C1

22 1 0
                                    


3 years later,

"Naninigarilyo ka nanaman,"

Inabot niya sakin ang kapeng dala dala niya kaya pinatay ko na ang sigarilyo saka inabot iyon.

Nakatambay lang naman ako sa labas ng bahay dahil syempre, Hindi ako pwedeng manigarilyo sa loob. Madalas nag lalaro si Mazi sa sala kaya...

"Last na to," Sabi ko

"Tss. Last na for this morning. Balak mo bang mamatay? Yung tipong  slowly but surely?"

"Kung balak ko man mamatay, Edi sana deretsuhan na. Alam mo namang hindi ako nag papaligoy-ligoy pa, Vince," Sabi ko na ikinaismid niya lang

Remember Vince? I bet you do.

Ito lang naman si Vince Tamayo, 22.
Ang taga kuha ng Information sa target. Pinakamantada sa  lahat. Pinaka mabait rin—seryoso nga lang... Magaling mag set ng mga baril o kahit ano pa man si Vince. He have the skill that even a Real expert Agent coulnd't catch up for.

Naaksidente ang mga magulang niya nung nag t-training palang siya. Nung nag t-training palang kami.

"Nako! Alam mo naman itong si Triza bro! Smoking smoking lang pag depressed! hahaha!" Tawa ni Kenji na bigla lumabas sa kung saan

Ito naman si Kenji Aguatos, 20. Assassin ng Squad. Siya ang nag papakalma sa grupo pag nag aaway ito o kung mainit ang ulo ng isa. Dahil delekado na baka pumatay ang isa wala sa oras.

Parte na rin ng grupong Mafia ang mga Magulang niya. Pero yung nanay niya ay Teacher. Kaya hindi ito masyado aktibo sa organisasyon. Ay- Teacher ksi wala na itong masyadong ginagawa sa organisasyon. But believe me, His parents are high important people.

Naalala ko tuloy yung halos mag sabunutan na kami ni Melissa. Nakakainis kasi. Pabebe magsalita, unang kita ko palang talaga sakanya ay nakakairita siya. Pero mabait naman pala. Nagkataon lang talaga  na dalawa kaming may regla kaya ayun.

Todo awat namang tong si Kenji samin.

"Oh here lang pala kayo! Let's go inside na dahil it's time to eat! You don't want to make our Mother angry,"

Speaking of the devil,

Melissa Qenzi, 20. Kikay. Pabebe nga mag salita. Look out ng Squad, kung si Vince magaling mag set, siya naman ay magaling mag identify ng bagay bagay. Like bombs, guns, knife. Namatay na ang Nanay niya at ang papa niya naman ay official part of the Mafia Org. na. Kaya sinama na siya ng tatay niya sa organization na ito since interested din si Melissa dito. Hindi ko nga lang masyado nakikita ang tatay niya. Balita ko nasa ibang bansa ito. May ginagawang importanteng bagay.

Nauna na akong pumasok sa loob at sumunod naman silang tatlo sakin. Sa dining area, Doon ko naman nakita si Andi na naglalagay na ng plato sa lamesa.

Tinulungan ko na siyang ilagay ang mga ulam, Ang ang tatlo naman ay nag handa na rin tulad namin

"Andi, ilalabas ko ba yung lemon water mo?" Tanong ni Kenji

"Hinde, Pakilabas ng fruits. Para kay Mazi" Sagot naman ni Andi

Oo nga pala, Si Andrianna "Andi" Fuentes, 21. Nanay ng grupo. Dahil na rin siguro tunay na ina si Andi. Kilala niyo naman siya diba? Siya ang hacker samin. Dahil may mga oras na kailangan namin makita ang mga cctv para siguradong hindi makita ang isa saamin kahit sa camera pa man yan. Two years old  na ang anak niya ngayon. Oo, Binuhay niya at hindi niya pinabayaan. Pinalaki namin dalawa, tapos, Pinalaki na naming lima.

Ako? Ako lang namang ang leader ng gang. Sinusunod bawat utso ko. Strikto lalo na kapag usapang trabaho na.

And speaking for the kid,

CIRCLE SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon