KINABUKASAN
-
NAkaupo kaming dalwa ni Mash dito sa bench malapit sa gate ng school, hinihintay kasi namin si Akish na dumating wala pa kasi sya.
Maaga pa naman upang pumunta sa classroom, syaka baka nandun ang tatlong mga demonyong yun.
Hindi pa alam nila Akish at Mash na ang mga CeMonTe na yun ay ang mga rp boyfriends ko.
CeMonTe means Celoso, Monero and Demente mga apilyido ng mga tuklmol, kaya tinawag silang CeMonte.
" Ang tagal naman ng bruhang yun " reklamo ni Mash habang nakatingin sa may gate.
" Baka natrafic lang kaya natagalan sya " saad ko
" hasyt... " bumuntong hininga ito.
Maya maya ay nakita nanamin si Akish na papasok sa gate, napaka bagal pa nito para syang pagong kung maglakad, nakakainis.
Tumayo kaming dalwa at nilapitan namin ito.
" Hoy bruha! Bat ang tagal mo? " tanong ni Mash at kumapit sa braso nya.
" trafic kasi " sagot nito, napatango naman kaming dalwa dahil sa sinabi nya.
Sabay-sabay kaming tatlo na naglakad sa pathway, nagtataka kami kung bakit nagsisitakbuhan ang mga kasabay naming estudyante, maaga pa naman para malate sila.
Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na nagkibit balikat.
" Yung mga CeMonTe may nililigawan sa grade 10 at nakakagulat! Iisang babae lang ang nililigawan nila, may mga dala dala silang mga flowers at chocolate sabi ng mga estudyanteng naroon sa grade 10 " girl 1
" OMG?! Really?! Anong section?! " girl 2
" Section Generosity daw " girl 1
" Sanaol nalang kay girl huhuhu.. " girl 2
" kilala nyo ba yung babae na nililigawan ng mga CeMonTe? " girl 3
" Hindi eh, kaya nga pupunta tayo sa Section Generosity Para malaman natin " girl 2
" Baka si Margie ang nililigawan nila? Yung muse sa Section Generosity diba maganda at sexy yun? " girl 1
" hm... Oo nga baka si Margie " girl 3
" hasyt... Sana all nalang sa kanya " girl 2
" Let's go na sa section generosity " girl 1
Nahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang usapan ng mga babae kanina na ngayon ay nagsitakbuhan narin para pumunta sa Section Generosity na kung saan ay kabilang ako sa section na yon, huminto rin ang dalwang kaibigan ko at nagtataka silang tumingin saakin.
" Bakit ka huminto sa paglalakad Jel? " tanong sakin ni Akish.
" A-ah.. N-na ngalay lang p-paa ko.. " pagdadahilan ko
" Ah ganun ba.. " tumango tango ito sa sinabi ko
" Bilisan nanatin, para makapunta narin tayo sa classroom nyo Jel, Naroon daw ang mga CeMonTe at mayroong nililigawang iisang babae titignan lang natin kong sino ang babaeng yun " - Mash
Shit... Kung alam nyo lang na ako ang babaeng yun nakow....
AnOng gagawin ko?...
Alam kong ako ang pakay nilang tatlo at ang babaeng nililigawan nila.
" Mauna na kayo.. pupunta lang ako sa Cr " sabi ko
" Sige, Sumunod kanalang " - Mash
" Geh na alis na kami " - Akish
YOU ARE READING
My Three Boyfriend's in rpw is my bully's (bullies) ONGOING
Romance𝑆𝑖 𝐽𝑒𝑙𝑠𝑖𝑒 𝐶𝑎𝑟𝑏𝑜𝑛 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑦 𝑡𝑎𝑡𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑏𝑜𝑦𝑓𝑟𝑖𝑒𝑛𝑑 𝑠𝑎 𝑟𝑝𝑤, 𝑎𝑛𝑜 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑦𝑎𝑟𝑒 𝑎𝑡 𝑔𝑎𝑔𝑎𝑤𝑖𝑛 𝑛𝑦𝑎 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑡𝑎𝑔𝑝𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑑𝑎𝑠 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎�...