C3

13 0 0
                                    

"Sangkot sa krimen ang anak ng tatakbong Mayor na si Alexander Toledo sa pagpatay rito. Inimbestigahan ang nangyari sa selebrasyon na naganap sa isang Hotel kung saan nabawian ng buhay si Alfredo Toledo. Ayon na sinabi ng mga pulis, ay nilason ito ngunit hindi pa nalalaman ang eksaktong—"

Biglang itim na lang ang nakita ko sa telebisyon bilang isang pagpapakita na pinatay ito. Sumandal ako sa sofa at prenteng uminom ng kape saka sinulyapan si Vince na siyang nagpatay ng TV.

Narinig ko pa ang bugtong hininga niya bago umupo sa tabi ko.

"I think you should stop knowing this kind of informations. Secretary na mismo ang nag sabi na siya na ang bahala sa kaso ni Alexander Toledo."

"Nanonood lang ako ng balita. Walang kaso iyon," Sabi ko nang hindi tumitingin sakanya

"Uh-huh. Pero balita tungkol kay Alexander ang pinapalabas." Sabi niya at nakita pa sa gilid ng mga mata ko ang pagkrus ng kanyang braso.

"Nagkataon lang. Ang dami mong satsat." Reklamo ko at napagdesisyunang tignan na siya at saka ko lang nalaman na nakatitig pala siya saakin.

Tumikhim ako saka pasimpleng umurong palayo sakanya at umiwas ng tingin. Dinilaan ko ang ibabang labi ko sabay kagat dito saka biglang nabuhayan nang sumulpot si Mazi at tumakbo papunta saakin.

Maayos na iyon, hindi ko mararamdaman ang tensyon naming dalawa.

Kinuha ko si Mazi saka inilagay ko sa paanan ko at hinayaan siyang maglaro gamut ang laruang kostey niya.

Dalawang araw na ang nakalipas pero parang kahapon lang ang problema ko kay Alexander Toledo. Talagang nagkataon lang na nakita ko ang balita pero ayos na iyon, gusto ko rin malaman kung ano na ang nangyari.

Tanghali na at nagluluto si Andi ang makakakain namin at mukhang kasama niya si Kenji tutal parang bulate naman iyon at parating naka alalay kay Andi.

Hindi ko alam nasaan si Melissa, baka nasa kwarto niya.

"Nga pala," Tinignan ko si Vince na kanina pang nilalaro si Mazi na nakaupo parin saakin nang bigla akong may maalala. Inangat niya ang tingin niya saakin matapos ko siyang tawagin. Masyadong malapit iyon kaya napalunok ako saglit pero buti nalang umupo na siya ng maayos.

"May... Pupuntahan ako mamaya. Gusto mo sumama?" Alok ko sakanya na ikinataas niya ng kilay

Klaro sa mukha niyang nagulat siya roon at hindi niya inaasahan ang pag yaya ko pero maya maya ay tipid siyang ngumiti saakin.

"Where are we going?"

"May bibisitahin lang ako. Wala akong kasama eh, and I think it would be nice if I'll bring you with me. Tutal ikaw naman yung walang ginagawa madalas." Sabi ko dahil totoo naman.

Parating na'kay Mazi ang atensyon ni Andi, si Kenji naman... Baka mababatukan ko lang pag siya ang dadalhin ko mamaya dahil madami iyon tanong. Si Melissa naman, baka masasabunot ko kapag manggigil siya sa mga bata mamaya. Samahan mo pa ang kaartehan.

Pero si Vince, mas gusto ko siya ang kasama ko.

Napunta ang tingin ko sakanya galing kay Mazi dahil hindi siya sumagot sa huling sabi ko. Nakatingin siya saakin at kumunot ang noo ko dahil namumula ang mga tenga niya kaya hinawakan ko iyon saka nag alalang tinignan siya.

"Anong problema? May sakit ka ba? Sige wag ka lang sumama mamaya—"

"N-No.. I uhm... Sure.. sasama ako." Iwas niya saakin at parang tanga dahil hindi siya makagalaw ng maayos. May mali ba sa sinabi ko?

"Mamamasyal kayo? Sama ako! Wow ha! Porket umamin na si Lover boy, gusto niyo kayo na lang parati magkasama—"

"Gusto mo sunugin ko mukha mo?" Sabi ko ng hindi tumitingin sakanya. Pero kinalimutan ko na agad ang sinabi ko saka tumayo at nilabas ang lighter ko saka magpapaalam sana na maninigarilyo pero nagtaka ko kung bakit nanahimik si Kenji.

CIRCLE SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon