C10

13 1 0
                                    

Nagdaan ang kinabukasan ay nagsimula na kami sa trabaho. Pumasok na si Melissa isang oras na ang lumipas sa 'klase' niya habang kami ngayon ay nakasamid lang sa labas. At dahil hindi namin magagamit ang mga gadgets ni Andi ay wala kaming alam sa kung ano na ang nangyayari kay Melissa sa loob.

Nakadungaw lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan sa gawi ko. Pinaglalaruan ko lang rin yung lighter ko dahil sa hindi malamang dahilan, nagugustuhan ko ang tunog nito sa tuwing binubuksan at sinasarado ito.

"Boss, gusto ko umuwi. Balik na lang kaya tayo sa hapon? Pagmamasid lang naman ang gagawin ni Mel ngayon." Biglang salita ni Kenji

Hindi ako sumagot. Maging ang sumulyap sakanila sa harap ay hindi ko ginawa.

Muli siyang kumain ng chirchirya. May binulong pa siya pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Tumawa naman itong si Vince dahil siguro kay Kenji.

"Gusto mo lang yata makasama si Andrianna." Pang tutukso niya

"Hindi 'no! Gusto ko lang makalaro si Mazi." Sagot naman ni Kenji at tumawa lang si Vince

Binalot kami muli ng katahimikan matapos silang sandaling magbangayan. Dumating ang tanghali ay nakita na lang namin si Mel lumabas ng campus at saka tumawid ng kalsada para makalapit sa gawi namin. Binaba ko naman ang bintana ko dahil doon siya tumigil at tumayo.

"I decided to eat lunch with Lim, if that's okay with you. Kayo?" Bungad niya

"Uuwi! Gusto ko na umuwi! Wala akong pakialam sayo!" Sigaw ni Kenji sakanya kaya nakita kong sinamaan siya ng tingin ni Mel

"Alam mo Kenji, I wish you will like...  mabulunan!"

Isang blankong tingin lang ang binigay ko kay Melissa nang ibinalik na niya ang titig saakin. Wala siyang alam sa usapan namin ni Lim. Maging sina Kenj at Vince. Batid kong hindi naman ako nag sarili sa trabaho dahil alam naman nila na kasama si Crizel sa plano. Iyon nga lang ay hindi nila alam kung saan parte ng plano kasama si Crizel. Basta bait.

"Uuwi na muna kami. Walang kasama si Andi, kumain." Simpleng sagot ko at tumango naman siya

"Yes!" Hiyaw naman ni Kenji

Umalis na si Mel matapos 'non. Wala pa naman daw ganap sa pag mamasid niya kay Carisol Ibarra. At mukhang ayos lang rin daw si Crizel. Tinanguan ko lang siya bago ko sinensyahan si Kenji na mag maneho na.

Tahimik lang kami buong byahe. Dahil inabutan kami ng traffic ay tumagal kami saglit sa kalsada. Imbes na van na parati naming gamit tuwing may trabaho, yung kotse ang ginamit namin. Narito lang ako sa likod habang si Vince ay nasa unahan.

"You know... I thought you and Melissa will end up together.  But then Andrianna came into the picture." Rinig kong sabi ni Vince

"Ulol. Mas gugustuhin kong maging mag isa na lang kaisa sa gigising sa ako umaga tapos mukha agad ng babaeng iyon ang makikita ko." Sagot naman ni Kenji na ikinatawa ni Vince. Nahagip pa ng gilid ng mata ko na sinuntok niya ng pabiro ang braso ni Kenji

"Asshole. Mel will surely punch you in the face kapag narinig ka niya." Aniya

"Tsk. Ayoko doon. Alam mo namang sabay na tayo lumaki tatlo. Mas gugustuhin kong maging kuya niya kaisa asawa. Bunso natin eh," Sagot naman ni Kenji

Wala naman ako masyadong alam. Kababata silang tatlo. Nakinig nalang ako sa usapan nila habang nakadungaw sa bintana.

"What made you like Andrianna? No actually, alam na ba niya na gusto mo siya?" Tanong naman Vince

"Oo. Matagal na."

Tuluyan na akong napalingon kay Kenji. Matagal na? Alam na ni Andi? Bakit wala siyang sinabi saakin? Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?

CIRCLE SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon