Yan sa mga katulad nyang hampas lupa " pagkasabi nya ng mga salitang Yun ay sunod sunod na nila akong pinag- babato ng itlog Wala akong nagawa kundi isangga Ang braso ko pero Wala parin itong saysay dahil nadumihan na Ang kasuotan ko, halos mandiri ako sa sarili ko dahil sa malagkit na nasa katawan at suot ko.
Nagsibagsakan Ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan, at sa Hindi kalayuan Nakita ko Ang tatlong lalaki na nasisiyahan pa sa nakikita nila.
Dahil sa halo- halong nararamdaman ko naisipan Kong tumakbo palayo sa kanila.
' Ito ba Ang ibig mong sabihin Aviel Celoso sa mga sinabi mo kahapon? '
Patuloy lang ako sa pagtakbo papunta sa Comfort room, kailangan Kong maglinis ng katawan nilalagkit na Kasi ako, mayroon Naman akong P.E uniform sa locker ko,siguro Yun nalang Ang susuotin ko ayaw ko namang umuwi Kasi Sayang naman Ang ibang ilelesson ng teacher sa ibang subjects na Hindi ko napasukan at baka mawalan ako ng scholarship paano na Ang pagaaral ko kapag nawala iyun? Hasyt...
_______
Lumabas na ako sa cr suot Ang P.E uniform ko,Break time na siguro Kasi marami na Ang mga estudyanteng pumupunta sa cr. Mayroon pangang napapatingin saakin at pagkatapos ay tatawa Yung iba napapailing nalang, Isa sila ata sa mga nakasaksi na nangyare kanina.
Dumiretso ako sa locker ko at kinuha Ang bag ko, biglang kumalam Ang sikmira ko kaya napakamot ako sa batok gutom na ako huhuhuhu asan na kaya sila Mash at Akish ? Alam naba kaya nila Ang nangyare saakin?
" Jel! Ayus kalang? May masakit ba sayo? Sorry talaga " napatingin ako sa dalwang babaeng palapit saakin, akala ko kinalimutan na nila ako, mangiyak ngiyak na yumakap ang dalwa saakin.
"Kasalana ko Ito eh...dahil sa dare na Yun nagsisimula ng ibully ka ni Aviel, I'm sorry Jel " Hindi parin Ito tumitigil sa pagiyak parang bata.
Sandali... Nagsisimulang ibully ako?
" What do you mean? Ibully ako? " Nagtataka kong tanong.
" Yes, dahil sa ginawa mo kahapon nagsisimula na si Aviel na ibully ka.." malungkot na Sabi ni Akish.
Shit....nagalit ko talaga sya ng husto?
" Ano ang gagawin ko para Hindi nya ituloy Ang pambubully saakin? " Tanong ko sa kanilang dalwa, malungkot silang tumingin saakin at sabay na umiling kaya Napabuntong hininga ako.
" Hindi mo sya mapipigilan Jel, dudurugin ka nya hanggang sa Hindi mo na kayanin, ayaw nya sa lahat ay Yung napapahiya sya sa maraming tao, kaya matindi Itong gumanti " mahabang Saad ni Akish napakagat ko ako sa hinlalaki ko dahil narinig.
" Pasensya na talaga, Hindi ko alam na ganun pala Ang ugali ng isang Aviel Celoso,sana Hindi ko nalang ipinagawa yung dare sayo Jel "Sabi ni Mash habang malungkot na nakatingin saakin.
" Hasyt.. dahil sa kagustuhan Kong gumanti sa lalaking iyun ay nadamay kapa Jel, hayaan mo sasabihin ko sa kanya na ako Ang nagpadare nun sayo para ilipat saakin Ang pangbubuly na gagawin nya sayo " dahil sa sinabi ni Mash at nakatikim sya ng batok saakin.
" Baliw kaba?! Ilalagay mo lang sa kapahamakan Ang buhay mo, huwag mo na Yun gawin kaya koto ,ayaw ko kayong madamay kahit Isa man sainyo "Saad ko.
" Pero- " magsasalita pa sana si Mash ng pigilan ko sya.
" Kung nagsisimula na syang ibully ako dahil sa ginawa ko sa kanya pwes! Tatanggapin ko Ang lahat ng pambubully nya hanggang sa magsawa sya " hindi nakaimik Ang dalwa at pumayag narin sila sa desisyon ko.
"Basta andito lang kami para tulungan ka " nakangiting Sabi ni Akish.
" Magkakaibigan Tayo kaya sama-sama natin itong haharapin " - Masha
Napangiti Naman ako sa sinabi nilang dalwa, nawala Ang pangambang nararamdaman ko kundi napalitan Ito ng kasiyahan dahil sa sitwasyaong kakaharapin ko ay nandito sila para saakin.
I am lucky because I have a best friend like them .
" By the way kamusta pala mga jowables mo sa rp? " Sa kalagitnaan ng paglalakad namin patungo sa cafeteria ay nagsalita si Masha.
" Ayus lang Naman, kaso Hindi kopa sila naichachat simula kanina eh " sagot ko.
" Hahaha.. ano kaya kapag nagkita kayong apat sa personal siguradong magkakagulo " natatawang Sabi ni Akish kaya natawa din kami ni Mash.
" Pwede Naman silang pagsabayin pero magiingat lang " - Masha
" Pwede Rin lalo na kapag mga igop diba best? " - Akish
" Correct ka dyan gurl hahaha " nagapir Ang dalwa habang tumatawa magkasundo talaga sila pag-dating sa kalukuhan.
" Luko...Tara na nga bilisan nanatin nagugutom na ako, puro kayo kalukuhan " napapailing Kong Sabi.
YOU ARE READING
My Three Boyfriend's in rpw is my bully's (bullies) ONGOING
Romance𝑆𝑖 𝐽𝑒𝑙𝑠𝑖𝑒 𝐶𝑎𝑟𝑏𝑜𝑛 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑦 𝑡𝑎𝑡𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑏𝑜𝑦𝑓𝑟𝑖𝑒𝑛𝑑 𝑠𝑎 𝑟𝑝𝑤, 𝑎𝑛𝑜 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑦𝑎𝑟𝑒 𝑎𝑡 𝑔𝑎𝑔𝑎𝑤𝑖𝑛 𝑛𝑦𝑎 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑡𝑎𝑔𝑝𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑑𝑎𝑠 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎�...