PART 17

101 12 1
                                    






Kasalukuyan kaming naglalakad ni Mash patungo sa Cafeteria, hindi namin kasama si Akish dahil hindi ito pumasok ngayon,Kanina pa ako wala sa sarili dahil sa naganap kanina.

*FLASHBACK*

" W-why d-did y-you k-kiss m-me? " Utal kong tanong sa kanya, muli akong humarap at sa pagkakataon na Ito ay Hindi na sya nakatingin saakin, sinundan ko ang tinitignan nya at halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng Makita ko si Aviel na parang papatay ng tao, nasa labas ito ng bintana.

May gustong lumabas na salita sa bibig ko ngunit hindi ko magawa Parang may pumipigil saakin, tumitig ito ng matagal saakin at may dumaang emosyon sa kanyang mga mata, maya maya ay lumakad na sya paalis.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa mawala na sya saaking paningin.

" You love Aviel right? " napalingon ako kay Axcel ng magsalita ito, seryuso itong tumingin saakin kaya napalunok ako ng sariling laway.

" I'm sorry.. I have to go na.. " sabi ko at nagmamadaling umalis, iniwan kong magisa si Axcel doon.

*END OF FLASHBACK*

" Hey Jel are you okay? Kanina kapa tulala dyan lalamig na yung pagkain na nasa harapan mo " nabalik ako sa ulirat ng magsalita si Mash.

" Oo ayus lang ako " sagot ko tumango naman ito at nagpatuloy sa pagkain, tumingin ako sa pagkaing nasa harapan ko ngayon na wala paring bawas bumuntong hininga ako syaka nagsimula ng kumain.

" Ah nga pala Jel, hindi mo paba alam kung anong meron kila Akish at Nery? " maya maya ay nagsalita muli si Mash, kumunot ang noo ko at binigyan sya ng nagtataka kang tingin.

" Bakit? Anong meron kila Akish at Kuya Nery? " tanong ko, huminto sya sa pagsubo at nagpakawala ng buntong hininga.

" Ahm... Magjowa na kasi silang dalwa kaya hindi pumasok si Akish ngayon dahil magdadate daw sila ni Nery " nasamid ako ng kinakain ko ng marinig ko ang sinabi nya.

" ANO?! TOTOO?! " Napalakas ang pagkakasabi ko kaya nagsitinginan ang mga taong narito sa cafeteria, napatayo pa ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat.

Napakamot naman ako sa batok ko at napapahiyang umupo sa kinauupuan ko.

" Totoo, mga Limang araw na ata sila simula nung sinagot ni Akish si Nery, Sana all talaga sa bruhang yun.. Huhuhuhu how about me naman? " mangiyak-ngiyak na saad ni Mash.

So..... Ang tinitignan pala ni Nery ay si Akish nung kumakanta sya.

" Ahh.. Hindi ako updated ha, grabe ang babaeng yun hindi man lang nya sinasabing magjowa na pala sila ni Kuya Nery " nagtatampong sabi ko


" Congrats pala Jel, ikaw ang nanalo sa Pagandahan ng outpit nung biyernes sa Partynight at dun sa Magcouple na mananalo " nakangiting sabi nya, nagtaka ako dahil sa unang sinabi nya.

Ako ang nanalo sa pagandahan ng output noong Biyernes?

Bakit hindi ko alam?..

" Huh? Hindi naman ako nanalo sa pagandahan ng outpit eh, dun lang sa Magcouple, kami ni Aviel " sabi ko.

" Gaga! Ikaw yung nanalo sa pagandahan ng outpit nung biyernes, Kaya siguro hindi mo narinig yung inanannounce ng emcee dahil busy ka sa pakikipagLaplapan kay Aviel. " biglang uminit ang magkabilang pisnge ko sa sinabi ni Mash, bigla ko ring naalala ang pangyayareng iyon.

Shanggala...

" Sira! " sigaw ko at binatukan sya napaaray naman ito at napahimas sa batok nya.

My Three Boyfriend's in rpw is my bully's (bullies) ONGOINGWhere stories live. Discover now