C15

11 0 0
                                    

Nagising ako kinabukasan dahil sa may tumutunog na kung ano. Napamura ako sa inis dahil nadistorbo ang tulog ko ngunit pinili ko paring alamin kung saan ba ang tunog na iyon. Ang cellphone ko lang pala.

"Jena?" Bungad ko, inaakalang si Jena iyon at may importanteng sasabihin.


"Triza, baka nakakalimutan mong kaarawan ni Miya ngayon? Nasaan ka na ba? Nangako ka!"


Napabangon ako sa kama at nagising ang diwa ko sa oras na narinig ko ang boses ni Ignacia. Doon naman ako kumaripas ng takbo palabas ng kwarto, tapos papunta sa sala kung nasaan naroon nakasabit ang calendar namin.

Napasalpak ako sa ulo nang napantong biyernes na, halos makalimutan kong may okasyon pala akong dadaluhan. Kaarawan ni Miya.

"Ngayon pala..." Bulong ko pero dahil nasa tainga at malapit sa bibig ko ang cellphone ko ay narinig iyon ni Ignacia.


"Nakalimutan mo?!"



Bumugtong hininga ako at doon ko naman napansin si Kenji at Vince na nakaupo. Nagbabasa ng dyaryo si Vince at si Kenji ay umiinom ng kape habang nakatingin saakin. Lumabas naman galing sa kusina si Andi, tapos naroon sa likod nila si Mel, buhat buhat at nakikipaglaro kay Mazi.

Napatitig ako kay Mel, mukhang ayos na siya... Hindi tulad kahapon...



"Sige... Maliligo lang ako at pupunta na dyan. May ipapabili ka ba?" Muli kong salita sa kabilang linya.


Alam kong nakatingin saakin ang mga kaibigan ko pero hindi ko n sila pinansin pa at lumapit ako sa maliit na kabinet dito kung saan nakalagay ang maliit na bowl. Doon kasi nakalagay yung susi ng kotse at motor.



Kinuha ko yung susi ng motor ko saka napatitig doon bago tumigil saglit para makinig kay Ignacia.



"Sabi ni Sister Jian ay mas maganda kung isasama mo raw ang mga kaibigan mo. Para daw mas madami tayo dito," Sabi niya,



"Hindi pwede. Dito na lang sila sa bahay. Ako na lang—"

"Isama mo na! 'tsaka si Miya na rin ang nagsabi! Gusto niya daw kalaro yung isa mong kaibigan na maputi? Yung maganda!" Singit niya saakin.


Napataas ang kilay ko sabay tingin kay Melissa. Nang makita niyang nakatingin ako ay nagtataka siyang napatingin pabalik saakin. Bumugtong hininga ako,

"Who's that?" Bulong ni Andi saakin, hindi ko naman siya pinansin muna,

"Puedo hacerlo? Tal vez mis amigos se aburran allí..."  Pagsasalita ko ng espanyol para walang makaintindi pero naalala ko, nakakaintindi pala si Mel.

"Pwede bang ako na lang? Baka mabagot diyan ang mga kaibigan ko..."

Tumaas ang kilay ni Melissa, ang mga kaibigan naman namin ay napatingin sakanya dahil doon.

"Sige, ikaw bahala. Sasabihan ko na lang si Sister Jian. Punta ka na dito!" Rinig ang tuwa sa tono ng boses ni Ignacia bago niya ibinaba ang tawag.

"Ano meron, Leader?" Tanong ni Kenji,


"Kaibigan mo ba iyan? Yung si... Ignacia?"Napaisip saglit si Andi bago niya naalala ang pangalan ni Ignacia.


"Hmm..." Simpleng sagot ko..


"And?" Tanong niya muli,


"What's with the spanish language? May ayaw ka bang marinig kami?" Singit ni Vince kaya inosenteng tumingin ako sakanya. Nagmamaang maangan sakanya.

CIRCLE SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon