C19

12 0 0
                                    

Elmar Custodio. 38. Ayon sa nakuhang impormasyon, Dati itong pulis na tinanggalan ng lisyensa pagkat may ginahasa itong labing-isang taong gulang na batab5g babae. Lasing raw siya nung nangyari ito at pagkatapos ay hindi sinasadyang patayin ang bata. 

Matapos ang tatlong buwan na kaso na iyon, may nakaaway ito sa loob ng kulungan. Nasasak si Elmar gamit ang basong nabasag at dahil sa galit, bumawi siya isang linggo ang makalipas. Pinatay niya ang nakaaway niya. 

Tapos, tatlong buwan muli ang lumipas, tumakas ito ng kulungan. At sa mga nakaraang linggo, nagkaroon ng kasong patayan. Ang mga biktima ay lima. Kung hindi lasing, ang iba ay mga adik. Hindi alam kung paano at bakit sila namatay. Ngunit sa limang biktima na namatay, isang armas lang ang ginamit. Baril. Ang mas masama roon ay nalaman nila ang balang ginamit ay pag aari ng isang pulis. 

"Custodio must be behind with all those recent killings."

Binaba ni Vince ang mga papeles maging ang litrato ng mukha ni Custidio.  Nanatili akong tahimik kahit matapos na niya sabihin saamin ang mga panibagong kaalaman tungkol kay Elmar Custodio. Ang iba kasi ay galing kay Jefa na pinadala ni Jenna. 

Balik trabaho na kame matapos ang isang buwan. Matapos ang huling nangyari dito sa bahay. Nalaman ni Jefa ang nangyari at pagkatapos nun ay wala na. Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari, kung nalaman ba kung sino ang pakana nito, kung sino ang boss ng mga shadow men na iyon, o kung ano ang ginawa ni Jefe sakanila. Masyadong tahimik. O baka ako lang ang nag desisyon na wag nang makialam dahil ang mga kaibigan ko ay wala ring inaalam.

"... And Jefe wants us to JUST give him back to the police. Not kill him." Pagtatapos niya.

"So no killing on this man? Despite on raping on a eleven-year old kid and killing six people in just over ten months?" Insultong tunog sa boses ni Melissa

"Paano kung makakatakas siya muli? Paano natin ibibigay si Custodio sa mga Pulis nang hindi tayo nakikita o nalalaman?" Tanong ni Kenji

"Paano natin hahanapin iyon? That man is hiding." Sabi naman ni Andi

Tumingin silang lahat saakin. Hindi man ako nakatingin, pero alam ko nakatingin sila. Binaba ko yung hawak kong baso na naglalaman ng kape saka tumitig sa litrato ni Elmar nakahalatag sa lamesa. Huminga ako ng maalim at dahan dahan ring nagpakawala.

"Put it on pending case. Saka na tayo mag usap muli. Magpahiga na kayo." Tanging iyon ang sinabi ko saka tumayo at dumeretso sa kwarto ko. 

Alam kong nagtataka ang mga kaibigan ko at hindi inasaahan na iyong ang lalabas sa bibig ko pero bahala na sila. Hapon ngayon a iyon ang ginawa naming pag pupulong para sa panibagong kaso namin. Alam kong inaasahan nilang gagawa agad ng plano, iyon rin naman ang madalas naming ginagawa pero naibhan sila ngayon. Sa ilang ora ba naman ng pananahimik ko, iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Ang mga hindi inaasahan na mga salita. 

Nanatili akong naka-dungaw sa bintana hanggang sa nawala ang isip ko sa pag mumuni-muni nang may kumatok sa kwarto. Hindi ako sumagot, kaya naman kung sino ang nasa kabilang pinto ay binuksan iyon at pumasok sa loob ng kwarto. Base sa yapak niya at kung paano nanatili siyang tahimik-maging ang amoy niyangpabango, kilala ko na kung sino.

"Still not talking? You barely say words to us."

Lumingon ako. Tulad ko, nanatili siyang nakatayo. Nakapamulsa siya at nakatitig saakin. Alam kong inaasahan niyang magsasalita ako pero hinde. Nanatili akong nakatayo at tahimik at nakatitig pabalik sakanya.

He knew that. He knew that I'll remain silent. Dahil bumugtong hininga siya at saglit na tumimig sa sahig at tila nag iisip bago niya inangat ang tingin saakin at tumango. Maya maya ay tumalikod na siya at naglakad papunta sa pintuan pero bago siya tuluyang umalis, nilingon na muna niya ako.

CIRCLE SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon