C16

11 0 0
                                    





Fortunato Alfonso. 42years old. Doctor. Nagtatrabaho sa isang CAM Hospital. Ayon sa kaso na ibinigay saamin ni Jena kahapon ay gumagawa ng illegal na krimen itong si Alfonso sa loob ng hospital sa legal na paraan.

Ang ibig sabihin nito ay sinasadyan niyang pumatay ng pasyente sa lamesa at kunwaring inirarason na namatay ito habang inooperahan. Pero dipende kung anong klaseng pasyente. Binibigyan lang siya ng pabor, binabayaran ng malaking halaga para patayin ang kung sino mang pasyente na iyon.

Nangyari ito dalawang taon na ang nakalipas, at sa tatlong taon na iyon, sampung biktima na ang napatay niya. My mga nakuha si Vince na kaunting impormasyon sa tatlo sa mga biktima nito.

Isang maimpluwensyang tao, pulis, at isang business man na tatakbo sana bilang senador ng Pilipinas. Itong business man ang huling biktima niya. At sigurado kaming magkakarooon ng bago kung hindi namin siya uunahan.

"That's all the information I can get together with the information Jena gave. If you want more, then I can visit the hospital?"

Ngayon na naisip ko, saan ba nakukuha ni Jefe ang mga ganitong impormasyon? Madalas sa mga kriminal na ganito ay walang nakakaalam sa kanilang ginagawa pero itong organization, ay alam na alam bawat kilos mo. Hindi man ngayon, pero malalaman at malalaman nila ang krimen na ginagawa mo.

Maliban na lang kung magaling ka talaga mag tago, pwes ang nasa itaas lang ang nakakaalam ng kasamaang ginawa mo.

"That would be a great idea, Vince. Pero mas good kung iyan na lang muna ang information natin."

Kung hindi corrupt na Mayor, isang teacher. Kung hindi isang mayaman na tao, isang doktor. Ang daming klaseng mga kriminal ang nalalaman ni Jefe at napapatay o natatakot namin. At sa totoo lang ay bilib din ako sa organization na ito, kaya nilang gawin ang lahat ng ito.

"Ano na, boss?"

Pwera na lang sa isang grupo na hindi manlang alam kung anong ulam na ang kinakain ngayon ni Robert Ortega. Alam ba ni Jefe na hindi parin napapatay si Ortega? Bakit hindi niya hanapin si Ortega? Ang dali dali lang naman siguro 'non hindi ba? Buti na lang talaga nandyan si Zivho para tulungan ako. Dahil kung kaya ko, ako mismo ang hahanap kay Ortega pero hinde, ibibigay ko na itong pabor kay Zivho dahil masyadong magaling magtago si Ortega.

"Triza? Hello?"

Hospital. Hmm... Papasok kami ng hospital. Pero paano nga ba? Mas maganda kung isa o dalawa lang saamin ang papasok doon habang naka bantay sa labas ang tatlo. That would lessen the attention we can give. At mas maganda kung mamatay ang target ilang oras matapos naming makalayo sa lokasyon na iyon. Malayo sa CCTV, malayo sa atensyon ng mga tao, malayo sa kahit anino namin.

And to do that, I would be needing someone who's expert on this. Magaling ako pero hindi ako papatay ngayon. Isa sa kanila ang gagawa ng patayan ngayon.

"Leader, ang lalim naman yata ng iniisip niyo,"

Binaba ko ang kape ko na hindi ko manlang sinipsip at nanatiling nasa ere malapit sa bibig ko. Huminga ako ng malalim at umupo ng maayos saka napatingin saglit sa mga litrato at mga papeles na nasa lamesa.

Tumitig ako sa litrato ng target, tapos ay sumandal ako sa kinauupuan ko at nilingon si Kenji na nakaabang saakin tulad ng iba.

"Kill him." Simpleng sagot ko,

Umamo ang mukha niya. Napatitig siya saakin tapos maya maya ay ngumisi siya at tumango saakin. Tamad kong iniwas ang tingin tapos sunod na tinignan ang iba na nakatingin parin saakin.

"Andi, ikaw na bahala na camera. Siguraduhin mong makakapasok ka sa security nila mamayang gabi. Melissa, getaway vehicle. Vince, ikaw na sasama kay Kenji sa loob. I'll be with the others and page me if something happens." Sabi ko at nakuha nang inumin ang kape ko,

CIRCLE SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon