C12

12 0 0
                                    

"No! Ako dapat!"

"Umurong ka nga, ang laki laki mong tao."

"Ano sabi mo?! Mataba ako?!"

Nagising ako dahil sa ingay. Unti unti akong bumangon at inayos ang aking paningin. Nakakunot pa nga ang kilay ko dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

Hindi nawala ang ingay sa labas, may mga iba rin akong naririnig na parang tunog ng isang babasaging gamit, maging ang kaluskos sa pintuan ng kwarto ko ay narinig ko rin.

Bigla iyon bumukas at lumitaw si Melissa at Kenji na tila naguunahan papasok sa loob. Nang makita nila ako, napatigil sila sa pag aaway at tumayo ng matuwid.

Sabay silang ngumiti dalawa saakin. May hawak na plato si Mel, habang si Kenji ay dala dalang baso. Naglakad sila sa magkabilang gilid ng kama ko. Sa kaliwa si Mel, sa kanan naman si Kenj.

"Magandang araw Boss!"

"Good morning, darling!"

Kunot noo ko silang tinignan dalawa matapos nilang sabay magsalita. Sinamaan pa nila ng tingin ang isa't isa tapos ngumiti muli nang tumingin pabalik saakin.

Napatingin ako sa dala ni Kenji, kape iyon. Mainit init pa dahil dahil nakikita ko ang usok nito. Sunod ko namang tinignan ang dala dala ni Mel. May itlog, scrambled pati yung itlog na pinakuluan lang. May konting kanin naman, may pritong manok, may gulay rin. Halos puno na nga yung plato kung tutuusin.

"Kumain ka na ng mabuti, boss! Masarap iyan. Masustansya, tapos nagpapataba pa ng puso!" Sabi ni Kenji, hinawakan pa ang dibdib.

"Mang aagaw ng lines!" Sigaw sakanya ni Mel, tapos agad na ngumiti saakin, "Eat this food and finish it okay? Dito ka na kumain sa kwarto mo... If you need us, just call our names and we'll be here in less than two seconds."

"Weh? Lilipad ka ba kung ganoon?" Tanong sakanya ni Kenji

"It's a metaphor, Aguatos! Mag aral ka kasi!"

"Ako kaya mas matalino saating dalawa, Qenzi! Baka nakakalimutan mong Magna Cumlaude ako sa kolehiyo!" Pagmamayabang ni Kenji

"Hah! Well that's because Vince was the Suma of our batch. Yabang mo, nangunguna naman si Vince!" Umirap si Melissa sakanya

Pinanood ko silang mag away away. Kapag si Melissa ang magsasalita, sakanya ako nakatingin. Kapag si Kenji naman ang sasabat, nalilipat ang tingin ko sakanya.

Bumugtong hininga ako at hinayaan silang magsabanatan sa harap ko. Parang wala akong lakas magsalita.

Napahawak rin ako sa noo ko at napatigil nang napagtantong mainit ako, sunod kong hinawakan ang leeg ko, mainit rin iyon. Maya maya, sumakit na ang ulo ko pati ang pangangatawan. Napapikit ako sa pagod, nakaupo parin ako sa kama tulad ng kanina. Hindi ko rin magawang humiga muli dahil naalala kong may sugat pala ako sa likod.

"Andrianna said to you two, to bring the food in her room. Not argue infront of her."

Binuksan ko ang mata ko at nakita si Vince sa labas ng pintuan. Nakakrus ang kamay sa dibdib habang nakatayo ng matuwid nakatingin sa dalawa na napatigil sa pagaaway.

Napatingin ang dalawa saakin at nahihiyang ngumiti. Hindi ko sila pinansin at tanging blanko lang ang aking ekspresyon.

Naglakad si Melissa sa maliit kong lamesa at nilagay doon ang plato. Sumunod naman si Kenji sakanya.

"Anong oras na?" Tanong ko, tumikhim pa dahil parang napapaos ang boses ko

"Tanghali na, Triza. Hindi ka na namin ginising kanina dahil mas gusto naming magpahinga ka. So eat already okay?" Kalmadong sabi ni Melissa

CIRCLE SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon