PART 6

97 7 0
                                    



Bitbit ko Ang mga test paper at answer key sa math, ako Kasi Ang inutusan ni Mr. Larozi na dalhin ito sa kanya.

Habang naglalakad ako dito sa mahabang pasilyo ay napapatingin ako sa mga classroom na nadadaan ko, may kanya kanyang ginagawa Ang mga estudyante, Yung iba naghahabulan, nagbabatuhan ng papel, naglilinis, yung iba Naman ay tahimik lang sa isang tabi, nagkwekwentuhan at mayroong estudyanteng nagpapagandahan na halos mapuno na ang kanilang mga mukha dahil sa ibat ibang klase ng make up na nilalagay nila.

Napailing iling ako at mas binilisan Ang paglalakad malayo pa naman Ang office ni Mr. Larozi.

Maya Maya ay mayroong nakabangga saakin Kaya nabitawan ko Ang mga test paper at answer key, nagkalat Ito sa harap ko, napahawak ako sa noo at nilingon Ang taong nakabangga saakin.

" I'm sorry miss.. " pag-papaumanhin nito, mabilis itong lumapit sa direksyon ko at napatingin sa nagkalat na mga test paper at answer key.

" It's okay.. " saad ko at Isa isang pinulot Ang mga nalaglag.

" Tulungan na kita " pagkasabi nya nun ay agad siyang tumulong sa pagpupulot.

" Huwag mo na akong tulungan, may importante ka pa atang gagawin, Kaya kona Ito " pigil ko sa kanya, umiling Ito at tumingin saakin na nakangiti kaya lumitaw ang dimple nito sa kabilang pisnge,
he's f-cking cute.

" Nah.. maaga pa Naman, kaya may Oras pa akong tulungan ka " saad nito at pinagpatuloy Ang pag-pupulot.

Nagkibit balikat nalang ako at hinayaang tulungan ako.

__________

" Salamat nga pala " pagpapasalamat ko pagkatapos nya akong tulungan.

" Walang ano man... Sige na Alis na ako, ingat sa paglalakad " ngumiti ulit Ito saakin at patakbong umalis.

Hindi ko manlang naitanong Kong ano Ang pangalan nya...

Sa susunod nalang siguro kapag muli kaming magkita.

Napagpasyahan Kong umalis narin dahil kanina pa ako hinihintay ni Mr. larozi, napangiti ako ng maalala Kong muli Ang cute nyang mukha.

Parang may kamukha sya...

*F A S T F O R W A R D*

Narito kami ng mga kaibigan ko sa rooftop, naibigay ko na rin yong mga test paper at answer key Kay Mr. Larozi, buti Hindi sya nagalit sakin natagalan Kasi ako gawa kanina, Nakatayo kaming tatlo habang pinagmamasdan Ang mga estudyanteng naglalakad sa ibaba, hapon na at Oras na upang umuwi Ang mga mag-aaral.

" Ang gwapo talaga nung transfery nakakainlab Yung mga ngiti nya " kinikilig na pagkwekwento ni Akish.

Here we go again.... puro nalang Transfery Ang naririnig ko... Nakakainis..

" True ka dyan gurl... Mabait din sya Hindi gaya dun sa pinsan nyang daig pa sa yelo dahil sa kalamigan at Kung magalit parang demonyo " si Mash

Nakikinig lang ako sa mga walang kwentang pinagkwekwentuhan nila.

" Nery Jade Astero ang name nya diba pangalan palang masasabi mo ng gwapo, hehehe... " Nakangiting Sabi ni Akish.

" Eh? Bakit Hindi Celoso Ang apilyedo nya? Katulad Kay Aviel " nagtataka Sabi ni Mash.

" Gaga, magpinsan sila sa Ina gurl " sagot ni Akish.

" Ah ganun ba " - Mash

Napahikap ako kaya lumingon saakin Ang dalwa, nakakaantok mga pinaguusapan nila.

" Ikaw Jel, nakita mo na ba si Nery? " Tanong saakin ni Mash.

" Hindi pa " walang gana Kong Sabi.

" Bakit Hindi pa? Kung nakita mo lang sya siguradong maiinlab ka rin sa kanya " sabat ni Akish.

" Oo nga, sandali may litrato ako niya tignan mo para Makita mo Naman Kung gaano sya ka gwap- " naputol Ang sasabihin ni Mash ng takpan ko Ang bibig nya.

" Hindi ako interesado Kung gaano sya kagwapo, yes mabait nga sya pero palabas nya lang iyon at syaka may boyfriend's na ako mas gwapo sila sa lalaking Yun " mahabang Sabi ko, at nandidiring tinanggal Ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig ni Mash.

" Woah! Loyal ka talaga sa mga boyfriend mo na nakilala mo lang sa rp paano Kung pinaglalaruan ka lang nila?syaka hindi mo pa sila nakikita sa personal makagwapo ka dyan. " - Akish

" Yup! Paano Kong inuuto -uto kalang nila? Malay mo may mga girlfriend na Yung mga boyfriend mo sa rp in real life, paano kana? " - Mash.

Hindi ako nakaimik sa sinabi nilang dalwa, kundi nanahimik nalang ako at napatulala sa kawalan.

What if totoo nga Yung mga sinasabi nila?

Hasyt... Bahala na..

Atleast naranasan ko Kung paano nila alagaan, pasiyahain at mahalin kahit nasa fake world at Hindi totoo Ang pinapakita nila saakin.

Pero ..sa totoo lang sa tatlong boyfriend ko sa rp, may Isa akong sineryuso.

My feelings for him is true...

______

KInABuKasan...

Naandito na ako sa classroom habang Nakalumbaba at nakatingin sa labas ng bintana, inaantok panga ako dahil late na akong natulog kagabi, Mga 11:30 yata ako natulog pumasok pa Kasi ako sa work ko at maraming mga customer Ang nagsisidatingan upang kumain sa restaurant na pinapasukan ko.

Ang hirap talaga kapag working student ka, mag-aaral sa Umaga at magtratrabaho sa Gabi.

" Iready nyo Ang libro nyo sa science pinapasabi ni Mrs. Razon " saad ng class president namin na si Axcel,

Bigla Kong naalala na nasa locker ko pala Ang mga libro ko shit... Hindi ko nakuha kanina.

May mga kanya kanya ng mga libro Ang mga classmate ko ako nalang Ang wala.

" Ms. Carbon, where is your book? " Tanong ni Axcel napakamot ako sa kilay at tumayo sa kinakaupuan ko.

Hindi ko sya pinansin, tinatamad ako magsalita ngayon , naglakad ako palabas ng pinto pero agad ding napahinto ng may bumato saakin ng ballpen na tumama sa likuran ko.

" Tinatanong ka ng President natin, binge ka bang babae ka? " Inis na sigaw ni Margie.

Sya Ang muse sa section namin, maganda, sexy at maraming lalaking nagkakagusto sa kanya.

Hindi ako nagsalita dahil tinatamad nga ako pake nyo ba?

" Hoy nabinge at nawalan kana ba ng bibig?! " sigaw nya at susugurin nya sana ako ng pigilan sya ni Axcel.

" Stop Margie go back to your seat... And you Ms. Carbon you can leave and comeback immediately " Saad ni Axcel at mulling bumalik sa ginagawa nya.

Umirap pa saakin si Margie pero Hindi ko na sya pinansin.

Dali Dali akong umalis at pumunta sa locker ko.

_____

Andito na ako sa tapat ng locker ko at binuksan Ito pero halos tumigil Ang Mundo ko ng may bumuhos na pintura Mula SA itaas, kaya Ang buo Kong katawan ay nababalutan ng pintura.

Potangina..

Ngayon ko lang napansin na may nakakonektang Tali sa bukasan ng locker ko patungo sa itaas Kung saan naroon Ang malaking timba na kanina ay naglalaman ng pintura na kapag bubuksan ko Ang locker ko ay matatapon Ito patungo saakin.

" Hahahaha .. Ang galing talaga ng mga CeMonTe na magplano " girl 1

" Yes true.. hahaha gusto nya Kasi ng attention ng mga CeMonTe kaya ayan pinagbigyan sya... Dsurb. " Girl 2

So .. Ang mga CeMonTe Ang gawa nito? At Sino paba Ang gagawa nito? Kundi sila lang...

" Anong kaguluhan to?! " Umalingawngaw Ang sigaw ng isang pamilyar na lalaki.

" Andito si Nery! "

" Si Nery Yung pinsan ni Aviel "

" Tara Alis na Tayo.. "

Dali daling umalis Ang mga estudyanteng naandito at tanging natitira nalang ay kaming dalwa, halatang nagulat pa Ito ng makilala nya ako.

Siya pala Ang pinsan ni Aviel? Yung lalaking nakabangga saakin kanina?

My Three Boyfriend's in rpw is my bully's (bullies) ONGOINGWhere stories live. Discover now