PART 8

88 7 0
                                    

MAbibigat na hakbang ang ginawa KO habang naglalakad paakyat sa itaas, papunta ako sa rooftop doon lang kasi ang tahimik na lugar na pwede kong puntahan.

Pagbukas ko ng pinto ng rooftop ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag, napahawak ako sa dibdib ko at dahan dahang naglakad papunta sa isang bangko, umupo ako at isinandal ang likuran ko sa sandalan, pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang sariwang hangin na humahampas sa buo Kong katawan.

" hayst.. " bumuntong hininga ako at iminulat ang mga mata ko tumingala ako sa kalangitan na ngayon ay asul na asul.

" ma, pa, miss ko na kayo " malungkot na saad ko.

Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko, inopen ko ito at tumambad ang mga notification, nakita ko ang mga chat ng mga boyfriends ko sa rp.

Umayos ako ng upo at binuksan ang facebook ko, ang naka login dito ay ang rp ko. Maraming friend request at notification pero dumako ang attention ko sa messenger na kaagad kong pinindot, tumambad saakin ang mga gc at ibang mga nagchachat saakin, hinanap ko ang mga pangalan ng jowables ko na kaagad ko ding nahanap. May mga chat sila kaya isa-isa ko itong binuksan at binasa, napakagat ako ng pang-ibabang labi ng mabasa ko ang mga message nila. Putek...

Arjieon: 
- Love, kantahan mo ko gusto kong marinig ang napaka ganda mong boses.

Eroc: 
- I want to hear your voice baby.

Saviel: 
- sing me a song hon, I want to hear your voice.

Jusko... bat pareho pareho sila ng mga chat.

Nagsimula na ako mag record at kumanta.

Pagkatapos kong irecord ang kinanta ko ay isinend ko sa kanilang tatlo.

" pangit ng boses ko, pasensya na " chat ko sa kanila.

Naka offline pa sila kaya naglog-out mona ako, pinower off ko ang phone ko syaka binalik muli sa bulsa ko.

Tatayo na sana ako sa pagkakaupo ng biglang bumukas ang pinto ng rooftop, at iniluwa iyon nila Akish at Mash, nang makita nila ako ay agad silang tumakbo sa kinaroroonan ko.

" Ayos kalang? " nag-aalalang tanong ni Akish.

" Sinaktan kaba ng mga gagong yon? Nako... Naiinis na ako sa kanila ha.. " - mash

Tumingin ako sa kanila at ngumiti ng pilit.

" Oo ayos lang ako, syaka hindi nila ako sinaktan " sagot ko.

" hasyt... Mabuti naman kung ganun " umupo si Akish sa bangko na bakante na nasa kaliwa ko, umupo rin si Mash sa bangko na nasa kanan.

" Alam mo ba, lubos kaming nag-alala sayo " - Mash

" Oums.. Ganun din si Nery, sinuntok nga nya yung mga lalaking pumipigil sa kanya para makawala at ng makawala sya ay sinundan kayo ni Nery " napatingin ako kay Akish ng sabihin nya iyon.

" Nakita mo ba si Nery? " tanong ni Mash, umiling ako sa tanong nya.

" Baka nagkasalisihan kayo.. " si Akish ang nagsalita.

" Baka nga.. " kibit balikat kong sabi.

_______

MAtapos ang pag-uusap naming magkakaibigan ay napagpasyahan nanaming umuwi, ako ay didiretso muna sa restaurant na pinapasukan ko.

Nang makarating ako sa restaurant na pinapasukan ko ay nagtaka ako dahil subrang tahimik hindi tulad ng dati na punuan ng customer.

" Andito ka na pala ija " napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Ate Lenda ang may-ari nitong restaurant.

My Three Boyfriend's in rpw is my bully's (bullies) ONGOINGWhere stories live. Discover now