PART 14

92 6 0
                                    


JELSIE CARBON POV

Araw ngayon ng biyernes at ngayon ang anniversary ng CeMonTe University Nakaayos na ang lahat at Malinis narin ang Gymnasium, noong miyerkules at huwebes ay naglinis lang kami maghapon.

Narito ako ngayon sa kwarto ni Mash kasama si Akish, pumunta kasi yung baklang sumukat saamin ng gown nung nakaraang araw, dala nya ang mga gown namin para sa susuotin namin mamayang gabi, sya rin ang magmamake up samin.

" Wow ang ganda " kumislap ang mata ni Akish habang sinusuri ang susuotin nyang gown.

Kulay blue ang gown nya na may iba't ibang mga magagandang desinyo at black naman ang kay Mash may hati sa gitna ang pangibabang gown nya, kitang kita ang kanyang legs kapag maglalakad ito.

White naman ang kulay ng gown ko at ang disenyo nito ay mga diamonds na kapag nasisinagan ng liwanag ay kumikislap ito.

Pinag-ambagan ng dalwa ang perang pampagawa ng gown ko, hindi sana ako papayag ngunit napakakulit nila kaya napapayag nila ako, wala pa naman akong perang pampagawa ng ganyang kagandahang gown, kung hindi lang sana ako nawalan ng trabaho ay may pera akong pambayad sa dalwa kong kaibigan.

" Hayst... Huwag mo ng problemahin ang perang ginastos namin ni Akish sa gown mo, libre na ito at regalo narin namin saiyo " saad ni Mash, habang sinusuri ang kanyang sarili sa salamin, suot nya kasi ang gown nya tamang tama lang sa kanya ang sukat.

" Oums... Huwag mo ng problemahin iyon, syaka hindi mo na kailangan magbayad saamin " sabat ni Akish, nagbloblower ito ng kanyang buhok, katabi ko.

" Salamat sainyong dalwa " nakangiting sabi ko lumingon saakin ang dalwa at ngumiti rin.

" Walang anuman Jel, Malakas ka samin eh Ay sya! Maligo kana para maayusan ka na ni Bekla " tumango ako bilang tugon, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Mash at pumasok si Bekla na syang mag-aayos saakin mamaya
Sa ngayon ay sila Akish at Mash muna ang aayusan nya.

Malawak ang kwarto ni Mash kaya hindi kami nagsisiksikan dito sa loob, umalis ang kanyang mga magulang kasama ang kuya nya pupunta kasi sila sa Canada para sa bussiness.

Napaka bait ng pamilya ni Mash ganun din ang pamilya ni Akish parang kamag-anak na ang trato nila saakin kahit hindi ko sila kadugo.

Pumasok na ako sa Banyo at nagsimulang ng maligo, at makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ako.

__________

Nakaupo ako habang nakaharap sa malaking salamin aayusin na kasi ako ni Bekla at lalagyan na nya ng kung ano anong pulbos at pampaganda ang mukha ko.

" Close your eyes dear and relax okay? " tumango ako sa sinabi ni Bekla agad ko namang sinunod ang sinabi nya at hinayaan sya.

" Bekla asan ang dalwa? " tanong ko habang ganun parin ang posisyon ko.

" Nasa sala dear hinihintay ka " sagot nya

Hindi na ako umimik at nakiramdam nalang sa paligid, Nararamdaman ko ang mga bagay na nilalagay ni Bekla sa mukha ko minsan pa nga ay napapakamot ako sa pisnge ko dahil sa kati, kaya nakailang ulit si Bekla na lagyan ng parang pulbos ang pisnge ko.

Hindi talaga ako sanay sa mga ganyang mga pangpaganda sa mukha.

Nang tapos ng make up-an ako ni Bekla ay ang buhok ko naman ang inayos nya, kinulot nya ito at may kung ano ano rin ang nilagay.

________

" Omygossh... Your so gorgeous dear siguradong laglag ang mga panga ng mga taong makakakita sayo Perfect! " Narinig kong humahangang saad ni Bekla sabay palakpak

Minulat ko na ang mga mata ko at tumingin sa malaking salamin na nasa harap ko, namangha rin ako dahil sa itsura ko.

Grabe ako ba talaga ito?

Napaka ganda...

Hindi maalis alis ang ngiti ko sa labi habang pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin.

" Pwede kanang pumunta sa sala at daluhan mo ang dalwang iyon, enjoy sa party nyo.. " saad nito tumango nalang ako bilang sagot, dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto at pinihit ang doorknob upang buksan.

" Ang pretty mo Jel kyahhhh! "

" Grabe ang ganda mo Jel para kang anghel na bumaba sa langit "

Manghang saad din nila ng makita ako, ngumiti ako at pinagmasdan din silang dalwa

Napaka ganda rin nila... Nakow mga lahing mga magaganda talaga kami hehehehe.

" Ang ganda rin ninyong dalwa " pagsabi ko ng totoo

" Arat selfie tayong tatlo " pagyaya ni Mash samin

Nagsitanguhan kami at humarap sa Camera.

" 1 "

" 2-3 "

" Smile "

*Click
*Click

Ngumiti kaming tatlo at kung ano ano pang mga post ang ginawa namin.

FAST FORWARD

Narito na kami sa CeMonTe University at naglalakad papunta sa entrance ang daming mga tao at ang gaganda ng mga suot nila

Kada nakakasalubong namin ay napapatingin saaming tatlo, halata ang paghanga sa mga mukha nila.

At ng makapasok kami sa entrance ng Gymnasium ay bumungad saamin ang Maraming tao at maiingay na musika.

Napaka ganda dito sa loob ng Gymnasium, mga ibat ibang kulay ng ilaw at mga design na parang kumikislap kapag natatamaan ng liwanag.

Tuluyan na kaming pumasok sa loob at naglakad sa gitna kong nasaan ang red carpet napapatingin ang ilan saamin at magbubulungan sa katabi nila.

" Sino nga ang mga yan? Ang ganda naman nila "

" Pre si Masha oh yung crush mo ang ganda "

" Gago manahimik ka nga baka marinig ka nya "

" Akisha ang ganda mo! Nakakainlove ka! "

" wyt sino yung babaeng nasa gitna? Ang ganda nya sa gown na yan, mukhang may mananalo na"

" Yup ang ganda nya.. Parang pamilyar sya saakin.. "

" tsk! Mas maganda naman si Dasharen kisa sa kanya "

" Mas maganda kaya ang gown na suot ni Dasharen kisa sa kanya "

" kilala ko sya.. Sya yung nililigawan ng mga CeMonTe "

" Ano?! "

" HAHAHA huwag ka ngang magbiro dyan! Ang layo layo naman ng mukha nila sa mukha ng b-tch na yun "

" totoo ang sinasabi ko sya si Jelsie Carbon "

" Tsk! She's ugly.. "

" Ang ganda nya pala "

Mga naririnig kong mga bulungan ng mga taong napapatingin saamin.

Habang naglalakad kami ay may humarang sa daan namin at ng tignan ko ay ang mga CeMonTe, ang mga tatlong tukmol.

Nakatitig ang tatlo saakin at kapansin pansin ang pagbababa ng adams apple ni Aviel.

" Hon... " - Aviel

" Baby.. " - Axcel

" Love.. " - Lark

Sabay sabay na sabi nilang tatlo kaya nagsimula nanaman ang mga bulungan ng mga nanonood saamin nakasuot sila ng tuxedo kaya ang hot nilang tignan at lalo silang gumwapo sa ayos nila.

My Three Boyfriend's in rpw is my bully's (bullies) ONGOINGWhere stories live. Discover now