C27

10 0 0
                                    

Tulala akong nag iisip sa mga kung ano ano. Pero sa totoo lang lumilipad ang isipan ko. Umiigting ng panga ko, napapakuyom ang kamao ko, humihinga ng malalim at napapabugtong hininga. Pero ang mas nangingibabaw ay ang hindi ko pag galaw sa kinauupuan ko.

"Anong ginagawa mo dyan? Halika ka na't kumain! Para makatulog na tong si Vince at makapag pahinga."

Napunta ang atensyon ko kay Andi. Alas nuebe nang sila ay dumating sa hospital. Isang oras matapos kong matanggap ang mensahe galing kay Roxanne kanina.

"A-Ah..." Tumayo ako at lumapit sakanila. Inabutan ako ng plato ni Melissa na kunot noong nakatingin saakin pero hindi na nagsalita.

Si Andi na ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ko bago ako bumalik sa sofa at doon ko nilapag sa maliit ng table ang plato ko hababg si Kenji ay kumakain na, kasama si Maziel.

Si Melissa na rin ang nag abit ng pagkain ni Vince na ramdam ko ang tingin saakin.

"Hindi mo ba gagalawin pagkain mo? Lalamigin na oh,"

"H-Huh?"

Nilingon ko si Kenji. Nagtatakang tumitig siya saakin tapos tinuro yung pagkain ko. Tumingin naman ako sa pagkain ko. Napatitig ako roon, wala akong ganang kumain. Hindi rin ako gutom... Ayokong kumain.

"What's with you? You seem clouded." Salita ni Melissa habang kumakain.

Hindi ako sumagot at umiwas na lang ng tingin. Nakatingin na kasi silang lahat saakin. Sakto naman tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tila nabunutan ng tinik dahil si Roxanne ang tumatawag.

Tumayo ako at walang salitang lumabas ng kwarto at naglakad ng mga ilang hakbang palayo sa kwarto bago ko sinagit ang tawag.

"Have you received my message?" Bungad niya

"Nabasa ko." Sagot ko.

Sandaling katahimikan ang nagkaroon. Siya namang pag lipad ng isipan ko, hanggang sa may narinig akong bugtong hininga sa kabilang linya.

"We are currently tutoring him. I called you to ask if you want to meet us. I don't know... I feel like I need to let you meet this guy. What do you think?" Tanong niya

Hindi muna ako sumagot. Napasandal ako sa pader habang yumuko at tumingin lang sa sapatos ko. Napapikit ako at huminga ng malalim bago inangat ang tingin sa kisame saka tumango sa sarili.

"Bukas... Pupunta ako bukas... Text mo na lang sakin ang address." Sabi ko

"Okay. Huwag kang mag aalala, hindi ko pa ito papatayin." Aniya sabay patay ng tawag.

Binaba ko ang cellphone ko atsaka tumayo muna roon saglit. Masyadong naghahalo halo ang mga emosyon ko. Galit, kaba, Saya, takot...

Kasi alam ko kapah tapos na ito, kapag wala na ang isang Robert Ortega... Hindi na ako tutuloy sa ganito. Tapos na ako. Aalis na ako.

"Alam niyo naman diba? Na kapag nahuli ko na ang teacher ni Andrianna... Na kapag wala na siya... Tapos na rin itong ginagawa ko."

Deretso ang tingin ko sakanilang lahat. Si Melissa ay nakaawang ang bibig, gulat ang ekspresyon at natulala saakin. Si Vince ay hindi nakatingin saakin, tila nag iisip at tahimik lang. Si Kenji na halatang inaasahan na darating itong ounto na ito ngunit nabigla parin sa sinabi ko pero hindi makapag react masyado dahil natutulog na si Maziel sa hita niya. At si Andi na napahawak sa puso niya at tumulo ang luha.

Isang oras akong nasa labas kanina matapos ang tawag. Pinagisipan ko ito ng mabuti at kinuha ang buong lakas ko na bumalik dito sa kwarto na sabihin sakanila ang pinag gagagawa ko. Sa sikretong pag hanap kay Ortega, Sa Bahay kung saan nakita namin nina Kenji ang mga litrato ni Andi (Hindi ko sinabi na kasama ko Si Kenji. Sinabi ko lang na kasama ko ang Shadow Men ko), Kung paano binigay ko lahat ng ebidensyang meron ako sa grupong may hawak sa kaso ni Ortega, Sa Tulong ni Zivho, at kung paano nag text saakin si Roxanne at tumawag kanina.

CIRCLE SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon